(COMPLETED) Si Kiel Raymundo ay isang tambay na walang pangarap sa buhay. Halos araw-araw na nagyoyosi at nag-iinom kasama ang mga katropa niya. Wala siyang pakialam sa pag-aaral, sapat na ang pumasok siya sa eskwelahan, at tumitig sa kawalan. Nang makilala niya ang kaklase niyang ni minsan ay hindi niya nakausap o nakatabi. Nagbago ang pananaw niya sa mga babae. Nabuo ang isang pakiramdam na hindi niya inaasahang mararamdaman niya. Pag-ibig. Pero paano kung gusto lamang nitong makalimot-kaya siya nito kinausap? Paano kung sa isang gabi, mahulog siya, at hindi siya saluhin? May pag-asa pa nga bang bumalik ang pananaw niya sa mga babae o tuluyan na siyang lamunin niyon?