Left in the Dark (Savage Beas...

Od Maria_CarCat

6.8M 239K 80.9K

In darkness, I found peace Více

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 16

77.6K 2.8K 535
Od Maria_CarCat

Simple





Napatitig ako kay Eroz dahil sa kanyang sinabi. Eventhough it's plain, iba pa din ang pakiramdam na lumabas iyon sa kanyang bibig. Knowing him, hindi siya masyadong nagsasalita unless close kayo. And when he speaks, it's straight to the point. Siguro ang motto niya ay, truth hurts. Mas gusto niyang sabihin ang totoo, kesa icomfort ka niya with lies.

Kung hindi pa tumikhim si Cairo ay baka tuluyan na akong nalunod sa presence ni Eroz. Nanatili pa ding bukas ang pintuan sa side ko, nakatayo pa din duon si Cairo.

"Are you going to be ok?" seryosong tanong niya sa akin.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo. May bahid ng pagaalinlangan ang kanyang boses. Looks like, nadadalawang isip siyang hayaan akong maiwan with Eroz.

Sunod sunod na tango ang ginawa ko dahilan kung bakit mas lalong sumimangot si Cairo. Am I too halata na gusto kong makasama si Eroz pabalik ng Manila?

"Text me..." seryosong sabi niya sa akin. Sandali pa niyang tinapunan ng tingin si Eroz pero sa huli ay inirapan niya lamang ito.

Napanguso ako dahil sa kasungitan ni Cairo. Sanay naman na ako sa kanya. And everytime na kasama ko siya, I feel so safe. Tumagos ang tingin ko sa kanyang likuran, Tathi is still standing there. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatanaw kay Eroz mula sa malayo.

"Bye Cairo..." sambit ko dito.

Bahagya lang siyang tumango sa akin at tsaka isinara ang pintuan. Biglang nanuyo ang aking lalamunan ng unti unting magsink in sa akin na kaming dalawa na lang talaga ang magkasama.

Pinaandar niya ang makina ng sasakyan. Parang tumalon ang puso ko dahil duon. Parang dati ay nagtatanong pa ako kung anong feeling na makasakay dito. Ngayon ay nandito na ako.

Imbes na tingnan si Eroz ay nanatili ang tingin ko sa may bintana. Kahit kasi nakasara na ang pinto at bintana ay nanatiling nakatayo si Cairo duon at hinihintay ang aming tuluyang pagalis. Itinaas ko pa ang kamay ko para marahang kumaway kahit hindi ako sure kung kita niya ako mula sa labas.

"Seatbelt" tipid na sabi niya sa akin.

"Oh, I'm sorry...I forgot" sabi ko at mabilis na isinuot ang seatbelt sa akin.

Nang bahagya ko siyang tapunan ng tingin ay nakita kong diretso pa din ang tingin niya sa may kalsada. Ni hindi man lang siya nagabala na tingnan pabalik sina Tathi at Cairo. I know, it's painful for him na iwanan si Tathi kay Cairo.

Duniretso na lang din ako ng tingin sa may kalsada. Napabuntong hininga ako, ngayon alam ko na ang feeling. Nakakapanis pala ng laway. Feeling ko ay hindi din naman ako gustong makausap ni Eroz. I'll stay silent na lang kesa magalit pa siya sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang pagtaas ng kanyang kamay para paandarin ang stereo. Ilang pindot ang ginawa niya.

"You can choose the song you want to play" malamig na sabi niya sa akin. I know, it's his normal voice. Manly, a bit cold and really sexy. I find his voice sexy, that's my opinion.

Nanlaki pa ang aking mata. Bahagyang humiwalay ang pagkakadikit ng likod ko sa  upuan. Akala ko ay magkakaback sore ako buong byahe dahil sa klase ng pagupo ko.

"Really?" tanong ko sa kanya. Hindi pa ako makapaniwala nung una and talagang hinarap ko siya para makasiguro.

Umigting ang kanyang panga. Diretso pa din ang tingin sa kalsada. Isang tipid na tango ang ginawa niya bilang sagot sa akin. Bahagya akong napangiti, it's not bad din naman pala. Kahit masungit siya at wala sa mood makipagusap. Atleast, he still  give me a contribution para sa buong byahe namin by choosing a song to play.

