Posible ba na mahulog ka sa isang tao na hindi mo kilala? Iyan ang laging tinatanong ni Cate sa tuwing natatagpuan na lamang niya ang sarili na nakangiti habang binabasa ang mga liham na pinapadala sa kanya ng taong hindi niya alam kung sino. Ngunit nang malaman niya kung sino ang posible na nagpapadala sa kanya ng mga sulat ay agad na nawala ang kilig na nararamdaman niya dahil galing pala ito sa tao na sobra niyang kinaiinisan! At iyon ang hindi niya matanggap. Bakit niya kailangan may maramdaman para sa taong hindi niya kilala at nang makilala niya ito ay umurong na lahat? Bukod sa mga issues niya sa sarili niya ay hindi siya makapaniwalang dumagdag pa ang taong 'yon sa mga pinoproblema niya araw-araw. And she hates it. She hates that person, and she hates recieving letters from that person.