Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.9K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 12

78.7K 2.9K 778
By Maria_CarCat

Offer




Tulala ako ng umalis si Hobbes. Hindi dahil sa kanyang sinabi, kundi dahil amoy na amoy ko pa din ang scent ni Eroz sa hawak kong coat niya. Parang katabi ko siya, parang kasama ko.

"Magpapahatid ka kay Hobbes?" masungit na tanong ni Cairo sa akin.

Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. Seryoso siyang nagbabasa ng mga documents sa kanyang table.

"He says, iyon ang payment sa coffee ko and cake" sagot ko.

Ang pagkakakunot ng kanyang noo ay mas lumala ng bumaling siya sa akin.

"Pag ikaw, Gertrude..." hindi niya na naituloy ang pagbabanta niya ng pinutol ko iyon.

"I think, we're friends naman. Ikaw nga din hinahatid mo ako minsan sa house namin. Bakit hindi ka nagagalit sa sarili mo?" tanong ko sa kanyang.

Umigting ang kanyang panga. Napahilot siya sa kanyang sintido na para bang may masakit duon.

"Hindi lang basta pagkakaibigan ang habol ni Hobbes sayo. Alam mo dapat iyan" masungit na sabi niya sa akin.

Napanguso ako before I sipped on my iced coffee. Hindi ko din sure, gusto ko ang personality ni Hobbes. Friendly siya and Funny and mabilis siyang makaappreciate ng mga bagay bagay. Even the smallest things that I do, he appreciates it. I do admire him for that.

"Ang habol ba niya sa akin ay ang...payment ko?" tanong ko kay Cairo. Napamura siya, a bit malutong and mahina. Natawa na lamang ako.

"Uy, bad kaya ang cursing..." natatawang suway ko sa kanya pero siya ay napailing na lamang habang nakakunot ang noo.

Wala pang five o'clock ay dumating na si Hobbes. Napanguso ako ng makita kong malaki ang kanyanf ngiti habang naglalakad palapit sa akin. He even forget to greet Cairo, or sinadya niyang hindi ito pansinin?

"Ready ka na, uwi na tayo?" he asked me sweetly. Naramdaman ko kung paano biglang uminit ang aking magkabilang pisngi.

Tipid ko siyang tinanguan at nginitian. Napaawang ang aking labi sa gulat ng bigla na lang niyang binitbit ang aking mga gamit. Hindi na ako nakapagprotest pa, I let him carry my bag.

"Oh...ouch" napangiwi ako ng matapos kong subukang tumayo ay nakaramdam ako ng kirot sa aking angkle.

Dahil sa takot matumba ay kaagad akong napahawak kay Hobbes. Hindi naman ako nabigo dahil mabilis niyang ipinulupot ang kanyang mahabang bisig sa aking bewang. It looks like, we're hugging each other.

"Hobbes!" sigaw ni Cairo.

Naramdaman ko ang bahagyang pagbaling ni Hobbes sa kanyang pinsan para harapin ito.

"Ano? Inaalalayan ko lang at baka mahulog. I know what I'm doing..." seryosong sabi niya sa panghuling pangungusap.

I slowly bit my lower lip dahil sa hiyang nararamdaman. Gustuhin ko mang bumitaw na sa kanya ay hindi ko na magawa dahil sa higpit ng kapit niya sa aking bewang.

Matagal kami bago nakalabas sa office ni Cairo. Bukod kasi sa hindi pa siya tapos na pagalitan kami ay nahirapan talaga akong maglakad. Sibukan ni Hobbes na buhatin ako pero I refuse. Mas nakakahiya iyon. Baka mamaya ay kung sino pa ang makakita sa amin.

"Iuwi mo kaagad iyan" pahabol ni Cairo.

Hobbes chuckled. "Bawal kami kumain ng dinner before going home? Grabe naman..." pagiinarte niya.

Napatingin ako kay Cairo. He is so angry and pissed. "Ang usapan hatid lang, magkaiba iyon sa pagkain ng dinner. At wag ka ng magabala pa dahip tinawagan ko na si Yaya Esme na ipaghanda si Gertrude ng dinner" nakasimangot na paliwanag niya sa amin.

Bayolente akong napalunok. Marahan kong nilingon si Hobbes. He immediately licked his lower lip before siya nagkibit balikat at napangisi na lang kay Cairo.

"Ok. Next time na lang ang dinner. I can wait naman, Diba...Miss?" sabi niya sabay baling sa akin.

