Dalawang indibidwal na lumaki sa magkaibang mundo, nakagisnan ang di parehong mga bagay at lubos na magkaiba ang personalidad sa simula ng kanilang paglalakbay hanggang sa magtapos ang hiram na buhay. Ivan at Yna - normal na mamamayan ng Pilipinas at katulad ng karamihan, parehong namumuhay ng normal at payapa. Ngunit payapa nga ba ang lahat bago sila nagkakilala? O nagsimulang gumulo ang lahat sa kani-kanilang buhay sa oras na nagkakilala sila? Aminin man natin o hindi, may rason kung bakit pinagtatagpo ang mga estranghero at nagiiwan ng marka na hindi madaling kalimutan. May rason kung bakit pinagtagpo si Ivan at Yna. Dahil kung wala, nilimitahan sana ng tadhana ang mga di planong pagtatagpo ng kanilang mga mata sa lugar na napuno ng kalungkutan at pagalala. May rason kung may bakit storya ang isang Ivan at Yna. (2020)
7 parts