Ang nais lang niya ay kasagutan sa isang misteryong hindi malaman. Gulo ang isip nang magtungo si Rhian Dolores, isang vlogger, sa tinatawag na "Hotel del Dolor" kung saan liblib ang kinatatayuan nito ngunit may ilan pa ring dumarayo. Isang hindi maipaliwanag na misteryo ang nais niya ring tuklasin dito partikular sa misteryo ng pag-ibig na naidudulot ng hotel na ito. Sa pagpunta ni Rhian sa Hotel del Dolor makikilala niya si Justin at Vince. Makakabuo siya ng samahan sa mga ito lalong-lalo kay Vince at sila ang tutulong upang masagot niya ang mga tanong sa isip tungkol sa Hotel del Dolor. Makamtan kaya niya ang kasagutang hinahanap-hanap ng karamihan? Ano kaya ang sumpa ang Hotel del Dolor? Ano ang kahihinatnan ni Rhian matapos masagot ang mga misteryo? Original Date Published: April 22, 2021 Rewritten Date Published: December 25, 2023