Laglag ang aking panga. Grabe din talaga ang isang ito kung magask at mag gawa ng plan. Yun bang wala kang maisasagot sa kanya kundi ang pagtango at Oo dahil madadala ka sa kanyang sweet smile with both dimples on the side. Parang nakakaawa if tatanggihan, parang it's your fault pag nasaktan.

Napangi siya lalo. Mukha nanaman sigurong ewan sa harapan niya dahil sa pagiging lutang ko.

"Too cute..." sambit niya at marahang pinisil ang tip ng nose ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kanyang ginawa. Mas nagfocus ako sa paglalakad ko papunta sa elevator. Mahigpit pa din ang hawak ni Hobbes sa aking bewang, hindi ko naman maiwasang mapakapit sa kanyang damit. Halos malukot na nga iyon but he's letting me.

"Sir Hobbes, gusto niyo pong kumuha ako ng wheel chair?" alok ng isang employee sa kanya.

I was about to smile because of that idea, but biglang nawala ng tumanggi si Hobbes.

"Ayos na ito. Kaya ko na" si Hobbes.

Marahan niya akong inakay palapit sa may elevator. Mula duon ay may employee na nagbabantay sa may pinto para hindi iyon magsara at hintayin kaming makalapit.

"I want to try na sumakay sa wheelchair, and para hindi ka na din mahirapan sa akin..." medyo nahihiya ko pang sabi sa kanya.

Mas lalo niya akong inilapit sa kanyang katawan. "Hindi naman ako nahihirapan. Ang gaan gaan mo nga" pangaasar pa niya sa akin.

Tama naman, kung hindi nga lang ata siya nag woworry sa akin ay kayang kaya niya akong kargahin gamit ang isang kamay niyang iyon na nakapulupot sa aking braso. With his height and his built. Defined din ang kanyang mga muscles. Like Eroz, he's also too much for me.

Ilang hakbang na lamang papasok ay natawa kaming dalawa ng ginasa na niya ang kanina pa siguro niya gustong gawin. Napahiyaw ako ng umangat ang paa ko sa ere dahil sa pagkakabuhat niya.

"Ano ka ba, dapat you told me...ginulat mo ako" suway ko sa kanya pero siya ay tuwang tuwa pa talaga na nainis nanaman niya ako. So mean!

"Surprise eh" laban niya kaya naman inirapan ko siya. He bite his lower lip while looking intently on me. I feel how my whole body turned a bit numbed because of the uncertain feeling.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng makita ko sa repleksyon ng elevator door ang ayos naming dalawa. Too close, too intimate.

"You like surprises?" he asked.

Marahan akong tumango. I love surprises, I love gifts and efforts. Super na-aappreciate ko ang mga bagay lalo na pag may kasamang effort ng nagbigay. I'm not into material things. Mukha lang akong spoiled but hindi naman.

"A bit" sagot ko at itinaas ko pa ang kamay ko para ipakita sa kanya yung sinasabi kong kaunti.

His smile grew even wider. "Now, I know" he said with confident kaya naman kumunot ang aking noo.

"Anong you know?"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "That, you like surprises...tell me, ano pa?" tanong niya.

Gulat ako. He's interested. Sa mga gusto ko and ngayon ay nagtatanong pa siya. For what? Is Hobbes chismoso?

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay bumukas na ang elevator door sa sumunod na floor. Nagulat ako, samantalang si Hobbes ay natawa pa ng makita kung sino ang sasakay. It was Tathi and Eroz.

"Hi" tipid na ngiting bati ni Tathi sa akin.

I smiled back kahit parang hindi maayos ang smile ko dahil nanaman sa presence ni Eroz. Una niyang pinapasok si Tathi, before he enter ay nakita ko pa kung paano bumaba ang tingin niya sa kamay ni Hobbes na nasa aking bewang.

"Eroz" tawag ni Tathi sa kanya ng medyo magtagal siya sa pagpasok.

Napaawang ang labi ko. Buong akala ko ay medyo nagalit siya dahil sa nakita niya. I think, he's been protective of me when I was young. Ngayon kaya?

Nalaman ko ang sagot ng biglang nagiba ang ekspresyon ng kanyang mukha ng bumaling siya kay Tathi. Biglang nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo. Nagawa pa niyang nag smile kay Tathi na para bang nawala ang lahat ng bigat at problema niya ng makita niya ito. Maybe, he does not care for me...even a little.

"Kamusta na ang paa mo, Gertrude?" si Tathi.

