Masayang mabuhay dito sa realidad ng pantasya, ang panaginip. Dito kaya mong gawin lahat, makita ang lahat, kahit na makausap sino man. Imahinasyon mo lang ang limitasyon nito. Bakit ka pa kakawala sa realidad na ito? Bakit nanaisip mo pa na magising sa realidad na wala kang kontrol? Ano nga ba ang tinuturing nating realidad; ang waking life? Na kung saan wala kang kontrol sa paligid? Sa buhay na susunod ka lang sa alon ng buhay?
May sagwan naman ah.
Sagot ng isang batang paslit sa tabi ko.
Pilosopo ka! Sagot ko.
Bakit ka sasabay sa alon ng buhay kung may sagwan naman? Bakit hindi ka lumaban sa alon at tahakin mo ang gusto mong landas. Kung sasabay ka lang sa alon ng buhay, hindi mo alam kung san ka dadalhin nito; sa dalampasigan ba o sa kawalan.
Napaisip ako sa sinabi ng batang ito.
Napaka talino! San nga ba galing itong batang ito? Sino to?
Katulad niyan! Dapat nag rereview ka ngayon, ano ginagawa mo? Eto tulog ka!
Bakit ba? Inaantok ako eh! Sige gigising na ako. Sabi ko.
Wag! Sumagot sya at hinawakan ako sa braso.
Bakit? Tanong ko.
Sige ka, di mo na ako ulit makikita, di mo na ako ulit makakusap.
Hindi hindi kita makakalimutan. Tandang tanda ko muka mo! Namumukaan nga kita, hindi ko lang alam kung saan lang kita nakita.
Kaya nga, hanggang dun lang magagawa mo, pero di na ulit tayo mag kikita at makakapag usap.
Alam mo, nakakatamad itong pinag-uusapan natin. Naiinip na ako. Kanina ka pa daldal ng daldal dyan. Kung makapag salita ka akala mo ang dami mo ng karanasan sa buhay. Ilang taon ka na ba boy?
Naiintindihan mo bang kahit buong araw tayong mag-usap, wala pang isang minuto ito sa totoong buhay?
Ayan nanaman tayo sa totoong buhay! Paulit ulit tayo dyan. Sagot ko habang tinataktak ang yosi bago ko sindihan.
Katulad niyan, dati ayaw na ayaw mong nag yoyosi tatay mo. Na alala mo ba noon pinuputol mo pa yung sigarilyo niya kasi para kalahati lang yung mayosi niya?
Oo? Medyo confused kong sagot.
Na aalala mo din noon, pumitas ka pa ng dahon ng bayabas. Ginupit mo at nirolyo mo sa bond paper, nilagyan mo ng bulak at tinape mo. Tapos sabi mo noon ibibigay mo sa lolo mo yun kasi para tumigil na sa paninigarilyo at mas healthy yun kumpara sa yosi?
Napakunot lang ang noo ko, hindi ko sinabi yun. Naiisip ko lang yun. At isa pa, pano mo yun nalanan. Di ko naman sinabi yun ah! Nasa isip ko lang yun!
Nasan ba tayo ngayon? Sagot niya.
Oo nga. Sabay tingin ako sa kawalan.
Tignan mo kung anung oras na, sabi niya habang nakaturo sa gilid ko.
Tinignan ko...
paano ko malalaman oras dyan? Eh karton na dinorowingan lang yan ng orasan? Gawa mo ba yan? Pangit naman. Di mo man lang inayos pag ka bilog nung orasan saka di pantay yung mga numbers! Dapat nag simula ka sa 12 tapos 6, tapos 9 tapos 3. Saka mo isulat yung kulang. Ganun dapat para pantay.
Bakit mo sa akin yang sinasabi? Ako ba may gawa niyan?
Baka naman ako? Bakit ako gagawa ng ganyan? Sagot ko.
Isa pa, dapat ginamitan mo ng compas. Napaisip ako, di pala alam nito ang compas. Dapat ginamitan mo ng plato! Nag trace ka dapat ng plato! Perfect circle yan kapag ginawa mo yun!
Tignan mong mabuti. Sagot niya.
