Ang nobelang "Sa Pagbabalik" ay patungkol sa isang estudyanteng babae na umiibig sa kaniyang kapwa estudyante. Alam niya sa kaniyang sarili na hanggang tingin na lang siya sa kaniyang naiibigan sapagkat para sa kaniya ay hindi niya kahit kailaman man maabot ang kaniyang iniibig. Kung kaya't ginalingan na lang niya ang kaniyang pag-aaral at tinanggap sa kaniyang sarili na walang kalalagyan ang kaniyang nararamdaman para sa lalake. Sa pag-ikot ng mundo ay mayroong mga pagbabago. Sila ay naging magkaklase at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkalapit sila at hindi naiwasan ng lalake na mapaibig sa babae. Ngunit ang lalake ay hindi lang ordinaryong lalake sapagkat siya'y problemado dahil sa kaniyang pamilya at sa hindi malinaw na dahilan kung bakit siya iniwan ng kaniyang minamahal noon. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang napapalitan kung kaya't naging mahirap ang sitwasyon. Dapat bang huwag nang bitawan kung hawak mo na ang iyong minamahal? O dapat bang pakawalan mo ang iyong minamahal ay ihatid siya sa tunay niyang minamahal? Sundin at pakawalan mo ang katotohanan sa iyong puso.
12 parts