Sidney is a playgirl! Oops! Not a typical playgirl who jumps on a bed with different man every day and night. Lahat ng lalaki boyfriend niya-sa salita. Wala syang binabasted basta gwapo pero matapos niyang sagutin ay tago rito, tago roon. Sadyang masayahin lang sya at lahat ng kabulastugan ng Daddy niya ay namana niya. She's the female version of Nyx. She's tagged as the most beautiful and sexiest NBI agent pero ang hawak ay laging baril. She's always ready to fight and ready to laugh! Royce is dreadfully serious. Ito ang lalaking napakahirap pangitiin, ang pangalawa sa triplets na namana ang ka arogantehan ng kanilang Daddy Lyeon. Masungit ito at hindi palaimik-sa kanya. Parati itong nagmamasid at madalas ay galit. He's the handsome arrogant CEO of Keikolet TV station pero isang mapagmahal na boyfriend sa kanyang one and only celebrity girlfriend na si, Yvette. Ano ang mangyayari kapag si Enemy at Destiny ay nagtagpo dahil sa isang threat? They're two very different people who were planned to meet and fall in love. Will there be a chance? Kaya bang painitin ni mainit si malamig o kayang palamigin ni malamig si mainit? O sa huli ay pareho lang silang masasaktan at iiwas?