Nang ipanganak ang kambal na prinsipe, nagbago ang kapalaran ng buong mundo. Ang kambal na prinsipe ay may kapangyarihang sirain ang mundo. Ang kanilang mahiwagang kapangyarihan ay nagdulot ng sakuna sa lahat ng dimensyon. Hindi lamang iyon dahil ang kanilang biglaang pagkawala ay naghatid ng kaguluhan sa buong mundo, pati sa ibang dimensyon. Ang mas nakakagulat ay walang nagawa ang mga diyos upang iligtas ang lahat dahil sila mismo ay may problemang kinakaharap din. Ang Goddess of Creation and Universe na si Luna ay naglaho na parang bula, dahilan upang walang makakapigil sa tuluyang pagkawasak ng buong mundo. Ang hindi inaasahan na kaganapan ay nagdulot ng trauma sa lahat. Sa kawalan ng pag-asa at kawalan ng kakayahan na iligtas ang buong mundo, natagpuan na lamang ng lahat ang kanilang sarili sa ibang universe. Paano magsisimula ng bagong buhay ang lahat na nakaligtas sa sakuna sa ibang mundo na napakamisteryoso?
11 parts