Tipid ko siyang nginitian. Ofcourse, sinabi ni Eroz sa kanya iyon. Mukha namang wala silang secret sa isa't isa. Alam nila ang lahat.

"A bit, okay na..." mahinang sagot ko. Baka mag worry pa siya...sila. nakakahiya naman. They don't need to worry about me, I can handle this. I can handle the pain.

Nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano ay walang imik si Eroz. Ni hindi niya pinuna ang pagkakahawak ni Hobbes sa aking bewang. Narinig ko pa kung paano sila magusap ni Tathi kung saan sila kakain for dinner. Tama nga ang sinabi ni Cairo, they always eat dinner together.

"Ayos ka lang? Ang tahimik mo..." puna ni Hobbes sa akin habang nasa byahe kami.

"I'm ayos lang" sagot ko kaagad sa kanya para hindi na siya magisip pa ng kung ano. Kunwaring idinahilan ko na lang din ang pagsakit ng aking ankle kaya ako tahimik.

Dahil nagcook naman na si Yaya Esme ng dinner ay ininvite ko na din si Hobbes na duon kumain. Kami lang naman ni Yaya ang nasa house kasama ng iba naming helper.

"Tama nga. Mukhang maginoong...bastos!" si Yaya Esme ng makita niya si Hobbes.

Pinanlakihan ko siya ng mata para suwayin pero hindi naman siya makatingin sa akin dahil masyado ata siyang nastar struck kay Hobbes. Hindi na niya maalis ang tingin niya dito.

"Good evening po" si Hobbes kay Yaya.

Ang kaninang gulat na tingin ni Yaya ay kaagad na nagchange into a sweet smile. Nagawa pa niyang mag lahad ng kamay para makipagshake hands kay Hobbes for a formal pakikipagkilala.

"Hali kayo. Nagluto ako ng dinner, ang sabi ni sir Cairo ay may kasamang kaibigan si Senyorita Gertie...kaibigan nga lang ba talaga?" nagawa pa niyang mangasar kaya naman napatawa si Hobbes.

Inaalalayan pa din niya ako papunta sa dinning.

"Yaya" suway ko sa kanya. Nakakahiya kay Hobbes baka kung anong isipin niya. He might think na pinagchichismisan namin siya ni Yaya kahit slight lang naman.

Napangisi si Yaya ng makuha niya ang aking gustong iparating. Makakahinga na sana ako ng maayos dahil tumigil na si Yaya sa pagsasalita, ang kaso ay bigla namang nagsalita si Hobbes reason para magingay nanaman si Yaya.

"Kaibigan pa lang po..." nakangiting sabi ni Hobbes.

Nang makalapit sa dinning table ay marahan siyang naghila ng upuan at maingat akong pinaupo duon. Una pa lang ay iyon na ang napansin ko kay Hobbes. Maalaga siya.

"Thank you..." mahinang sabi ko ng makaayos na ako ng upo.

Nginitian niya ako at tipid na tinanguan bago siya umupo sa katabi kong upuan.

"Diyan naman naguumpisa iyan, sa pagkakaibigan. Eh bukambibig ka nga nitong alaga ko eh...natanggap mo ba ang cookies?" si Yaya pa din. She is so maingay, sabi ng ibang helper ay parang armalite ang kanyang bibig pag nagkwekwento minsan. I prove it now.

"Yaya, please..." pagod na pakiusap ko sa kanya.

Parang hindi lang ang paa ko ang masakit ngayon. I feel like my whole body is swollen. Para akong binugbog, buong katawan. I don't know, baka dahil sobrang bigat nanaman ng dibdib ko, everything is affected.

Natahimik si Yaya ng mapansin niyang hindi ko na magawang makipagsabayan sa kanila. Bumagsak ang aking tingin sa plato sa aking harapan. I don't know what to feel...I feel so numb but at the same time hurt.

Nagsitayuan ang balahibo sa aking braso ng maramdaman ko ang mainit na palad ni Hobbes sa aking likuran.

"What's the problem? Kanina ka pa matamlay, you want coffee...or something sweet?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Sobrang bigat ng feeling na nung una masaya ka, tapos biglang babawiin in a span of a time. Hindi ba pwedeng maging masaya ng whole day lang? Just one day?

"I'm fine. I'm just...gutom" palusot ko na lang.