Namukaan ko ang orasan na yun. Gawa ko yung noong bata pa ako! Sabi ko sa loob-loob ko. Na alala ko na, ito yung karton ng binili naming salamin. Na alala ko pa nga, nung binili namin to' yung stock na nakuha namin basag, kaya yung salesman, nilagyan ng "damage" yung karton. Da-Ma-Ge ang basa ko dun. Pag-uwi namin noon sa bahay pinag laruan ko yung karton. At ginawan ko ng drawing ng orasan. Dadalhin ko daw kasi dapat yun sa lolo ko sa bukid para may orasan daw sya dun.
Bakit di mo iniwan sa kanya yan? Tanong ng batang kasama ko.
Ha?
Diba ginawa mo nga yan para ibigay sa lolo mo?
Eh bata ako noon. Laruan ko yan. Ano ba isip ng bata syempre.
San ba galing yang karton na yan? Tanong niya sa akin.
Sa SM, karton ng salamin na binili namin yan. Sagot ko.
Ayan ba yung salamin kanina? Tanong niya.
Ewan ko, parang. Bakit mo nasabi?
Kasi diba hanggang ngayon gamit mo parin ang salamin na yun? Edi sobrang tanda na nun?Gamit?
Oo sa apartment mo?
Ayan ba yun? Tanong ko.
Oo ayan yun. Akala ko ba sentimental kang tao. Bakit di mo iniingatan? Di mo man lang punasan! Ang alikabok na!
Grabe ka sa akin. Paano mo nasabi eh hindi ka pa nga nakakapunta sa apartment ko. Bumungisngis lang sya.
Nagugutom ako... Aniya.
Ha? Kunwari' di ko narinig. Alam kong uutusan ako nitong bata to'.
Sabi ko nagugutom po ako. Luto tayo.
Sige.
Nag punta kami sa kusina. Lumang kusina, na mumukaan ko ang kusinang ito. Ito yung kusina namin noong bata pa ako! Pag tingin ko, hawak hawak ko ang tinidor habang hinahalo ang pancake mix sa isang blue-green na Tupperwere. Niluto ko ito sa Pulang Oven toaster na Standard ang tatak. Ang ginamit kong lining dito eh yung dahon ng papaya, imbis na dahon ng saging.
Alam mong mapait yan!
Huh?
Ayang dahon na ginamit mo. Mapait yan ginagamit nga pang linis ng bituka ng kambing yan kapag nag katay.
Ay talaga? Sagot ko. Habang napapa isip kung bakit mas may alam pa ang batang ito kaysa sa akin. Sinubok ko ang talino niya. Sige nga, matalino ka diba, ano mas malapit, ang Buwan o ang Luneta Park?
Syempre ang Buwan! Sagot niya.
Napangiti ako. Pano mo naman nasabi?
Nakikita mo ba ang luneta ngayon?
Ha? Nalito ako sa tanong niya. Di ko agad na gets. Hindi, bakit? Eh ang Buwan kita mo ba?
Oo ayan! Tinuro ko ang napakalaking buwan na nasa harap namin. Kanina lang wala ito, pero ngayon parang kanina pa ito andyan pero hindi ko lang pinapansin.
Kain na tayo. Sabi niya.
Kumaldok ako ng sinaing sa maliit ba kaldero gamit ang kutsarita. Ang ulam namin ay steamed na talbos ng kamote.
Tanim mo ba to'? Tanong niya. Oo sagot ko.
Eto yung inalagaan mo diba? Nilagyan mo pa nga ito ng fertilizers. Alam mo bang talbos lang ang kinakain at hindi ang magulang na dahon?
Oo nga. Alam ko. Sagot ko
Namiss mo ba yang kaldero na yan? Tanong niya habang sumusubo ng kanin gamit ang kutsarang napakaliit at kanin na halos tatlong butil lang ang maisusubo. Gamit namin sa kainan ang kutsara at plato na nakukuha sa tig-pi-pisong chocolate candy.
Tinignan ko lang maigi ang kaldero na pinag saingan namin. Alam ko to, laruan ko to noong bata pa ako. Inayawan ko lang noong nawala ko ang takip. Ayoko kasi ng kulang ang gamit. Di ko na alam kung asan na ang pancake pero di namin sya kinain.
Teka! Sino ka nga bang bata ka?
YOU ARE READING
Sundo
SpiritualMasayang mabuhay dito sa realidad ng pantasya; ang panaginip. Dito kaya mong gawin lahat, makita ang lahat o kahit na makausap sino man. Imahinasyon mo lang ang limitasyon nito. Bakit ka pa kakawala sa realidad na ito? Bakit nanaisip mo pa na magisi...
