Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 26.2 ] So In Love

46K 555 47
By JeraldineTanL

Chapter 26.2: So In Love

"Ji-- I mean Shane, ano’ng ibig mong sabihin?"

Umiwas ng tingin sa kanya si Jin at napansin ni Gab na may malalim itong iniisip pero hinayaan lang siya ni Gab at saka nito hinintay ang sagot niya.

"Naaalala na kita kahit papano. I might not remember everything but I know that you became a big part of my life. I can only remember a few things but not every detail."

Sa sobrang tuwa ni Gab ay niyakap niya si Jin pero tinulak siya nito. Hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap dito.

"Let me hug you just for a while."

Hindi na pumalag pa si Jin at hinayaan niya na lang si Gab. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa mga ginawa ni Gab para sa kanya.

‘She still has a soft spot in her heart. Alam ko na nabago lang siya ng panahon at babalik din ang Jin na nakilala namin.’

Nang pakawalan niya si Jin ay hindi mawala ang ngiti niya. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng puso ni Jin habang yakap niya ito. Idagdag pa doon na may naaalala na ito tungkol sa kanya kahit papano.

"Masaya ako na may naaalala ka na tungkol sa 'kin. Hindi na kita pipilitin na maalala ang lahat. Naisip ko na imbis na ipaalala ko pa sa 'yo, gagawa na lang ako ng bagong memories na kasama mo ako. Masyadong masakit ang mga pinagdaanan mo noon kaya maganda na din siguro na hindi mo na maalala pa. Sana hayaan mo ako na gawin 'yon, Shane. Please give me a chance."

"I-I'm speechless. I don’t know what to say. O-okay, I'll give you a chance."

"Thank you, Shane."

"Can you treat me just like how you treated me before?"

"Hindi ko pwedeng gawin 'yon."

"But why? I mean, I’m still Jin right? So--"

"I’ve changed, Shane. Binago na din ako ng panahon kagaya mo."

"You changed in what way?"

"Let's eat, first. Mamaya na natin 'yan pag-usapan."

"Okay."

Pinaupo ni Gab si Jin sa harap ng kainan kung saan nakahanda na ang mga niluto niya. Nagluto siya ng steak at ng lasagna na paborito ni Jin. Umupo din naman si Gab sa harap niya at nagtataka siya kung bakit tinitignan lang ni Jin ang pagkain.

"May problema ba?" tanong sa kanya ni Gab.

"Do I have to eat everything? I really don't eat that much. The steak will do."

"Hindi mo kailangan ubusin pero nasa sa 'yo 'yon. Paborito mo kasi ang lasagna kaya nagluto na din ako nyan."

"I did? Well, I really did change. I rarely eat lasagna now but I'll try this one later."

Tahimik lang silang dalawa kumain. Hindi nagsasalita si Gab at hinihintay niya lang na unang magtanong si Jin sa kanya.

"So, what kind of girlfriend am I to you? How do I treat you?"

"Sobrang sweet mo at maalaga ka din."

"I’m still the same. Siguro hindi naman sa lahat ng bagay, nagbago ako."

"Pero sobrang laki talaga ng pinagbago mo, Shane. Kung iba lang ang itsura mo, hindi kita makikilala."

"What do you mean? Ano ano nga ba ang nagbago sa 'kin?"

"Sobrang bait mo noon. Hindi ka marunong manakit ng tao kahit sa salita lang. Ngayon, parang wala ka ng pakialam sa mga nararamdaman ng iba at sinasabi mo lang lahat ng mga gusto mong sabihin kahit na makakasakit ka sa mga sinasabi mo. Mabilis ka na ding mainis at sobrang tapang mo na ngayon."

"So are you saying na hindi maganda ang naging pagbabago ko? If that’s the case, why do you keep on doing this? Iba na pala ang tingin mo sa 'kin."

"It's not like that, Shane. 'Wag mong bigyan ng meaning 'yong sagot ko. Tinanong mo ako kaya sinagot ko ng totoo. Umaasa pa din ako na darating ang araw na magbabalik ang dating Jin na nakilala namin, na maaalala mo ang lahat at babalik ka sa 'kin."

"What will you do kapag hindi nangyari ang gusto mo?"

"Okay lang naman ako kahit na maging magkaibigan lang tayo."

Tahimik lang silang kumain at pagkatapos ay pumunta sila sa pool area at umupo silang dalawa sa gilid ng pool. 

"How do you treat me before? I'm really curious."

"Palagi kitang sinusungitan, inaasar pero minsan sweet ako sa 'yo."

"Ganun ka ba talaga? I wonder why I fell in love with you that time. Based on what you’ve said, I wouldn't like someone with that attitude."

"I’ve changed."

"Even if you’ve changed, that doesn’t change the fact that I fell in love with you before. Oh, it's raining. Let's go inside."

Tatayo na sana si Jin pero hinila siya paupo ulit ni Gab.

"No, Jin. I really changed. This time, I'll make things right and smooth for you."

"I don't want to get drenched in the rain! Let’s go!"

Tumayo na silang dalawa pero hindi pa din binibitawan ni Gab si Jin kahit na hinihila na siya nito papasok sa loob ng bahay. Hinawakan niya ito sa mukha.

