"Ang ganda-ganda naman ng singsing na'to!" Masayang sambit ng dalaginding na si Michelle. "Diba nga nangako ako sayo na bibigyan kita ng singsing pagbalik mo dito? Nagustuhan mo ba?" Nakangiting turan ng binatilyo habang nakatitig sa mga mata ng dalaginding. "Oo! Gustong-gusto ko Baldo!" - Michelle "Oo nga pala, sabi ng tatay.. pagdating ko ng college, sa Maynila na ako mag-aaral. Dalawang taon pa yun, pero sabi ng tatay.. ngayon palang pag-iipunan nya na raw." - Baldo "Talaga?! Wow! Ibig sabihin palagi na tayong magkikita nyan!" -Michelle "Pangako ko. Kahit anong mangyari. Mananatili kana dito.... Sa puso ko." - Baldo "Pangako?!" - Michelle "Oo... Heto na naman ako. Nangangako." #ALYDEN #DianaBel #FilleChen #BaRa