Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 10

10.4K 207 6
By Trisisisha


Tulala ako buong byahe namin. Tinatanong nila ako pero hindi ako sumasagot. Alam nilang hindi ako okay kaya hindi na sila nagtangkang magtanong ulit sakin hanggang sa maihatid nila ako sa apartment.  Before kaming mag beso ay maliit akong ngumiti para ipakitang okay lang ako pero nanatili akong tahimik.

“Just call us if you need anything,” Sabi ni Raquel. Hinawakan ni Seven ang kamay ko.

“Nag-aalala talaga kami sayo kanina ka pa tahimik.” Ngumiti lang ako sakanya ngiting alam kong hindi aabot sa mata ko.

Pagkapasok sa apartment ko ay dumiretso ako sa kusina at agad na nag hilamos. Hindi pa rin ako mapaniwala. Pagak akong natawa. Talaga, Idalia? Hinayaan mo ang sarili mo maloko ng ganun-ganun? Bakit ba hindi na lang ako naniwala sa kutob ko?

Ilang oras akong nakahiga sa kama at nakasubsob ang mukha ko sa unan habang umiiyak. Hindi dahil mahal ko si Jacob kundi dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na nagpaloko not typical na panloloko like sa relasyon pero panloloko pa rin yun dahil napaikot niya ako. Pinagmukha niya akong timang, tanga at bobo!

Napabangon ako sa higaan ko nang may maisip. I need to drink kaya I decided to go to a bar. This is my first time to go there. Ilang beses na akong niyaya ni Raquel mag bar before pero palagi akong tumatanggi. Nag suot ako ng tube dress, I'm not wearing bra kasi may foam naman yung tube dress na suot ko. Nagdala lang ako ng isang pursue at gumayak na sinigurado ko rin munang nakalock ang pinto ng apartment ko kahit na alam kong secure naman ang apartment na ito.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Ethan. Hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhang taglay niya. Nakilala ko siya noong minsan na mag offer siyang buhaimtin ang mineral water na binili ko. Habang nakatingin sakin ay kita ang paghanga sa mga mata niya nailang man ay maliit pa rin akong ngumiti sakanya.

“Woah! Saan ang punta mo ng ganitong oras?” Tanong niya habang hawak ang helmet niya. Hindi ko feel mag commute ngayon pwede kaya akong makisabay sakanya? Malapit-lapit lang naman ang bar na pupuntahan ko.

“Sa bar.” Tipid na sagot ko.

“Nako! Delikado magpunta sa bar ng ganitong oras lalo na't babae ka.”

“Yun na nga e. Aalis kaba? pwede ba akong makisabay sayo?” Tanong ko.

“Oo naman, sandali kukunin ko lang yung isa kong helmet.” Bumalik sa loob ng apartment niya si Ethan at lumabas na may hawak na isang grey na helmet. Huminto pa ito sa sampayan niya at may kinuhang isang puting tela. Nakuha ko kung para saan ang kinuha niya.

Nginitian ko siya. “Salamat, Ethan.”

“Nako, wala 'yon! Ano? Tara na?” At nauna na si Ethan na naglakad sa motor niya sa labas ng gate. Patagilid akong umupo sa motor at pinatong sa hita ko ang telang binigay ni Ethan. I'm so thankful to met a kind neighbor like him.

“Saang bar ba?” Tanong ni Ethan habang binubuksan ang makina ng motor.

“Santa cruz. May nag iisang bar doon diba?”

“Yes, alam ko 'yan. Mag iingat ka doon at madaming bastos doon.” Paalala niya. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.

“Gusto ko lang mag-inom.”

“Wag ka masyado maglulunod sa alak para makauwi ka ng maayos. Mahirap mag lasing ng mag isa walang aalalay sayo.”

Muling akong tumango. Goodluck na lang talaga sakin at sana makauwi ako ng maayos. Hindi rin siguro ako magtatagal sa bar at uuwi rin agad. Huminto na ang motor ni Ethan sa harap ng bar rinig na rinig ang lakas ng tugtog mula sa loob. Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar kasi laki ako sa probinsya kahit nga baylihan hindi ako sinasama ng mga magulang ko.