"What are you doing?! Basa na tuloy tayo sa ulan!" reklamo ni Jin.

"Sabi mo sa 'kin noon, gusto mo na kapag nagpropose sa 'yo ang isang tao, dapata umuulan. Para kasi sa 'yo, ang sweet nun. I proposed to you here at this place under the rain."

Nanlaki ang mata ni Jin.

"Y-you did?"

"I did. December 17 ang exact date."

"You can clearly remember everything, huh?"

Natouch si Jin dahil kahit na ilang taon na ang lumilipas, naaalala pa din ni Gab ang mga ganung bagay.

"Let's go."

Nagulat si Jin nang buhatin siya ni Gab.

"Put me down! Aaaah!"

Tumalon sa pool si Gab habang buhat buhat niya si Jin pero kahit na nasa tubig na sila ay hindi pa din bumibitaw sa kanya si Jin at nakayakap siya ng mahigpit.

"Never.. ever let go of me! Hindi ako marunong lumangoy!"

Binitawan siya ni Gab at nahiya si Jin nang malaman na abot niya naman pala. Ang akala niya kasi ay malalim ito pero hindi. Agad naman siyang dumistansya kay Gab pero napigilan siya ni Gab nang hilain siya nito at niyakap galing sa likuran niya. Madali namang tinanggal ni Jin ang pagkakayakap sa kanya ni Gab at humarap siya dito.

"Don't do this to me again, Gab."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I-I don't know. Let me borrow some of your clothes."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Jin ay madali siyang umahon sa pool. Pinaderetso naman siya ni Gab sa kwarto ni Risa dahil may mga damit doon si Risa na magagamit niya. Pagkatapos nilang magbihis ay bumalik silang dalawa sa sala. Nanonood silang dalawa ng tv pero nasa iba ang atensyon ni Gab. Hindi niya kasi maiwasan na tignan si Jin dahil wala na siyang makeup sa mukha. Ibang iba kasi ang itsura nito sa tuwing naglalagay siya ng makeup. Nagpupunas din ito ng buhok niya gamit ang towel. Kinuha ni Gab ang towel at tinulungan si Jin.

"A-ako na. I can do it by myself."

"No, let me help you."

Nakaharap sila sa isa’t isa. Pumikit si Jin habang pinupunasan ni Gab ang buhok niya. Unti-unti din namang nilapit ni Gab ang mukha niya kay Jin. Hinalikan niya sa noo si Jin na ikinagulat nito kaya bigla siyang napaatras.

"You startled me."

Hindi na sumagot pa si Gab at nginitian lang siya. Hinayaan na lang din naman siya ni Gab dahil may nagdoor bell. Tumayo si Gab para tignan kung sino ang nandoon at nakita niya sina Aine at Steven. Dire-deretso lang naman na pumasok sa bahay niya si Steven dahil sanay na itong pumupunta doon.

"Bakit parang nagulat ka na pumunta kami dito?" tanong ni Aine.

"Bakit nga ba kayo nandito?"

"Nakalimutan mo na ba? Ang usapan natin, mag-oovernight tayo ngayon sa inyo."

Pumasok na lang sa loob sina Aine at Steven.

"Pre, hindi mo naman sinasabi samin na nandito pala si Shane. Hindi na sana kami pumunta. Mukhang--" sita ni Steven.

"Steven, 'wag mo ng ituloy! Uuwi na lang kami, Gab. Next time na lang siguro natin 'to ituloy dahil may bisita ka din," pagpapaalam ni Aine.

"N-No! It's okay. Paalis na din ako," sagot ni Jin.

Tumayo si Jin at napatingin naman si Steven kay Gab. Nginitian siya ni Steven na tila ba may gusto itong ipahiwatig.

"Pre, umamin ka nga. Anong nangyayari? Damit mo 'yong suot ni Jin, hindi ba? 'Wag mo sabihin na gumagawa na kayo ng--"

"No! Don’t think of anything strange. I was--" depensa ni Jin.

Nilapitan ni Steven si Jin at inakbayan siya.

"'Wag ka ng mahiya sa 'min, Shane. Para namang hindi ka namin barkada noon. Hindi ka na iba sa 'min. 'Wag kang masyadong defensive, napaghahalataan," sabi ni Steven kay Jin.

"I’m not defensive. I’m just telling you the truth!" naiinis na sagot nito.

"Babe, tama na nga yan! Iniinis mo si Shane, eh. Mag-overnight ka na lang din dito, Shane. Nandito ka na lang din naman kaya samahan mo na kami," pagyayaya ni Aine.

"O-okay, sure."

Hindi inaasahan ni Gab na papayag si Jin sa alok ni Aine. Inaasahan niya na may kakaiba na naman na gagawin ang mga kaibigan niya lalo na at kasama nila ngayon si Jin. Ano nga kaya ang mangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 311 25
"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni C...
2.9M 29.9K 31
[One of Wattpad's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midor...
1.3M 51.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
628 222 75
An Epistolary | Completed Keisha WP always hiding something she is not vocal person who well confess her feelings or her displeasure to her family. U...