Nag simula sa simpleng pag tatama ng ating mga mata, Nag uwi ito ng kakaibang pakiramdam sa aking sistema , Pakiramdam na ngayon ko lang nadama, Pakiramdam na istranghero sa aking sistema at parte pala ng laro ng tadhana... Simula ng landas nati'y nag tagpo, Palagi na akong tuliro, Ikaw ang nag pabilis ng tibok ng aking puso, Kahit anong iwas landas nati'y laging pinagtatagpo... Pero di ko aakalain na ikaw pala ang mag tuturo sa aking puso, Nag turo kung paano mag mahal ng buong puso, Tuwing tititig sa iyong mga mata , Hatid nito ay takot sa sistema ... Takot na baka ako ay nahulog sa bitag ng tadhana, Takot na baka hindi ko namamalayang napatitig na pala ako sa iyong mga mata, Iyong mga mata na hindi mabasa basa, Takot akong malaman kung ano itong misteryosong pakiramdam na aking nararamdaman kapag nakikita ka... *** Be careful of what you ignore . Sometimes what you ignore is what you need more . Written by: clicelcords