" Hindi katulad mo yung taong pinapangarap ko na makakasama ko habang buhay. I hate your attitude and your lifestyle. " Mga salitang sumugat sa batang puso ni Cassandra. Bata palang ay malaki na ang pag hanga nya sa best friend ng kuya Adam nya, bukod kasi sa gwapo ito ay napaka responsable kaya gustong gusto din ito ng mama nila. Pero kahit anong papansin ang gawin nya at kahit hayagan na ang pag sasabi nya na gusto nya ito at balewala lang sa lalaki at iniiwasan siya. " Akala mo naman gusto kong makasama ka habang buhay. Nagwagwapuhan lang ako sayo pero hindi ko sinabing gusto kitang maging asawa. " sabi ni Cassandra na kahit nasasaktan ay hindi siya papayag na tuluyan na madapa. Paano kaya kung makalipas ang mahabang taon ay magkita ulit ang dalawa? Mabuhay kaya sa puso ni Cassandra ang iniwan na sakit ng lalaki o ang pag mamahal na matagal nyang iningatan.