Buo na ang desisyon ni Jhuliem na lisanin ang bahay na kasalukuyan niyang tinitirahan. Hindi na kasi niya matiis ang ugali ng tiyuhin niyang si George na daig pa ang mayaman na tao kung ituring siyang alipin sa bahay nito. Pinsan ng tatay niya ang matandang lalaki at nang siya'y maulila ay kinupkop siya nito. Kaya wala siyang angal na sumusunod sa mga pinag-uutos nito dahil iyon na lang ang paraan niya sa pagtanaw ng utang na loob sa lalaki. Subalit, nagiging abusado na ang matanda dahil kung minsan niyang nakakalimutang gawin ang pinagagawa nito ay pinagbubuhatan siya nito ng kamay. Nang isang beses siya nitong saktan dahil hindi niya nagawa ang pinagagawa nito ay noon na siya nagpasyang layasan na lamang ito. Dahil hindi na niya kayang tiisin pa ang pagbabago ng ugali ng lalaki. Tutal naman ay nasa tamang edad na siya, kakayanin niya na ring buhayin ang sarili ng walang suporta nito. Ngunit bago pa man niya maisakatuparan ang planong paglalayas ay may panibago na namang kalbaryo siyang kahaharapin. Ang pagdating ng kaibigan ng kaniyang tiyuhin ang magiging dahilan upang mabulilyaso lang ang kaniyang plano.
1 part