Ako nga pala si Tinay. Bata pa lang ako ay nakakakita na ako ng mga multo. Nakakausap ko sila at natutulungang makausap ang kanilang mga pamilya. . . . . . . . Syempre joke lang yun. Jusmiyo takot ko na lang edi hinimatay naman ako nun. Never kong hiniling o ginusto na makakita ng multo. Pero.. hays. Napaka ironic nga naman ng buhay kasi... "Tulungan mo na kasi akong hanapin yung family at puntod ko!! Sige naaaaaaa!!!!" Ayan nanaman sya nakakainis na. Lagi nya na lang ako kinukulit na hanapin yung pamilya nya. Lecheng multo to. "Ayoko nga sabi e! A-YO-KO!!" "Really? So gusto mo talagang makitang matanggal tong head ko ah. Okay then." BWISET TALAGA!!!! Ganyan ang sitwasyon namin palagi Argh nakakayamot na. Paano nga ba ako napunta sa ganitong kawalang habas na sitwasyon? Pwes alamin nyo !