I have a normal life yung nakakain lang nang sapat at sakto sa isang araw kahit mahirap kitain ang pera sa abroad nasanay na rin akung maging independent, yung mag isa sa buhay yung walang i love you sa isang araw hahay makakalungkot naman. Biro lang! haha ako pala si Morie mejo mahaba lang kasi pangalan ko ewan ko ba sa writter nato hehehe biro lang, ewan ko sa nanay ko pano niya nagawang magsulat nang ganitong kahaba habang nakalatay siya sa hospital. Tatlong buwan na pala ako dito sa UK di naman masyadong katagalan kasi nga pahirapan pagpasok ko dito isa lang naman ako sa mga OFW na nangibang bansa para itaguyod ang pamilya. Actually mag isa lang ako sa buhay walang kapatid, walang ate, walang kuya, walang kalaban sa bahay, bakit nga ba ako nag abroad? eh ako lang naman pala ang mag isa? Si Mommy Mercy ko isang Doctor si Daddy naman isang Pulis oh diba nag abroad pa rin ako kahit may kaya konti kami? Wala lang gusto ko lang kasi maiba, may mga business si Dad at si Momy, minsan nga pinagbilin pa nila yun sa akin kaso ako lang naman yung tagapagmana na ayaw na ayaw maging isang tagapagmana. Hahaha ang gulo ko diba? Hangang sa naghanap ako nang makakasama ko sa buhay yung tipong tao na mapapasaya ako kahit gaano pa sya kabusy sa ibang bagay, sanay naman ako eh sina momy at dad nga puro busy ako na lang yata yung anak na mag isa na nga lang wala pang kasama sa bahay. Hanggang sa dumating yung araw na nakita ko siya, yung taong minahal ako, at minahal ko, yung unang nagpatibok nang puso ko at yung taong unang nagpasakit nang puso ko. Si Shant, and isa sa mga dakilang kalaban ni Dad sa business niya at sa work ang kanyang mga magulang na sa kadahilanan ay siyang maging tutol sa aming dalawa ni shant.