Masayang mabuhay dito sa realidad ng pantasya; ang panaginip. Dito kaya mong gawin lahat, makita ang lahat o kahit na makausap sino man. Imahinasyon mo lang ang limitasyon nito. Bakit ka pa kakawala sa realidad na ito? Bakit nanaisip mo pa na magising sa realidad na wala kang kontrol? Ano nga ba ang tinuturing nating realidad? Ang waking life? Na kung saan wala kang kontrol sa paligid? Sa buhay na susunod ka lang sa alon ng buhay?