Chapter 6

9 0 0
                                    

"Psst. Psst. Huy!"

Kanina pa ko di pinapansin ni ghost colored boy. Actually it's Saturday ngayon. It means... Rest day! Andito lang ako sa bahay, wala si bakla pero andito si multo. Nagmumukmok ata. Kala mo naman cute. Ang gwapo mo keye hihihi. Lande!

"Hoy anong pag iinarte yan ah di ka namamansin peymus ka?" tiningnan nya lang ako with a poker face sabay irap.

Aba maldito ka ah.

"Okay, fine. napag isip isip ko pa naman kahapon na tutulungan na kita. Kaso ayaw mo ko kausapin. Kaya wag na lang. Hmp! Maka chenes na nga lang."

"Wait!"

Ha-ha-ha. I'm so great talaga pagdating sa mga ganitong things. ;)

"Bakit ka ba kasi nagpapabebe jan?"

"Wala lang trip ko lang. So you will help na?"

"Aba ayos ka rin ah. Lakas amats natin beks! Oo nga tutulungan na kita kaso di ko alam san tayo magsisimula."

May doubt pa rin ako sa gagawin kong pagtulong sa kanya. What if serial killer pala tong lokong to? O kaya human trafficker? O kaya pusher? Drug user? Rapist? Uyyy hihihi. Gaga. Palihim kong sinabunutan ang sarili ko. Minsan ang landi ko din e.

"We have to do every possible solutions."

Wow! Ang positibo nya ah. Sinuggest ko sa kanya na sumama sya sakin sa paglalakad lakad. Baka may masight syang mag titrigger sa memory lane.




It's a bright and sunny day! Feeling ko I'm alive alert awake enthusiastic ngayon. Nasa gilid ko lang si Casper at tahimik na nagmamasid sa kapaligiran.

Flashback:

"Oy multo. Lakad lakad kaya tayo outside. You know, baka may makita kang something."

"Can you not call me Multo? Isipan mo ko ng ibang name wag lang yan." sabay irap.

Aba sungit ah. Sensitibo?? Pero may point sya. Nakaka offend din naman yun hehe.

"Hmm.. Sige. Tatawagin na lang kitang Cardo Dalisay."

"..." aba tinignan lang ako with poker face. Sikat kaya yun si Cardo imortal yun e!

"Peter Parker? Clark Kent? Patrick Starfish? Mr. Krabbs? Mr. Bean? Mr. Clean? Mr.--"

"What the hell Tinay?? Are you stupidly naming me??"

Init naman ng ulo ni papshie.

"To naman, joke joke lang po. Hmm. Hehehe. Ano na lang, hmm. Casper? Ay wag pala yun crush ko yun e. Hmm..."

"I like it."


End of flashback.



That's how we came up with the Casper thingy.

Nagpunta kaming mall at sa di kalayuan ay may natanaw ako. He is shining shimmering splendid. Ang gwapo talaga ng future husband ko! Iihhhh!!!

Pero teka, sino yung kasama nyang mukang nanay?!?! Nagtataksil ba sya saken?! Huhuhu!!

Binulungan ko si multo sa gilid ko.

"Huy Casper, punta ka nga dun sa banda. Pakinggan mo yung pinag uusapan nila. Dali. Go go go!"

Tinititigan lang ako ni Casper na may kunot sa noo.

"I'm not chismoso. Edi ikaw gumawa ikaw may gusto e." sabay irap. Argh kaines!! Ginantihan ko nga sya ng isang malupit na irap.

Padabog akong umalis mula sa kinatatayuan ko at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ng taksil kong imaginary boyfriend.

Ow shet. Hinahawakan ng babaeng mukang aswang yung bebe ko!! At oo. Muka syang aswang. Matangkad, makinis, maputi, sexy, classy, ang hinhin. In short, muka syang nanay! Huhuhu ang bitter ko.

Naka angkla sa braso ni Lucas si ate mo girl. Nag shoshopping sila at nagtatawanan. Bigla naman akong nalungkot. I was just looking at them will they are walking away. Naramdaman ko na lang na may malamig na kamay na umakbay sakin.

"Sakit no?"

Unti unti ko syang nilingon at tinignan ng masama.

"Leche ka di kita tutulungan!!!" sabay takbo. Huhuhu ang sheket nung nakita ko grabe!!

Pinagtitinginan ako ng mga people sa mall. Hmp! Keber. Masakit sa puso!!

"Hey stop running!" nilingon si Casper at nakasunod na pala sya sakin. Tsaka ko lang narealize ang kagagahang pinaggagawa ko. Hays. Ang arte arte ko parang nasa teleserye lang.

Nakita kong pinagbubulungan ako nung mga babaeng mukang espasol dun sa gilid.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng tumatakbo??" with matching eternal irap. Ganito talaga para di mapahiya. Kailangan mang-away. Hehehe.

Tatawa tawa sa gilid ko si ghost colored boy. Gustong gusto ko na syang sigawan sa muka kaso baka ireport na ako at ipaban dito sa mall. Hays. Kinuha ko na lang yung phone ko at nagpanggap na may kausap. Para syempre di ako akalaing baliw. Hihihi ganda ko talaga.

"Tigilan mong kakatawa mo Casper ah nanggigigil ako sayo kala mo jan."

"Pfft.. HAHAHAHAHAHAHA sorry Tinay, hahaha di na ko tatawa."

Ang pota halatang halata namang nagpipigil ng tawa. Argh! Bwisit bakit ba kase ang OA ko minsan.

"You know what, I'm gonna call you Nutty from now on. HAHAHAHAHAHA!!"

Wow. Wow!! Ang galing nya. Nakitawa din ako sa kanya sabay taas ng middle finger. Nakalimutan kong multo nga pala tong kaaway ko. Akala tuloy nung matandang kasabay ko maglakad sya yung pinapakyuhan ko. Hehehe. Peace po lola.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That's My GhostWhere stories live. Discover now