Chapter 1

39 3 0
                                    

Tinay's POV

Annyeong! My name is Tatiana Kim, 22 years of age and all I want is to promote world peace.

Oha lakas maka beauty queen hihi. Pero tawagin nyo na lamang akong Tinay.

"Hoy bakla dalian mo na kumilos jan at malelate ka nanaman!!"

Lecheng to. Yan nga pala si Roberto Abad Jr. Roberto sa umaga, Samanta Beck sa gabi. Live in kami este magkasama kaming naupa dito sa apartment.

"Whatever bakla. Sige na alis na si water babushka!"
(Sige na alis na ako babye!)

"Sayonara. Salamat at waz nang chaka dito sa balur hohoho."
(Salamat at wala nang panget dito sa bahay.)

Tinignan ko lang sya ng masama at lumabas na.

Magandang maganda akong nag aabang ng jeep papunta sa work ko. Waitress ako sa isang restaurant hanggang hapon. Sa gabi naman, isa akong hired killer. Charos lang! Syempre uuwi na ako sa bahay. 

Sa wakas at nakarating na ako sa Scott's -- restau na pinag tatrabahuan ko.

Serve dito. Serve doon. Lakad dito. Lakad doon. Haaaay..

"Tinay ikaw nga kumuha ng order nung mga customer dun sa table sa left. Mukang goons kase sila e huhu."

"Ayoko nga. Ano ka dyos?"

Uutusan pa ko. Psh.

"Teka si sir Lucas ba yun?"

Omg!! Ihh si sir Lucas daw teka makapag paganda nga hihihi.

Si Lucas Scott ang may ari ng restaurant na to. Sya na ata ang epitome of greatness at ang sarap nyaaaa!!

"Ehem.. Sige na ako na kukuha ng orders nila"

Syempre kailangan mag pabibo ako sa love of my life ko para naman maisipan nya na kong pakasalan. Hihihi enebeyen kenekeleg eke grrr.

"Good day. May I get your order, sir?"

At pinag sisihan ko ang pagiging pabida ko kasi...

MUKA SILANG MGA ADIK!!!

"Ikaw miss. Pwede bang ikaw ang orderin namin?" Sabay kindat ng nakakadiri sakin.

Muntik na akong masuka pero para sa pag ibig namin ni bebe Lucas, kakayanin ko to!!

"Sorry sir pero wala po ako sa menu."

"Ay pare palaban to ah pirs tong isang to! Hahaha."

Jusmiyo akala ko ba pang mayaman lang tong restaurant na to bakit may mga nakapasok na mga barbaro?? Nakakawala ng ganda tong mga to

"Tawagin nyo na lang po ako kung may order na kayo."

Tumalikod na ako para umalis nang hawakan ng adik 1 yung pwet ko. Dahil dun sinuntok ko sya sa muka.

Waaaah! Nakakatakot yung mga muka nila! Somebody please save my beauty!!

"Gago kang babae ka ah!"

Akmang sasampalin nya na ako nang dumating ang prince charming ko.

"I don't tolerate behaviors like that here in my restaurant. Please leave before I drag you out of here."

Ang sarap nyang tignan habang pinagtatanggol ako. Ang gwapo, ang kinis, ang bango...

"Ms. Kim are you okay?"

Lalaking lalake, ang ganda ng katawan...

"Ms. Kim??"

Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata, at ang--

"Ms. Kim!!!"

"Ay ang sarap mo!!"

Kingina....

"Ang sarap mo...nay. Haha ang sarap kumain ng monay ngayon hahaha. Thankyou sir lilibre ko kayo nun bukas!" Sabay lakad papasok ng kitchen.

Kingina talaga. Patayin nyo na akoooo huhuhu nakakahiya!! Tinapos ko ang araw na yun na nagmumukmok sa kitchen. Nakakainis naman leche talaga!!

Sinigurado ko munang umuwi na si bebe Lucas bago ako lumabas ng kitchen. Sisiguraduhin kong pagkauwi ko sa bahay ay mag rereflect ako agad agad sa kagagahang nagawa ko.


Kasalukuyan kong hinihintay na mag green light nang may nakita akong lalakeng mukang tanga. Muka syang wasted na di mo maintindihan.

"Kawawa naman tong isang to. Baka napahiya din sya sa harap ng pinakamamahal nya."

Nag green light na at nagsitawiran na kami. Kasabay ko si mukang tanga nang bigla syang tumigil sa gitna. Jusme nagpapakamatay ba to? At dahil likas akong maganda ay nilapitan ko sya.

"Hoy suicidal ka ba? Bumawi na lang tayo bukas sa kahihiyang sinapit natin."

Nagulat sya sa ginawa ko pero keber lang. Hinila ko na sya patawid. Pinagtitinginan pa kami psh dukutin ko mga mata nila jan e!

Mukang nashock talaga si kuya kasi nakatitig lang sya sakin at mukang gulat na ewan.

"Sige dito na ako. Wag ka na ulit magpapasagasa ah. Ciao!" At pinagtinginan nanaman ako. Masyado ba akong maganda para pagtinginan? Wews people nowadays. Sumibat na ako baka magpa picture pa sila e mahirap na hihihi.

Sumalampak na agad ako sa kama pagkauwi. Wala na si bakla baka pumasok na yun, call center ang ateng nyo e. Mamaya na ako kakain nahagard talaga ako. At mamaya na rin siguro ako mag rereflect. Lobat ang mamshie nyo mga bakla!!




Dinadalaw na ako ng antok. Papikit na ako nang mahagip ng mga mapupungay kong mata yung lalake kanina sa kalsada. Nakatayo sya sa may tabi ng pinto. Baka namamalikmata lang ako kaya ipinikit ko na talaga yung mata ko.

"Nakikita mo ako?"

Shit napabangon ako at nagising ang katawang lupa ko!!

"Pa-paano ka nakapasok dito?!" Pero ngumiti lang sya. Jusme pakihanap nga yung panty ko ang gwapo nya ngumiti!!

That's My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon