Apat na tao, dalawang mukha, at iisa ang pananaw - ang pagkakaibigang pang walang hanggan. Si prince stephen at princess sofia kahit magkaiba ang kasarian iisa lamang ang pagmumukha. Ang kambal ng LEE FAMILY - kilala ang business nila dahil sa maayos na pamamalakad nito. Wala silang problema kung pera na ang pag-uusapan. Si prince keen at prince kean naman ay ang kambal ng pamilyang FERRER na may pag mamay-ari nang isang paaralang pag-iikutan ng storyang ito. Tatlong princes at isang princess, magkababata sila dahil iisang village lang ang kanilang tinitirhan, iisang paaralan lang ang kanilang pinapasukan ang FERRER UNIVERSITY at isama mo pa na palagi silang magkaklase simula unang pasok palang ngunit... May isang pangyayari na makakabago sa lahat. Magdudulot ng dahilan upang mayroong pagpapanggap na magaganap.