Danica had a huge crush with Yuri Rosales when she was still a teenager. Fast forward to more than ten years, muli niyang nakita ang lalaki na ngayon ay isa ng resident doctor. On the other hand, Danica got married, had a son and was annulled. They were both busy with their respective professions when they met again and fate seemed to favor them this time. Pero may bumabagabag sa doktor. May mga bagay na nagpapabigat sa loob nito dahilan upang ayaw nitong pumasok sa kahit na anumang relasyon. Worse, parang ayaw nitong hayaan ang sarili na lumigaya. Gustong malaman ni Danica ang nilalaman ng puso ng lalaking pinangarap niya noon at pinapangarap niya ngayon. Gusto niya itong maunawaan upang magkaroon siya ng puwang sa puso nito. Kayanin kaya niya o aatras siya?