I'm so sorry for lying. Always. Pero naisip ko, kung sasabihin ko sa iba ang totoong nararamdaman ko, madadamay lang sila at mastress din. Ganuon ako kay Yaya Esme, she's old na. I don't want to stress her out. Kasi nung nasa US kami nuon, pag may ginagawa akong hindi niya gusto ang palagi niyang sinasabi sa akin ay mamamatay siya sa sama ng loob. I don't want her to die. I don't want her to die because of the sama ng loob. I love Yaya Esme, so much.

"Eat up. Pagkatapos ay magpahinga ka na. Maaga pa ang byahe niyo bukas papunta ng Bulacan" si Hobbes.

Bahagya akong napatitig sa kanya. Na way he talks, ramdam na ramdam ko ang pagcare niya sa akin. Even the sincerity, anduon din. I'm so touched.

Dahil sa presencya ni Hobbes at ang pagtatawanan nila ni Yaya Esme tungkol sa ibang bagay at hindi sa aming dalawa ay naglight up ang mood ko kahit papaano.

"Wag mo na akong tawaging Yaya Esme. Babe na lang din, balita ko..." naputol pa ang pangaasar ni Yaya dito ng maalala niyang ayokong banggitin niya kay Hobbes na pinaguusapan namin siya.

Baka i-think ni Hobbes na creepy kami and we always make chismis about him.

Humaba ang nguso ko ng tingnan ko si Yaya. Hay naku, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat pala hindi ko dinala si Hobbes sa bahay namin. Si Yaya kasi eh, ingay ingay. So ingay.

Nanlaki ang kanyang mata. Pagkatapos ay nagact siya na siniZipper ang kanyang bibig. Nakita iyon ni Hobbes kaya naman mas lalo siyang natawa.

"Ayaw na po ni Gertie na tawagin kong Babe ang mga babae..." sabi niya. Halos maluwa ko ang aking kinakain dahil sa narinig.

Who said? Me?

Napahiyaw si Yaya Esme na para bang kinikilig siya. Napayakap pa siya sa kanyang sarili.

"Hey, I don't say anything like that. You can call everybody your Babe. I don't have pake noh..." giit ko sa kanya tuloy tuloy iyon na may kasama pang pangigigil.

Pinalobo niya ang kanyang magkabilang cheeks habang nakatingin sa akin at nagpipigil ng ngiti.

"Call everyone, Babe. Basta not me, I don't want to be one of your Babe. Sabi ko na yun ah?" giit ko pa din. Ayaw ko talaga na nilalagyan ng words ang bibig ko na hindi ko naman talaga sinabi.

Napakagat nanaman siya sa kanyang pangibabang labi para pigilan ang pagngiti.

"Shh...I'm sorry. Hindi na po mauulit, Miss" nakangiti siya habang sinasabi iyon na para bang hinehele siya. What is happening to him, really? He's becoming more weirder.

Natahimik na lang ako. Hanggang sa matapos ang dinner namin. Hanggang sa may sala lang ako dahil sa paa ko. Hindi na din naman nagpahatid pa si Hobbes hanggang sa labas kahit gusto ko sanang gawin to show respect dahil visitor siya.

"The day before the wedding pa ang dating namin sa Bulacan. May family event pa kami sa side nina Mommy...so that" paliwanag niya.

Napakurap kurap ako, tsaka ko lang din narealize na super attentive ko sa kanyang explanation. Napakamot siya sa kanyang batok.

"I just want you to know, baka hanapin mo ako? Or mamiss mo ako?" pangaasar pa niya sa akin.

Inirapan ko siya, si Yaya naman ay nay side comment pa kahit nasa malayong gawi. May pa sound effect pa minsan na kinikilig siya.

"Uhm. See you there, then..." naiilang na sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang bahagya niyang paghilig sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin niya, hindi na akong nakapagalert ng maramdaman ko ang pagkiss niya sa pisngi ko.

"Thank you for the dinner, I really enjoy it" marahang sabi niya sa akin.

Nanatili akong lutang matapos ang nangyari kaya naman panay ang asar ni Yaya Esme sa akin.

"Yaya, that's not first kiss. First kiss should be in the lips. Sa cheeks lang iyon, beso nga lang" giit ko sa kanya ng marinig ko ang paulit ulit niyang tukso sa akin na I had my first kiss na daw.

"Hay naku, ganuon na din iyon. Naku, botong boto talaga ako diyan kay Babe..." laban niya sa akin habang abala kaming dalawa sa pagaayos ng mga gamit na dadalhin ko sa Bulacan bukas.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Ok lang naman sa akin kung crush ni Yaya si Hobbes. Boto din ako sa kanila, support ko sila.

