Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 5

10.8K 253 12
By Trisisisha


It's been 3 days since nakita kong magkayakap si Professor Montanier at ang fiance niya.

Sinusubukan kong pigilan ang nararamdaman ko kay Professor Montanier. Sinusubukan ko na ring ibalik ang nararamdaman ko kay Jacob. Dismayadong dismayado ako sa sarili ko nang hindi ko magawa. Everytime na nakikita ko si Professor at ang fiance niya ay ramdam ko ang kirot sa dibdib ko.

“Raquel, naniniwala kaba sa love at first sight?” Tanong ko.

Nandito kami sa may coffee ng kuya niya. After namin pumunta ng national bookstore dumiretso na agad kami dito.

”Bakit mo naitanong?”

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. “N-nabasa ko lang sa social media.”
Sabi ko. Naningkit ang mata nito habang nakatingin sakin. Hindi naniniwala ang makikita sa mukha niya.

“Sus, kilalang kilala kita. Alam ko kung nag sisinungaling ka o hindi,” Inilapag nito ang iced coffee na hawak. “May hindi ka sinasabi sakin, noh”

Hindi talaga ako nag sisinungaling kay Raquel. Wala naman siguro mawawala kung sasabihin ko, hindi ba? She's my bestfriend after all.

“M-may nakilala kasi akong lalaki.” Sabi ko at nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang makita ang mga mata niyang nakatingin sakin. Kilala ni Raquel si Jacob at alam kong gulat siya na may boyfriend nako pero nagagawa kong mag open nang about sa lalaki, kasi alam niya kung gaano ako kaloyal sa boyfriend ko.

“Who?” kunot noong tanong niya.

Sinalubong ko ang tingin niya.

“He's my professor..”

“Oh and then?”

“Dahil sakanya nag dududa na ako kung mahal ko pa ba si ja—”

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang mapasigaw si Raquel.

“What?!” Gulat na bulalas nito. Nakita kong nag tinginan ang mga customers dito sa cafeteria kaya lalo akong nahiya. What if narinig nila ang sinabi ko?

“I'm sorry, but what do you mean? What happened?”

Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga.

Gulong gulo nako.

“Hindi ko na talaga alam, Raquel. God knows kung paano ko sinusubukang pigilan 'tong nararamdaman ko kay Professor.”

“Kailan pa 'yan?”

“Simula noong nag start ang class.”

“That's not good, lalo na't may boyfriend ka and it worse yung Professor mo pa yung nagustuhan mo mas lalong hindi pwede. But, subukan mo paring pigilan hanggat kaya mo hindi talaga 'yan makakabuti sayo. Mag focus ka na lang kay Jacob.”

Napaangat ako ng tingin dito.

“But, I don't feel the same anymore. Pinilit ko naman e, pero wala na talaga.” Nawawalan nang pag-asang sabi at napabuntong hininga.

Napatitig sakin si Raquel.

“What are you going to do? Sabihin ang totoo kay Jacob at makikipag hiwalay o pagpapatuloy mo yung relasyon niyo kahit wala ka nang nararamdaman?” Tanong niya. “Oh, I admit hindi okay yung unang sinabi ko pero depende sayo. basta, think wisely isipin mo yung mas makakabuti sayo.”

Nag iwas ako ng tingin. “Honestly, hindi ko alam.”

Napabuntong hininga si Raquel.

“Nasasaktan ako everytime na nakikita ko sila ng fiance niya..”

Napaawang ang labi ni Raquel habang nakatingin sakin. “Omygod? I can't believe na possible pala 'yan! Anong gulo 'yang pinasok mo, Idalia?”

Gulat na sabi ni Raquel. “I don't know. My heart wants him.”

“So, Inlove ka talaga sa professor mo?”

Nag iwas ako ng tingin at hindi nakasagot.

Habang nandito kami ni Raquel sa coffee shop ay napapaisip ako.

Should I break up with Jacob? May part saking nagsasabi na wag siyang hiwalayan. Ayokong saktan si Jacob. I guess pilitin ko pa? I don't know what to do!

“Ana, possible ba talaga yung love at first sight?”

“Oo, They. May nabasa pa nga ako dati na 5 minutes palang daw silang magkausap nagka inlove-an na e.”

“Ay, talaga? Ang bilis naman!”

