Bakit nga ba minsan ay ang bawat daan ay iisa lamang ang naghihintay at patutunguhan? Bakit ba palaging sa bawat daan ay may mga pagsubok na naghihintay? Wala bang daang walang batuhan, putikan at lubak? Sa buhay kong puno ng lubak at putikan, naghahanap na ako ng panibagong daang hindi na ako madadapa, wala ng sakit, wala ng pagdurusa, wala ng pagsubok, at wala ng sugat. Bakit ba ang bawat daan ay patungo at pabalik lamang sayo?