Chapter 2

24 2 0
                                    

His POV

I had a dream. I was in the dark. Alone. And then suddenly a blinding light hit me. That's when I woke up. At nagising ako na nasa gitna ng daan. Am I drunk? Bakit ako dito natutulog. Haha so stupid of me.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari pero shit! Wala akong maalala. Ni hindi ko alam kung anong pangalan ko o kung ilang taon na ako o kung saan ako nakatira.

"Excuse me but, where am I?" Tanong ko sa lalaking nakasalubong ko pero it seems like he didn't saw me. Just like everybody else. Tangina naman multo ba ako at di nila ako nakikit--

I examined myself. I examined the environment. Hindi nga nila ako nakikita!! Sinubukan kong bungguin ang mga nakakasalubong ko pero tumagos lang ako sa kanila. Patay na ba ako?

"AAAAAHH!!" Anong nangyare? Bakit?! This is so fucked up!! I need to know what happened.

Naglakad ako ng naglakad hanggang di ko alam kung saan. Walang nakakakita saken kasi nga kaluluwa na lang ako. Hindi ko alam kung patay na ba ako o isa na kong ligaw ng kaluluwa. Gusto kong magmura ng magmura pero wala akong lakas.

Tumigil ako sa paglakad.

"Hahaha tanga ko rin e. Bakit ko pa susundin ang traffic lights e ligaw na kaluluwa na lang naman ako."

The light turned into green. Naglakad na lang ulit ako. Teka..

"Magpasagasa kaya ako? Tutal I'm a spirit naman na." And with that , I stopped walking. Nang biglang...

"Hoy suicidal ka ba? Bumawi na lang tayo bukas sa kahihiyang sinapit natin." I was shocked. She can see me! She can even touch me.

Hinila nya ako hanggang sa makatawid kami. I felt a connection when we touched hands.

"Sige dito na ako. Wag ka na ulit magpapasagasa ah. Ciao!"

Di ako makapag salita. Is she some kind of an exorcist? Yung mga nakakakita at nakakakausap sa mga kaluluwa? Shit. She's all I need.

Di ako nahirapang hanapin sya kasi alam ko na kung nasaan sya. Wag nyo na alamin kung paano dahil naramdaman ko yung connection.

I saw her lying in her bed.

"Nakikita mo ko?"

Nagulat sya nung nagsalita ako. Muntik na kong matawa kasi... Pfft. Muka syang sira ulo.

"Pa-paano ka nakapasok dito?!"

I just smiled at her.

"This may sound shit pero multo na ako. At ikaw lang ang nakakakita sakin. I need your help. Tulungan mo ko please."




Tinay's POV

Tang-i-na.
Multo? Multo?? MULTO?!?! Gusto kong mahimatay pero ayaw makisama ng katawan ko! Huhuhu.

"Ay nag sleep talk nanaman ako. Hays makatulog na nga lang ulit." nagpanggap akong hindi ko sya nakita kasi tangina naman. May multo sa harapan ko. At humihingi pa ng tulong!!

Sampung Ama Namin at Aba Ginoong Maria ang dinasal ko baka sakaling matakot at maglaho sya.

"Wag kang mapagpanggap. Alam kong nakikita at nakakausap mo ko. You even pulled my hand earlier meaning, nahahawakan mo din ako. Come on tulungan mo na ako!"

Juskolord! Never kong pinangarap na makakita ng multooo huhuhu.

Di ko sya pinansin. Bakla asan ka na ba uwi ka na. Natatakot na ako e.

"Tulungan mo na ko. Tulungan mo na ko. Tulungan mo na ko. Tulungan mo na ko. Tulungan mo--"

"PUNYETAAAAA!!!" Ginigigil nya ako!!

"--na ko. So you're going to help me, right?" ngiting aso nya sa akin.

Tinignan ko sya ng masama hanggang sa may lumabas na laser sa mata ko at natunaw sya at naglaho sa hangin.

Syempre di yon totoo. Dahil ang talipandas, ayan. Ngiting ngiti sa harapan ko. Pero infairness ah. Ang panget nya muka syang tanga..

Hah! Sino bang niloko ko. Yung mga mata nyang mejo singkit at kulay brown, yung ilong nyang matangos, yung messy nyang buhok, yung ilong at jaw line nyang mukang perpektong inukit. In short, perpekto sya. Mukang ibinaba ni Zeus dito sa lupa upang maghasik ng kagwapuhan!!!

"Ano ba tong iniisip ko?! Huhuhu. Ikaw multo ka lumayas ka sa harapan ko!" At baka mahalay pa kita. Hays ano ba yan pinagnanasahan ko ba sya?? ANO BA YAN!!!

"Tutulungan mo lang naman akong hanapin ang family ko at yung puntod ko, kung patay na talaga ako. But we have a little problem."
Nakatingin lang ako ng masama sa kanya. Hinihintay kong malusaw sya sa tingin ko kaso sumakit lang ang ulo ko sa kagagahan kong yon. Kaya umirap na lang ako para di ako mapahiya.

"Teka lang Mr. Ghost ah. Hindi pa ako pumapayag na tulungan ka. Tsaka di kita kilala mahirap na no." totoo naman e. Baka mamaya killer pala tong isang to tapos pupunta ako sa kanila baka killer din yung kapamilyahan nya tas pagdiskitahan pa kong patayin. Nevah!!

"Please. I don't know what to do anymore. Kung patay man ako, baka kailangan kong magpaalam sa family ko before ako mapunta sa langit. You're the only one who can help me. So please please please. Help me."

Ang gwapo talaga shit! Yung mga tingin nya waaaaah ang sarap huhuhu! Patawarin nyo po ako dahil ako'y nagkakasala!

Napabuntong hininga ako. Nag isip ng mga salitang dapat sabihin. Paano ko ba sya irereject, yung tipong di na sya mangungulit pa. Hmmm. Isip isip.. Napatingin akong muli sa kanya.Yung mga mata nyang mapang akit...

At muntikan ko nang iumpog ang ulo ko sa dingding nang sinabe kong...




"Sige."

That's My GhostWhere stories live. Discover now