Abala ako sa pagpindot para humanap ng gusto kong station. Tumigil lang ako ng may marinig akong pamilyar na kanta. It's an old song. I love old songs, OPM man or international. For me, there is so much feeling sa mga songs na ganuon. Knowing na some of it ay may true to life story pa talaga.

"Is this...uhm, okay?" tanong ko sa kanya.

Kagaya kanina ay isang tipid na tango lang ang sinagot niya sa akin. Napanguso na lamang ako at muling napaayos ng upo. Bahagya pang nagsway ang ulo ko habang nakikinig ng song. Gustuhin ko mang ifocus ang tingin ko sa labas ay hindi ko naiwasang punahin ang hawak ni Eroz sa manibela.

His Dad, Tito Axus is a professional car racer. I know na ganuon din si Eroz eventhough ginagawa niya lang iyong libangan. May mga sinalihan din siyang race pero hindi siya kagaya ni Tito na iyon talaga ang career. Siya din ang nagmana ng lahat ng sports car niyo at magagarang sasakyan na pang karera. And still, he's humble.

Marunong akong magdrive. At mahigpit ang hawak ko sa manibela pag ganuon. But si Eroz, walang kahirap hirap. Parang dumadaplis lang ang palad niya sa manibela, he did every move smoothly. Swabe, ang  ganda din ng takbo ng sasakyan. I don't know how to properly describe it.

Bayolente akong napalunok ng isipin kong baka I'm too bias dahil gusto ko siya o talagang ganuon na siya. Even when he drives, parang ang sexy. Damn Gertie, I thought he's too much for your liking huh?

"You can sleep, para hindi ka nakatitig sa akin buong byahe" Si Eroz. Muntikna akong ginawin dahil sa lamig ng kanyang boses, and it's so nakakahiya. He notice...he's observing din pala. Akala ko wala siyang pakialam sa akin.

"I'm not sleepy. And hindi naman ako nakatitig sayo...I notice your driving skill kasi. It's good and smooth, and sexy..." tuloy tuloy na sabi ko. Late ko na ng marealize kung ano ang lumabas sa aking bibig kaya naman kaagad akong napatikip ng kamay.

"You should sleep" he insist.

Mas lalong humaba ang aking nguso. "That's not right. Dapat if kayong dalawa lang ang magkasam sa byahe, hindi mo tutulugan ang kasama mo. Baka mainggit ka pag nagsleep ako at makatulog din" pangangatwiran ko na lang kahit I know naman na it's too impossible. Knowing him, again.

Tumikhim siya kaya naman napatikom na lamang ako ng aking bibig. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. Kung ibang circumstances lang ito ay baka kinurot ko na ang sarili ko, but wala ako sa mood na gawin iyon ngayon. My chest hurts a bit, but hindi kasing heavy ng dati. This one is still bearable.

Sandali ulit na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa marinig ko ang mahinang pagmura ni Eroz. Bahagyang kumunot ang noo ko, nang tingnan ko ang harap ay duon ko nakitang sobrang traffic papuntang Bocaue. Hindi naman na bago ito, lalo at tanghali na.

Palaging traffic dahil madami ding palabas ng Sta. maria, pag nakalagpas dito at Nlex na ang labas. Mula duon ay tuloy tuloy na ang byahe.

"Super traffic" mahinang sabi ko kahit obvious naman.

Bahagya ko siyang binalingan. Nanatili ang matalim niyang tingin sa may harapan. Hindi ko naiwasang panuorin kung paano niya itinukod ang kaliwa niyang siko sa may bintana, he massage the bridge of his nose. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa nakikita.

Bahagya akong napausog sa may bandang pintuan ng bigla na lamang siyang lumingon sa akin. Naabutan niyang pinapanuod ko siya.

"Dumaan na muna tayo ng convinient store" sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Ipinark niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang convinient store sa may tabi ng isang gasoline station. Hindi ko alam kung anong gagawin namin. Maybe he's hungry? Nauuhaw? Need to go yo the toilet?

"Tara..." yaya niya na muli ko nanamang ikinagulat. Akala ko ay iiwan niya ako ditong magisa.