“Mag-iingat ka, Idalia. May trabaho pa kasi ako kung wala sana masusundo kita mamaya.” Sabi ni Ethan.

“Ang laki na nang naitulong mo sakin, Ethan. Promise kaya ko ang sarili ko.” Sabi ko at ngumiti pa sakanya. Ngumiti rin siya at ginulo ang buhok ko.

“Palagi kang welcome sakin, Idalia. Para na kitang kapatid e.”

Nang mawala sa paningin ko ang papalayong si Ethan ay saka ako humarap sa bar. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad papunta sa Entrance ng bar. Maraming pumapasok sa bar na ito na alam kong puro mayayaman. I don't think I'm belong here pero kailangan ko mag bar kailangan ko ng alak, kung tutuusin pwede ako bumili na lang ng alak tas mag walwal sa apartment pero mas pinili kong pumunta sa lugar na ganito.

Nang makarating nang tuluyan sa Entrance ng bar ay agad akong hinarang ng bouncer. “Miss, ID?” Tanong nito. Nilabas ko mula sa purse ko ang ID na hawak ko. Tiningnan niya ang ID ko at tumango sakin.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob hindi ko maiwasang mapangiwi sa bumungad sakin na amoy. Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo nakakasuka ang amoy. Tinakpan ko ang ilong ko habang tinatahak ang daan papunta sa counter pagkarating ay agad akong naupo.

Ano bang alak ang magadang inumin? Hindi sana nakakalasing masyado. Uuwi pa ako mamaya at nakakatakot rin ang lugar na ito baka may mangyari pang masama sakin mahirap magtiwala sa kung sino-sino.

Napatingin ako sa gitna sa kung nasaan ang dance floor. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa nakikita ang wild ng mga tao. First time kong makakita ng ganito. May ilan pang naghahalikan this is also new to me. Yes, nanonood ako ng mga kissing scenes sa mga palabas na napapanood ko hindi naman kasi maiiwasan iyon pero bago ngayon sakin ang makakita ng ganito lalo na ngayong sa personal.

“Miss?” Tawag ng bartender kaya napalingon ako sakanya. Nag-mmix siya ng mga inumin.

“Yes?”

Tinitigan ako nito at agad na umiling na kinakunot ng noo ko. “Nothing.” Muli ako nitong tiningnan at inilapag ang hawak bago may kinuhang kung ano sa bulsa niya.

Napahawak ako sa mukha ko dahil sa inakto ng bartender. May dumi ba ako sa mukha?

Nang maalala ang ipununta ko dito ay agad ako nag order sa kasama niya ng alak. I choose Tequila. Nakatalikod pa rin ang bartender kanina na kasalukuyan ng nagtitipa sa cellphone niya. Nagkibit-balikat ako at itinuon ang tingin sa hawak kong Tequila.

Amoy palang masarap na agad ko itong tinikman. Mapait at matamis sa una pero habang tumatagal ay tamis na ang nangingibabaw. Nasarapan ako kaya kumuha pa ako nang kumuha. Iniisip ko lahat ng kasalukuyang nangyayari sakin. Maisip palang lahat ng iyon ay mas lalo ko pang gustong lunurin ang sarili ko sa alak. Nakalimutan ko na ang sinabi ko kanina na hindi maglulunod sa alak iba na pala pag nandito kana.

Gusto kong umiyak pero wala na akong mailuha naubos na sa kakaiyak ko kanina.

Inom lang ako nang inom sinusubukan ako pigilan ng bartender kanina pero hindi ako nagpapatigil hanggang sa maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

“Can I sit here?” Tanong nito. Hindi pa ako nakakatango pero naupo na siya.

“Wanna go out with me?” Kinilabutan ako nang maramdaman ang hininga ng lalaki sa tenga ko. Gusto kong humingi ng tulong dahil nararamdaman ko na ang hawak ng lalaki sa likod ko pero hindi ko na kaya dahil wala na akong lakas dahil sa mga nainom ko kasabay pa na nahihilo na ako.