Inaantok pa ako ng sunduin ako ni Cairo kinaumagahan dahil sa pagaayos namin ni Yaya ng mga gamit ko kagabi. I was wearing a over sized jacket, sa ilalim nuon ay maong shorts and black spaghetti sando.

Pagkatapos kong humikab ay nakita ko pa kung paano pasadahan ng tingin ni Cairo ang aking kabuuan. Matapos iyon ay inirapan niya ako bago pagbuksan ng pintuan.

"Early in the morning, and your making irap? Good morning, Cairo!" nagawa ko pa siyang ngitian kaya naman nagpoker face na lamang siya.

Sakay kami ng kanyang kulay itim na range rover. Marami pa siyang dinaanan na kung ano ano. Akala ko pa naman ay diretso na kami sa bulacan. Natulog ako buong byahe kahit pa ramdam ko ang ilang beses naming pag stop over.

"Gertrude, kumain ka na muna" pag gising niya sa akin.

Isang mata muna ang nagawa kong idilat dahil sa antok. Ang sarap na ng tulog ko at gustong gusto ko ang pwesto ko sa sasakyan niya.

Umayos na lamang ako ng upo at tinanggap ang sandwich na inabot niya sa akin at chocolate drink. Habang kumakain ay hindi ko naiwasang bumaling kay Cairo. He is lovable, kung hindi lang siguro talaga strong ang feelings ko for Eroz, I won't hesitate to accept the proposal.

"You think, kayo pa din ni Tathi till the end?" tanong ko sa kanya. I also want to know his stand, para alam ko yung magiging mga damages if ever pumili na ako. As much as I want, ayokong masaktan ang iba.

Umigting ang kanyang panga. "Hindi ako papayag na hindi kami sa dulo" matigas na sabi niya sa akin kaya naman napatango ako.

Napanguso na lamang ako at napatingin sa may bintana. After the wedding ay kukuhanin na ni Abuela ang sagot ko. If I where to choose...I think alam ko na ang isasagot sa kanya.

"Oh, I miss sta. maria!"  nakangising sabi ko habang nakataas pa ang dalawang kamay paramag stretching ng pumasok kami ng Bocaue.

Mabilis kong hinubad ang suot kong over sized jacket dahilan para maiwan ang itim na spaghetti strap sando kong naka tuck in sa aking maong shorts.

"Put some cover ups" suway ni Cairo sa akin na kaagad kong inilingan.

"I need to make papicture pag dating duon, iinggitin ko si Yaya Esme" nakangiting sabi ko sa kanya tungkol sa aking plano.

Wala ng nagawa pa si Cairo. Pagdating sa rest house ng mga Herrer ay kaagad kong nakita sina Eroz at Tathi. Kararating lang din nila. Ofcourse, magkasama silang bumyahe. Mapait akong napangiti ng makita ko ang gray hummer ni Eroz. Ano kayang pakiramdam na makasakay duon?

Matapos kong lapitan si Tathi ay kaagad ko siyang niyaya sa loob ng bahay. Hindi ito ang time to feel sorry for myself. Andito kami para magsaya dahil ikakasal ang Kuya Rafael ko at si Ate Xalaine.

Sinalubong kaagad ako ng yakap at halik ni Kuya Rafael. Imbes na magpahinga ay tumulong pa kami sa pagpreprepare ng garden para sa gaganaping dinner mamaya.

"Ayoko, hindi pa ako pagod. Ikaw na lang..." sagot ko kay Cairo ng yayain niya akong magpahinga dahil mukhang siya ay pagod sa byahe.

"Anong vitamins mo nung bata? Masyado kang masigla..." puna niya sa akin.

Hindi naman ako magsigla nung bata. Ngayon nga lang ako naging ganito. "Matanda ka na kasi, masigla ako dahil bata pa ako" pangangatwiran ko. Umigting ang kanyang panga kaya naman mas lalo akong natawa, ganuon din si Tathi kaya naman mas lalong sumingit si Cairo.

Habang tumutulong ay hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi nina Eroz at Tathi. They're laughing because of some things. Malungkot akong napatingin kay Cairo na nakatingin lang din sa dalawa.

Napabuntong hininga ako. Don't worry Cairo, you'll be happy pag sinabi ko na kay Abuela ang desisyon ko.

If they will offer, Arrange marriage with one of the Herrer's...I'll choose, Eroz.















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
3.5M 158K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something