"Sasama mo ako? Ok lang sayo?" tanong ko ulit sa kanya. Baka kasi mamaya ay nabigla lang siya kaya niya nasabi iyon.

Nilingon niya ako. Walang kaemoemosyon ang kanyang mukha. Bahagya lang tumaas ang kanyang kilay.

"Ok, sasama ako" pagsuko ko at kaagad na hinubad ang aking seatbelt. Medyo nanginig pa ang kamay ko habang ginagawa iyon dahil ramdam na ramdam ko ang panunuod niya sa akin.

Tahimik akong nakasunod kay Eroz papasok sa may convinient store. Sinikop ko ang lahat ng buhok ko sa gilid ng bahagya iyong magulo dahil sa pagihip ng hangin. Hindi ko maiwasang punahin si Eroz.

He wears a simple white tshirt, maong pants and a brown booths. Too simple but malakas pa din ang dating niya. Even ang mga girls na nakakasalubong namin ay napapatingin pa din sa kanya. Naiiwan pa nga ang leeg nila para lang sundan ng tingin si Eroz.

Nanatili ang tingin ko sa mga babae. I thought makukuha ko sila sa tingin, sabi ni Yaya Esme effective daw iyon. Pero hindi man lang ako tiningnan ng mga babae, masyado silang focus kay Eroz.

Sinundan ko din sila ng tingin. Hanggang sa magulat na lamang ako ng mabunggo ako kay Eroz. Tumikhim siya dahil sa nangyari, lalayo sana kaagad ako ng bigla kong maramdaman ang kamay niya sa aking bewang.

"Saan ka ba nakatingin?" masungit na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaya naman inirapan niya na lang ako at tinalikuran. Nauna siyang pumasok sa may convinient store. Patakbo pa akong sumunod dahil ang lalaki ng kanyang paghakbang, kung nasa malayong lakaran kami ay baka naiwan na niya ako.

Pagkapasok sa convinient store ay hindi naman ako nahirapang hanapin siya. Mas matanggakad siya sa mga estante kaya naman kita ko siya kaagad.

"I'll buy too, I have money" Sabi ko pa sa kanya.

Hindi naman siya umimik pa kaya naman kaagad akong humiwalay sa kanya para humanap ng gusto kong bilhin. At dahil mukhang magigibg mahaba ang byahe namin sa ay chips ako nagpunta. Kaagad kong hinanap ang favorite kong chips. Yung honey butter.

"Walang small..." sabi ko sa kawalan. Malaki lang ang mayroon ng ganuong chips. Hindi naman ako sure kung mauubos ko siya, minsan matakaw lang ako...pero akala ko lang pala iyon.

"Tapos ka na?" biglang singit ni Eroz.

Pinanlakihan ko ng mata ang mga chips. Nakakagulat kasi talaga ang kanyang presencya. Dagdag mo pang gumuguhit ang bango niya. He smells so good, hindi ganuon katapang. It's light but so manly. I love his scent, oh crap that. I love everything about him. Even the smallest of small details.

I just...love him.

Tinuro ko ang malaking honey butter chips. "Iyan sana ang gusto ko. Ang kaso ay walang small size" kwento ko sa kanya.

Gustuhin ko mang makipagusap sa kanya ng maayos ay hindi pa din maiwasang manginig ang boses ko.

Tinitigan niya ang itinuro ko hanggang sa siya na mismo ang kumuha nuon. Akala ko ay siya ang maghahawak but kaagad niyang inabot sa akin kaya naman mabilis kong niyakap iyon.

Wala pa ding kaemoemosyon ang kanyang mukha. "Ito lang?" malamig na tanong niya sa akin.

Bahagya pa akong napakurapkurap. I don't want to push my luck but pwede din namang itry.

"I'll buy, Iced coffee too..." pagkasabi ko nuon ay kaagad ko siyang tinalikuran para lumapit sa lagayan ng mga drinks.

Hinayaan ko na lang si Eroz. Ako naman ang mag babayad nito, kung gusto niya libre ko pa siya eh.

"Panay ka kape..." he said. Naramdaman ko nanaman siya sa aking likuran. Muntik na tuloy mag jelly ang aking mga tuhod.

