Si Mary Cherry Chua, kilala ng lahat sa St. Caedwalla Academy bilang Campus Idol, ang pinaka kinahahangaan ng lahat dahil sa angking talino, ganda, at mas lalo sa pagiging mapanalig sa Diyos. Si Mary na nagsilbing pangarap sa bawat kalalakihan sa naturang paaralan, naging paborito ng bawat guro, at naging kaibigan ng bawat kababaihan, ay nakatagpo ng isang lalaki na nagngangalang Oliver Santiago, isa sa mga lalaking kinaririnigan ng mga hindi kaaya-ayang bagay sa Caedwalla at tinitingalang "Campus Bad Boy". Si Oliver na nakilala niya sa isang mapag bagong tadhana. Ngunit dumating din sa buhay ni Mary ang isang napaka kisig at gwapong gitarista at atleta na nagngangalang Ricardo, ang "Campus Ace Player" na tila napusuan ni Mary at di kalaunan ay nagkagusto rin sa kanya. Ngayon, isang rebelasyong romantiko ang magaganap sa pagitan nila Mary, Oliver, at Ricardo. Darating ang panahon kung saan kailangan niyang pumili mula sa dalawang lalaki na lubos at busilak ang pagmamahal. Sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking kumaklatok sa kaniyang puso, o ang lalaking tinitibok nito? Ano ang tunay na sigaw ng puso ni Mary? ~ The official spin-off series from the novel In Loving Memory of Mary Cherry Chua of @AngelPortea
3 parts