Pilit akong hinihila ng lalaki papatayo pero ayokong tumayo sa kinauupuan ko. Bakit ba kasi nag punta akong mag isa dito kahit na alam kong delikado? Sana nagsama man lang ako kahit isa kila Raquel. Nag sisisi na tuloy ako desisyon ko.

Nakakuha ako ng lakas kaya nagpumiglas ako. “Isang gabi lang.” Muling bulong niya sa tenga ko kaya lalo akong kinilabutan. Boses manyak!

“Pakipot kapa, Miss. Alam kong yun lang naman pinunta mo dito.” Sabi niya at sinimulan akong halikan sa leeg. Sinusubukan kong itulak ang mukha niya.

“Let me go!” Sigaw ko at pilit lumalayo pero sadyang malakas siya at pilit ako hinihila para sumama sakanya pinulupot niya pa ang kaliwang braso niya sa bewang ko at pilit akong nilalapit sakanya para mas lalong mahalikan ang leeg ko.

Naiiyak ako.

Tuluyan nang nabahiran ng laway ng manyak ang balat ko. Walang hiya siya!

Napapalingon samin ang mga dumadaan pero hindi naman tinatangkang lumapit para iligtas ako marahil ay naiisip nila na magkasintahan kami na may LQ.

Nasa gitna ako nang pagpupumiglas nang may dumating. “Let her go.”

Nabuhayan ako ng loob nang makita ang dumating. “P-prof.”

Nasa tamang hisyo pa naman ako kahit nahihilo ako. Naaaninag ko pa rin siya kahit papaano at malinaw parin sakin ang boses niya.

“At bakit naman?” Mayabang na tiningnan ng manyak na lalaki si Prof at hinigpitan pa lalo ang pagkakapulupot ng braso sa bewang ko na ikinapumiglas ko. “She's my girlfriend.” Gusto kong masuka sa sinabi ng manyak na ito.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Prof. Kitang-kita ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa manyak na lalaki parang gusto na niyang patayin sa pamamagitan ng tingin na binabato niya. Galit siya? Sino ba namang Prof ang papayag na makitang ginaganito ang estudyante niya? Pagak akong natawa sa isipan ko.

“Really? You don't look like one but instead you looks like a maniac. Let her go.” Matigas na sabi ni Prof mapag-uyam. Nanghina ang tuhod ko at napakapit sa counter nang bitawan ako ng manyak na lalaki. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa ng leeg ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pandidiri. Nag iwan pa siya ng bacteria!

Tumayo ang lalaki sa harap ni Professor Montanier at nakipagtagisan ng titig dito.

Kahit na nahihilo ay tiningnan ko pa rin sila. May iilan na ring napapahinto at napapatingin sakanila.

“Bakit ba nakikialam ka, ha? Ano ka ba niya?” Maangas na singhal ng lalaki. Hinawakan ko ang ulo ko nahihilo na ako pero pilit ko pa ring dinidilat ang mga mata ko.

Ano nga ba talaga niya ako?

Nag iwas ako ng tingin at tumingin sa baba habang hinihintay ang sagot niya.

“She's my student.” Tipid na sagot ni Professor Montanier.

Ramdam ko ang pagkatarak ng kung ano sa dibdib ko dahil sa narinig. Mas malala pa ito kaysa sa pag papaikot sakin ni Jacob. Muli akong napaluha habang marahang hinaplos ang dibdib ko.

Ang tanga mo talaga, Idalia! Bobo ka ba talaga? Pinagmukha ka na ngang tanga ni Jacob tapos ngayon mas lalo mo pang pinagmukhang tanga ang sarili mo! Ano bang iniisip mo? Magugustuhan ka ni Professor Montanier? Idalia, wake up! Alam at alam mo na kung hanggang saan ka lang sakanya!

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.1K 270 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...
246K 2.9K 36
"i want you to be with me forever untill our hair turns white and our face will have wrinkles"~ i said But.. If you'll leave, do it today. If you'll...