Hi, readers. Gusto niyo ba kong makilala? Ako nga pala si Sam Cecilio. Nakatira ako dito sa isang magandang kalye ng Pandacan, Manila. Hindi familiar? Naku, dapat familiar sa inyo 'to. Dito lang naman nakatira ang idol niyong si Sam. Naks, assuming si ate niyo Sam. 24 years old na 'ko. Anak ako ni Mina at Bobet. Hindi ko na pahahabain pa ang tungkol sa akin. Basta ang alam ko lang, babasahin 'to ng iba sa inyo. Hindi ako mahilig magsulat, hilig ko lang ang gumawa ng kalokohan. At hindi ko naman ine-expect na yung konting kalokohan ko ay marami ang matutuwa. Tulad ko, ang dami kong tinawid na dagat ng panghuhusga at pangda-down ng mga tao. Pero hindi ako sumuko. At gusto kong pasalamatan yung mga taong naniwala sa akin right from the start, pati rin yung mga taong hindi naniwala sa akin.Marunong lang talaga akong magpasalamat. Mas ginawa niyo kong matapang at lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob sa mga bagay-bagay. At syempre, sa aking ultimate best friend / true friend na si God. Kung hindi dahil sa Iyo, wala ako dito. Utang na loob ko ang lahat ng 'to sa'Yo.
40 rész