Si Zanaia ay isa lamang dalaga na simpleng namumuhay kasama ang kanyang Lola Layda sa bayan ng Orasca. Isang linggo bago ang nalalapit na kaarawan ng dalaga ng biglang salakayin ang kanilang bayan ng mga taong naka pula. Dali dali siyang pinaalis ng kanyang lola sa Orasca at binigyan ng kakaibang kwintas. Labag man sa loob na lisanin niya ang kinagisnang lugar ay wala na itong magagawa dahil napaka delikado na ng lugar na iyon para sa kanya. Unang apak palang ni Zanaia sa Nastilia ay di na agad maipaliwanag na aura ang kanya naramdaman Ang kaisa-isang tanong ng dalaga sa kanyang isipan 'Ano kayang panganib ang haharapin niya sa lugar na ito?'