Minsan ko hiniling na makasakay sa sasakyan niya, na makausap siya, na mapalapit sa kanya. Grabe talaga mag bigay ng blessing si God. Ngayon ay parang maninikip ang dibdib ko dahil sa pagkalunod. It's not a bad thing, I'm happy nga eh.

"Masarap kasi ang coffee..."

Bahagya lang siyang napanguso. Pumili ako ng iced coffee in a bottle. Ayos lang kahit ano, basta kape.

Sabay kaming naglakad palapit sa may counter. Kumunot ang noo ko ng makita kong may hawak siyang sneakers bars. Chocolate? Akala ko ba hindi siya kumakain ng sweets?

Imbes na magtanong ay hinayaan ko na lang siya. He needs it din naman, pag malungkot ka pwede kang kumain ng sweets para sumaya.

Inunahan niya akong maglagay sa may counter. Yun lang ba talaga ang bibilhin niya?

"Isang kahang marlboro black" sabi niya sa babae sa may counter.

"Oh, that's bad for the baga!" suway ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung marinig ni Ate sa may counter.

"Baga ko naman yon, hindi mo baga" sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"But, second hand smoking is more dangerous kaya" pangaral ko pa din sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Tamad na nakatukod ang isa niyang kamay sa may counter. Eroz is too much, still too much for me.

"Ang dami mong sinasabi..." suway niya sa akin kaya naman bumagsak ang nagkabilang balikat ko.

"Nagaalala lang naman ako sa...baga mo" mahinang sabi ko. Saktong bumalik na si Ate sa may counter dala ang sigarilyo ni Eroz. Narinig niya ang sinabi ko kaya naman natawa din siya.

"Ito lang po, Sir?"

"Isama mo na ito..." sabi ni Eroz at kaagad na kinuha sa akin ang hawak kong chips at iced coffee.

"I can pay naman"

"Kaya ko din" masungit na sabi niya sa akin.

Pinanuod ko kung paano siya kumuha ng pera sa kanyang suot na maong pants. Looks like wala nga din siyang wallet. Magulo ang pera niya sa bulsa, may nahulog pang coins sa sahig na mabilis niyang pinulot. Hindi mo aakalain na CEO siya ng isang automotive company.

Mas lalo akong naamaze sa kanya when he gives the exact amount of money sa cashier. Even sa coins, as in eksakto.

"Ok na?" tanong niya dito.

"Yes, Sir. Thank you po"

Matapos magbayad ay yakap ko pa din ang malaking chips kong honey butter. Tahimik ulit akong nakasunod kay Eroz pabalik sa kanyang sasakyan.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan. May pinindot sandali sa loob bago siya muling lumabas para sumandal sa gilid at buksan ang kanyang sigarilyo.

"Bukas na ang aircon sa loob. Pumasok ka na" tamad na sabi niya sa akin habang abala sa ginagawa.

"I'll wait for you, sabay na tayong pumasok" medyo nahihiya pang sabi ko sa kanya.

Umigting ang kanyang panga. Even the way he puts a stick of cigaratte in his lips. Para akong nawawala sa sarili. Hindi ko din inakala nuon na magkakagusto ako kay Eroz. He's rough, cold and parang nakakatakot.

Imbes na panuorin siyang manigarilyo ay binuksan ko na lang din ang chips ko. In the middle of what he is doing ay binuksan niya ang chocolate bar niya ay kinain iyon.

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Malayo ang tingin niya habang naninigarilyo. Looks like stressed siya at may malalim na iniisip.

"Wag kang magalala. Love na love ni Cairo si Tathi. He won't hurt her..." sabi ko out of nowhere. Gusto ko lang pagaanin ang loob niya.

"Sinasabi mo lang yan dahil kaibigan mo si Cairo" matigas na sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Sinasabi ko ito dahil pareho kayong important sa akin. Why do you always think bad of me?" malungkot na sabi ko sa mga huling kataga.

Tumikhim siya. "Ayoko ng pagusapan ito" masungit na suway niya sa akin kaya naman pinili ko na lang manahimik.

Halos hindi ko na malunok ng maayos ang kinain kong chips. Kahit anong paginom ko ng coffee ay ang hirap pa din. I want us to talk, but he always cuts me off.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa aking chips.

