Prologue

114 2 0
                                    

PROLOGUE

Sabi nila, ang pagmamahal mo sa isang tao ang pinakaespesyal na bagay na maaari mong maibigay sapagkat wala itong katumbas na kahit ano pa man. Kung mahal mo daw ang isang tao ay handa kang gawin ang kahit ano upang mapatunayan mo ang pagmamahal mo sa kanya. Kung mahal mo daw ang isang tao ay wala ka nang ibang hihilingin pa kundi ang makakabuti para sa kaniya.

Sabi nila, kung nasa iyo na ang taong mahal mo ay dapat hindi mo na siya pakawalan pa. Sisikapin mong hindi siya mawawala sa iyong tabi sapagkat siya ang nagbibigay sa iyo ng lakas. Ang mahal mo ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa na kahit sa madilim at magulong mundo ay may tao pa din na kayang mapasaya ka dahil sa kaniyang mga ngiti at tawa lamang.

Sabi nila, kung totoo ang iyong nararamdaman ay ipaglalaban mo ito. Magiging bingi ka sa kahit ano sapagkat ang mahal mo ang nagiging musika na tanging naririnig mo. Ang iyong nararamdaman ang siyang dapat mong binibigyan ng pansin at huwag mo daw sasayangin ang oportunidad na makasama ang mahal mo.

Wala akong ibang hiniling sa aking buhay kundi ang magkaroon ng uri ng pagmamahal na katulad ng mga sabi nila. Hindi nawawala sa aking mga panalangin na sana ay maranasan ko ang umibig na hindi ako masasaktan at puro kasiyahan lamang ang dala sa aking buhay. Palagi lang akong nakatingin sa taong nagbibigay inspirasyon sa akin sapagkat palagi akong umaasa na siya na talaga ang aking iibigin hindi lang ngayong sekundarya ako kundi hanggang sa huling paghinga ko.

Sa PagbalikWhere stories live. Discover now