Simula

7 1 0
                                    

Warning⚠

The first part of the 'Simula' is really weird so think before you read this:)

"Oh, siya nga pala, Ags. Nakapagdesisyon ka na ba?" ani ni Tito Chico saka nilakihan ako ng mata.

Here we go again. I rejected Tito's offer a lot of times ngunit heto pa rin siyang nangungulit at patuloy na isinisingit sa aming usapan ang gusto niyang mangyari.

Humugot ako ng isang malalim na hininga,

"Tito, ayaw ko na hong maging pabigat pa sa inyo, dagdag pasanin pa ako eh.  Tama na na si Ate Sittie ang pinapaaral niyo sa Med School..." pangungumbinsi ko sakaniya.

Oo, gusto kong makapagaral sa isang Medical School at i-pursue ang Dental Medicine dahil matagal ko ng pangarap iyon, pero  sa kaalamang hindi ko na matutupad iyon dahil tuluyan nang nalagas ang mga magulang ko natuto nalang din ako maging praktikal sa buhay.

Instead of pursuing dental medicine and which is also my second choice,  I'll pursue Mortuary Sciences . Wala namang masama sa mapipili kong propesyong iyon, Mortuary Sciences also deals with some stuffs of Chemistry kaya I'm sure I can work with passion on it.

"Agueda, hindi ko alam kong saan ka nagmana eh! Kung sa Mama mong ubod ng kasamaan at taas ng pride o sa Papa mong nasobrahan sa kahumble-an!" kinuha niya ang kanyang abanikong pamaypay mula sa wooden table ng tea house at ipinaypay sa sarili habang patuloy ang pagirap.

"Tito" I groaned

"Agueda heto nanaman tayo ha!" gamit ang kanyang matinis na boses

"Kahit naman napakasama at mala-Malificent yang Mama mo, sumalangit nawa, ay kapatid ko pa rin namana 'yan at pamangkin pa rin kita! Ngayong wala na sila na sa akin na ang responsibilidad sayo."

"Grabe ka naman! Hindi naman ako naghihikahos sa kahirapan para hindi kita mapagaral sa gusto mong kurso. As long as kumakayod ako at sumwesweldo, may pera ako at mapagaaral ko kayo ng pinsan mo. Okay? Hmm?" Tito smiled sarcastically.

"And what did you say to me last night? Ipu-pursue mo ang Mortuary? Jusmiyo, Agueda! Sayang ang talino mo! Tama na sa ating lahi na kami na mga ninuno niyo ang hindi natupad ang gusto talagang propesyon! Kaloka, hindi naman ako papayag na hanggang sa susunod na salinlahi ay nakataktak pa rin sa mga tao ang apelyidong Montemayor, Ang pamilya ng mga mahihirap" Tito said jokingly with his exaggerated hand gestures.

Napailing na lamang ako at napangisi na parang aso,

"Matino naman po ang Mortuary Sciences, related din po 'yun sa Chemistry" pangangatuwiran ko

"Oh ano? Tapos? Nang sa ganon ay ikaw ang magbabalsamo sakin pagdating ng araw?" higop niya sa kanyang mainit pang tyaa at saka umirap.

"What I am saying, pursue Dentistry, ako ang bahala, syempre tutulungan mo rin naman ako sa mga gastusin, all you have to do is to find for part-time jobs and to study hard! Aba'y dapat hindi masayang ang paghihirapan nating dalawa. Handa akong hindi kitain ang mga lalaki ko para lang makaipon para sa'yo!"

Laking pasasalamat ko nang naisip ko ang isang mabisang paraan para matigil ang usapan na ito.

"Tito, look at yourself, you are not getting any younger anymore! You should find the right woman in your life nang sa ganoong paraan ay may katuwang ka sa buhay mo." Teasing my beautiful Tito.

Kamuntik-muntikan na itong masamid habang humihigop ng tyaa,

"Ako ba'y niloloko mo, ha Agueda?" he demanded showing his bratty attitude. Humalakhak lamang ako sa tuwa.

I just can't understand him, there are remaining two years in my highschool before I step in to college. Hindi ba't maaga pa ang pangungumbinsi niya sa akin tungkol sa kurso kong kukunin?

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Nov 15, 2019 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Bawat DaanDär berättelser lever. Upptäck nu