After that day bihira ko na lang makita si Eroz sa company. Nagsunod sunod din ang problema ng mga Herrer ng kumalat ang balita na aalis sa pwesto si Eroz bilang CEO ng Herrer Automotives. I have a haunch na ito na yung sinasabi niya kay Tathi na kailangan niyang lumayo.

Nakakalungkot ang balita, but if this will heal him. I'll support him.

"Dahil nanaman ba ito sa babae?" galit na tanong ni Abuela Pia ng magkaroon kami ng closed door meeting.

Paguusapan sana ang tungkol sa merge na magaganap. Ngunit hindi dumating si Eroz. Nakita ko din ang disappointment sa mukha ni Papa kaya naman pilit akong ngumingiti sa kanya para sana ipakitang ayos lang ako at wala naman itong kaso sa akin.

I feel how sorry Tita Elaine is, too. Sila ni Tito Axus lang ang umattend dahil nasa ibang bansa si Ate Xalaine para sa honeymoon nila ni Kuya Rafael.

"I'm so sorry about this, Keizer. And Gertrude hija...this is so unacceptable" problemadong sabi ni Abuela.

Naramdaman ko ang paghawak ni Papa sa aking kamay. Marahan niya iyong pinisil.

"Si Gertrude ang inaalala ko dito. Hindi ko hahayaang ipagpilitan niya ang sarili niya sa kahit na kaninong lalaki. My daughter is too precious para lang humingi ng validation sa kung sino" matigas at dirediretsong sabi niya. I sense anger in his voice.

"Papa, it's fine po. Baka may inasikaso lang na importante si Eroz" sabi ko.

Mas lalong pumungay ang mata ni Tita Elaine habang nakatingin siya sa akin. Tipid ko siyang nginitian.

Tumikhim si Papa. "Mas importante pa dito? Mas importante pa sayo?" giit niya.

"Keizer, hindi pa alam ni Eroz. Ngayon pa lang din sana niya malalaman ang desisyon" si Tita Elaine.

Mas lalong nanigas si Papa sa kanyang kinauupuan. I sense a urge of protest. Galit si Papa, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. Ang sabi niya, nabastos daw kami and walang respeto si Eroz sa hindi pagsipot sa meeting.

Sa huli ay kinausap siya ni Tito Axus kaya naman kahit papaano ay kumalma siya. Naunang umalis si Abuela dahil bigla ding sumama ang pakiramdam nito dahil sa stress.

"I'm so sorry for this, Hija" si Tita Elaine.

"It's ok po Tita. Pero kung hindi po pumayag si Eroz, hindi naman po siya kailangang pilitin pa. I'll understand po" marahang sabi ko. Oo, gusto ko si Eroz but hindi naman ako mamimilit kung hindi siya sangayon dito.

Sandaling nilingon ni Tita Elaine ang pinaglabasan ni Abuela Pia. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin na ayaw niyang malaman nito.

"Uuwi si Eroz ng Sta. Maria para imanage ang rice mill factory. Alam niya na ang tungkol dito, pumayag siya. Pero inaalala ka niya..." sabi ni Tita Elaine na ikinagulat ko.

"He said na mas mabuting makilala niyo muna ang isa't isa bago kayo ikasal. Pakiramdam niya ay naprepressure ka lang kaya gusto mo din ito...he said, he's willing to give it a try" pagpapatuloy niya.

"After ng natitirang dalawang buwan mong training...you'll live with him sa Bulacan. Just to try, if you two are ready to take it to the next level...don't worry. I know my son. He will respect you Gertrude" paninigurado sa akin ni Tita.

"I know po" kahit naman masungit si Eroz sa akin, I know na hindi niya ako pipilitin sa mga bagay na walang consent ko. And I trust him.

"He wants to live a simple life sa Sta. maria...pero inaalala kita" nagaalalang sabi ni Tita sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. "Wala pong magiging problema sa akin, Tita..." paninigurado ko sa kanya.















(Maria_CarCat)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

58.9K 2K 35
It was her fault. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Pero ano pang magagawa niya? It was all too late. Nasira na niya ang lahat. Alyssa Valdez is...
999K 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...