“Kaya nga e.”

“Naniwala ka naman?”

“Oo naman!”

Pag uusap ng dalawang babae na dumaan sa likod namin. Nagkatinginan kami ni Raquel.

Umupo ako sa sofa dito sa apartment ko yakap yakap ang teddy bear ko.

Kailangan kong mag isip ng mabuti kung ano ba talaga ang gagawin ko.

Professor Montanier already have Ivenika, and they are getting married. But, siya ang sinisigaw ng pusa ko. Kahit wala pa siyang ginagawa grabe na ang tibok ng puso ko. I thought dati akala ko lumalakas lang ang tibok ng puso ko everytime na nandiyan siya kasi nakaka intimidate siya turns out na mali pala ako. I like him, that why.

Hindi ko man aminin pero may part sakin na masaya everytime na nakikita ko siya. Nasasaktan ako pag nakikita ko sila ng fiance niya. This is the first time na I felt this kind of unfamiliar heartbeats to a guy.

Pagkasama ko si Jacob. Hindi ko nararamdaman 'yung malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nakakapanibago talaga pag dating na kay Prof. Masaya akong kasama si Jacob at comfortable ako sakanya kaya sinagot ko siya. Siya rin ang unang lalaki na nakapalagayan ko ng loob. He's nice and sweet. As much as possible I don't want to hurt Jacob. Mas gusto kong isipin ang nararamdaman niya kesa sa nararamdaman ko. Wala namang ibang ginawa si Jacob kundi mahalin ako hindi niya deserve ang masaktan.

Kinakabahan ako kasi time na ni Professor Montanier. Tinatagan ko ang sarili ko. I can do it. Para sa relasyon namin ni Jacob.

Hindi ako tumingin nang mag simulang maglakad si Prof papasok sa room namin.

Ito nanaman ang kalabog ng dibdib ko.

Ewan ko kung bakit ayaw na ayaw ni Prof na binabati siya everytime na pumapasok siya. Ayaw niya bang maingay? Mas gusto niyang tahimik lang ang lahat kaya mas lalong nakakakaba.

Habang nag didiscuss siya ay nakatingin lang ako sa sinusulat niya sa board at iniiwasang mapatingin sa mukha niya. Kabang kaba na nga ako mas lalo pa akong kakabahan pag tiningnan ko ang mukha niya.

Natapos na ang klase namin at ngayon ay naglalakad na kami ni Seven papalabas ng University.

“Bakit ang tahimik mo naman kanina?” Tanong ni Seven.

“Pag kinakausap kita, Isang tanong isang sagot ka naman.”

“Sorry, wala lang ako sa mood.” Mahinang sabi ko.

Nang makalabas kami ay agad nang sumakay si Seven sa sasakyan nilang nakaparada na. Gusto niya nga raw akong isabay ang kaso magkaiba kami ng way pauwi.

Dumiretso na ako sa terminal. Ilang minuto rin ang inantay ko hanggang sa may humintong bus sa harapan ko agad na akong sumakay.

Medyo punuan nga lang. Mabuti at naka jeans ako. Hindi pa rin makakalimutin yung nangyari last time. Dire-diretso akong nag lakad sa dulo na upuan nang makita kong may space. Inilagay ko sa hita ko ang bag ko nang lumapit ang cobductor.

Agad na akong nagbayad at binigyan niya na ako ng ticket. “Ikaw po, Sir?” Tanong ng conductor sa katabi ko.

Nagpangalumbaba ako habang nag cecellphone.

“Villa Geronimo,” Narinig ko ang boses ko nang nagsalita kaya agad akong napalingon sa katabi ko, ganun na lang ang panglalaki na mga mata ko nang makita kung sino ang katabi ko.

It's Professor Montanier!

Lumakas rin ang dagundong ng dibdib ko lalo na nang makatitigan ako ang lalaki sa harapan ko. Hindi ko maisip na magkakalapit kami nang ganito?

“Good, you're wearing jeans now.”

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
354K 5.4K 23
Dice and Madisson
118K 3.6K 42
(BLACK ROSE SOCIETY)4th series The 4th member of BLACK ROSE SOCIETY is now publishing.. Hoping you like it too.. the way you like onto other member...
3.1K 158 34
Charlotte Clarksville is a spoiled brat, she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay denial pa si Achilles sa...