Warning⚠️ R18/Mature content Lumaki sa isang maliit ngunit masayahing nayon si Sunset. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya nakipagsapalaran siya sa manila at dito susubukan baguhin ang takbo ng kapalaran niya. Pinanganak siyang kakaiba ng mga magulang dahil isa siya sa kaunting taong may roong rare blood type. Hindi niya rin akalain na dahil sa kanyang kakaibang blood type ay makikilala niya ang may ari ng pinapasukan niyang kompanya. Dahil siya ang naging dahilan para mailigtas sa panganib ang buhay ng kapatid nito na may kapariha niyang blood type. Nakilala niya ang lalaking nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam kung ito'y nasa malapit. Pakiramdam na hindi niya pa naramdaman sa tanang buhay niya na alam niyang dapat niya ring pigilan dahil magkaiba ang kanilang mundo. Langit ito na kailangan niyang tingalain para matignan pero hindi mahahawakan samantalang lupa lamang siya at kahit anong gawin niyang tingala sa langit hindi niya ito malalapitan. Pero paano kung ang langit na mismo ang bumaba para makasama niya?Mapipigilan niya pa kayang mahulog sa lalaking ni ngiti ay may bayad sa kagaya niyang dukha. Magkakaroon kaya ng kakaibang pagiibigan sa mga panig nila?. Makakaya niya kayang sabahayan ang agos na ibinibigay ni tadhana.