chapter 9

11 0 0
                                    

Chapter 9

"You look like hell," bati ni ice sa kanya kinabukasan.

Kaninong kasalanan ito sa palagay mo? Gusto niyang ibulyaw rito pero hindi niya ginawa. Nakakainit ng ulong makita na tila kay ganda ng naging tulog ng hudas na ito samantalang siya ay hindi man lang nakatulog ni gaputok.

"Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi," matabang na tugon ni Irene.

"Halata nga," si ice at kinuha ang dala niyang backpack para ilagay sa likuran ng sasakyan na gagamitin nila. "Tamang-tama lang pala itong bakasyon na ito para makapag-relax ka naman."

Paano ako makakapag-relax kung kasama kita parati, himutok uli ni Irene. Bakit ganon? Bakit tila ang saya-saya ng ungas na ito? He was more cheerful than usual. Pakiramdam tuloy niya ay bumaligtad bigla ang mundo nang hindi niya namamalayan. Noong nakaraang linggo lang ay ito ang tila galit sa mundo at siya naman ang nagpapasigla rito pero ngayon ay baligtad na.

Habang nasa daan, wala silang imikan nito. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng passenger seat habang masayang nagkukuwentuhan sa backseat ang mga magulang nito at ang kapatid niya.

Papalabas na sila ng Manila nang kausapin siya ng binata. "Bakit hindi ka muna matulog, Irene? Baka wala ka nang gawin roon kundi ang matulog kapag hindi ka pa nagpahinga."

"I want to see the scenery along the way," katuwiran niya.

"Magsasawa ka naman sa view pagdating natin roon kaya matulog ka na,"

Makikipag-argumento pa sana siya pero naramdaman niyang wala na siyang lakas para roon kaya minabuti na lamang niyang sumunod.

Moments later, she was asleep.

Sinulyapan ni ice ang dalaga upang siguruhing tulog nga ito bago ituon uli sa pagmamane

ho ang atensyon nang mapansin niyang natahimik ang mga kasama niyang nakaupo sa backseat. Sinulyapan niya ang rearview mirror at nahuli niyang nakamasid sa kanila ang tat long naroon. At nang mapansin siya ay kaagad nagbawi ang mga ito ng tingin at nagpatuloy sa kuwentuhan na parang walang nangyari.

What the hell's wrong with these people? He mused to himself but at the back of his mind, he knew but was just too stubborn to acknowledge it. He sighed.

Halatang narinig siya ng tatlo dahil sa nakakalokong ngiti na nakaguhit sa labi ng mga ito. This vacation was going to drive him draft, he predicted. Nang makarating sila ng destination, Alam ng binata Hindi nga siya nagkamali. Inunahan siya ng mga magulang at ni reia sa pagkuha ng mga bagahe mula sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Gisingin mo na lang si Irene, William aleister," suhestyon ng Ina niya habang papasok ng rest house, akay-akay ang isang trolley bag. Sinubukan niyang kunin ang may kalakihang traveling bag na bitbit ni reia ngunit mabilis nitong naiiwas iyon sa kanya. He scowled. He saw a devilish glint in her eyes.

"My sister does have a hard time waking-up, baka mas mabuting kargahin mo na lamang siya papasok ng bahay, kuya ice,"

Inignora niya ang sinabi nito habang sumisipol na dinaanan lang siya ng ama dala-dala ang mga supplies nila. Marahas siyang nagpakawala ng hininga at bumalik sa sasakyan upang gisingin si sleeping monster. Binuksan niya ang pinto sa side ng kababata at bumungad sa kanya ang natutulog nitong mukha. He bent over to wake her but for some reason, he found it hard to do so. He didn't have the heart to rouse her from sleep. He just stayed there leaning over while he watched her sleep soundly.

missing you a lotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon