chapter 7

10 0 0
                                    

Chapter 7

Nagtaka si Irene nang isang umaga ay madatnan niya si ice na tila ba naghihintay sa tabi ng sasakyan nito paglabas niya ng gate. Papunta na siya ng office. Nang makita siya ay sumenyas ito na lumapit siya rito. Nakakunot-noo na tumalima siya.

"Bakit?" Tanong niya ng makalapit dito.

"Get in," si ice at lumigid sa dako ng passenger side upang pagbuksan siya ng pinto.

Kahit nagtataka pa rin ay sumunod siya rito. Nang nasa daan na sila ay saka siya muling nagsalita.

"Bakit bigla-bigla mo na lang akong ihahatid ngayon, ice?" Si Irene.

"Wala ang mga magulang mo next week, Hindi ba?" balik nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Oo, nagkasakit ang abuela kaya doon muna sila sa kanila sa probinsiya para alagaan siya," nagtatakang sagot ni Irene.

"Pati si Erin ay hindi pa rin uuwi mula sa bakasyon niya sa pamilya ng mapapangasawa niya,"

"O, tapos?" Hindi talaga niya ma-connect iyon sa tanong niya.

"Ipinapatanong ni mama kung gusto n'yo raw bang sumama ni reia sa amin sa tagaytay next weekend," si ice na masama ang loob na pagbibigay-alam nito.

She didn't care about him, tila nagliwanag ang kalangitan pagkarinig niya sa sinabi nito. " Tagaytay? As in sa resthouse ninyo roon?" Sumulyap ito sa kanya at bumuntong-hininga.

"What?" Takang tanong niya,nalilito sa asal nito.

"Wala. I'd take that as a yes then'" balik nito sa usapan.

"Titingnan ko muna kung makakakuha ako ng leave sa office. Tatanungin ko rin si reia kung gusto niya." Inilahad niya ang kamay niya rito. "Give me your cellphone." Irene.

"What for?" Ice.

She looked heavenward. "Ibigay mo na lang."

Walang imik na kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa nito at ibinigay sa kanya. Inidial niya ang sariling number at pina- ring iyon. She saved her number on his cellphone and gave it back to him. "There, you can call or text me anytime. That way you don't have to see me every time you need something."

Ilang Sandaling tiningnan lang nito ang cellphone nitong iniaabot niya, tila ba pinag-iisipan pa nito kung tatanggapin iyon o hindi.

"Hoy, kunin mo na kaya bago pa tayo maaksidente rito." Sa wakas tinanggap na rin nito iyon na may kasamang buntong-hininga.

Kumunot ang noo niya. "You know what, ice? Sometimes you're creeping me out. Your mood swings are terrible and your mental disposition is even worse." Irene.

"At sa palagay mo ba sino ang may kasalanan?" Maktol nito.

"Ako? Ano'ng ginawa ko sa'yo?" Si Irene na nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

"Just forget it. Nandito na tayo." Bumaba ito ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.

When she got off, she found herself face to shoulders with him. She looked up at him and reached out to smoothen his wrinkled brow.

"Stop frowning. Ang aga-aga pa kunot na iyang noo mo." She felt him relax then. Ngumiti siya.

"Now smile, hindi ako sanay na tila pasan mo ang daigdig."

"Yes, maybe I'm just thinking too much." Ngumiti ito sa kanya.

Nakamasid pa din siya sa mukha ng kababata, iniisip kung gaano ito kaguwapo nang may isang tao ang tumawag sa kanya. Nakita niya si Clyde na kabababa lang mula sa kotse nito.

"Good morning,Clyde," nakangiti niyang bati kahit tila masama ang gising nito.

"Good morning, Ma'am chorus ng ilang empleyado mula sa entrance ng bangko. Tila kilig na kilig ang mga ito. Isa sa mga ito ang naglakas-loob na magtanong. "Ma'am, sino iyang kasama ninyo?"

Irene almost rolled her eyes upward in reaction. Pagod na siyang sumasagot sa walang katapusang tanong na iyon na ilang taon na rin niyang naririnig. Wala ba talagang babaeng immune sa karisma ng lalaking ito?

"Asawa ko," pabiro niyang sagot. Nakangising binalingan niya si ice. "Right, sweetheart?"

Ngunit siya ang nawindang nang dumukwang ito at hinalikan siya sa gilid ng kanyang mga labi. "See you later." His voice was full of promise that sent her goosebumps. A delicious kind of goosebumps.

Impit na nagtilian ang mga 'fans' nila habang nakatanga lang siya rito.

*****************************************************************

missing you a lotWhere stories live. Discover now