The unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot era, at mag-alaga ng kanyang isdang si Drenty, wala nang ibang espesyal sa buhay niya. A boring life cycle-walang thrill, hindi entertaining, walang ganap.
Ngunit nabago ang takbo ng mundo niya nang magsulat siya sa tadhana. Ang tahimik niyang buhay ay nagulo. Dumating ang mga problema sa pag-ibig, dumami ang what ifs, at naguluhan maging sa sariling damdamin. Sa madaling salita, naging komplikado ang lahat.
Sa kabila ng lahat ng ito, mahanap kaya ni Garlic ang kanyang first love sugarpie honeybunch?
art by: @Yozo_Dozen
artwork reference by: Ganbare, Nakamura-kun! by Syundei
Date started: 5-11-20
Date finished: 9-01-20
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED...
______________________________________________
"Bakit lagi mo na akong iniiwan
ngayon?" bigla kong natanong sa kanya nang
pareho kaming natahimik. "Akala ko ba kailangan mo'ko para sa
lunas mo..."bahagya ko siyang tiningala.
"Dahil alam kong hindi ka
aalis..."pabulong niyang isinagot sa akin.
"Ganun' mayabang ka rin pala ah,
marunong nang magyabang ang mga aswang ngayon..."nangingiti
kong sagot habang nakatanaw pa rin sa malawak na kakahuyan. "Ang
sarap... nakakarelax ang ganito ano." bulalas ko at inilahad ang
magkabilang kamay.
"Hindi masarap ang maging busaw,
buong buhay namin ay nagtatago lamang sa dilim." paanas
niyang sagot at tumingin na rin sa kakahuyang nadidiligan ng sinag ng buwan. “Buong buhay ko’y umikot lang sa mga punong
ito, sa lugar na’to... tahimik at kuntento ako pero hindi ko alam... pakiramdam
ko’y may kulang.” naramdaman kong bumuntong hininga siya. “Pakiramdam ko’y hindi ako nababagay
dito...”
“So
naghahanap ka ng lunas...” tingala ko sa kanya at
namimilog ang mga mata ko sa naiisip ko.
“Sumama ka na lang kaya, isama mo ang parents mo... tutulungan ko kayong
magsimula.”
Pero tiningnan lamang niya ako hanggang sa bumaba
ang paningin niya sa leeg ko.
“Hindi
ganun’ kadali ang lahat Elvira... ang ginawa kong ito’y maaaring pagmulan ng
matinding labanan...” anas niya at hinawakan niya ako sa
balikat hanggang sa mukhang huhubarin na naman niya ang damit ko...
A FANTASY HORROR, ADVENTURE LOVE STORY WRITTEN BY IONAHGIRL23.
Published: May 09, 2014
Completed: July 10, 2014