Makalipas ang dalawang taon ay bumalik si Ellie sa Pilipinas matapos magtrabaho sa ibang bansa. Habang nasa South Korea ay nagawa niyang baguhin ang sarili, pati na ang mag-move on kay Dylan - ang crush niya magmula pa noong college. Bagong buhay, bagong siya - iyon ang nais ni Ellie. Pero paano kapag nakita niyang muli ang first love na si Dylan? And worse, makakatrabaho niya pa ito. Mapigilan niya kaya ang sarili na magkagusto muli rito, o tuluyan siyang mahulog sa binata the second time around?