Paano kung isa ka sa mga napili bilang tagapagligtas ng mundo, handa ka ba sa mga responsibilidad na gagampanan mo? Handa ka bang itaya ang sariling buhay para sa kapakanan ng iba? Handa ka bang isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa kasiyahan ng ibang tao? Handa ka bang iwanan ang normal at simpleng buhay na meron ka para sa isang magulo at komplikadong buhay? O ipagsasawalang-bahala ang lahat ng ito, magbibingi-bingihan at magbubulag-bulagan sa katotohanan at sa mga nangyayari. Ngayon pumili ka.