Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 11

76.5K 3K 1K
By Maria_CarCat

Coat




Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang pagiisip kay Hobbes. Siguro ay natutuwa lang ako dahil pinapansin niya ako, dahil naaappreciate niya ako.

Tipid akong ngumiti sa kawalan. May kamay naman ako, bakit ko kailangang hintayin na subuan din ako ni Eroz? Iyon ang ayaw niya sa akin nuon. Ang pagiging dependent ko sa ibang tao. He's thinking siguro na ang tingin ko sa lahat ay utusan ko kahit hindi naman.

"Lumipat ka dito sa tabi ko, so I can feed you" seryosong sabi ni Cairo sa akin. Nakadepina ang kanyang panga, halatang galit siya.

Marahan akong umiling. I won't let him babysit me. Lalo na at nasa harapan ko si Eroz. I want him to see na hindi na ako kagaya ng dati. I want to prove to him na he's wrong about what he thinks of me. I'm not spoiled and I am nice na.

"Ayoko. Tataba ako sayo eh...pinapataba mo ako" natatawang sabi ko.

Dinaan ko na lang sa biro. Tumawa na lang ako para itago ang bigat na nararamdaman ko. Pero after that, I feel guilty. Lalo na ng makita ko kung paano nagiwas ng tingin si Tathi. Na-hurt ko ba siya? I'm sorry.

Tumahimik na lang ako habang kumakain kami. Kahit papaano ay naenjoy ko naman ang pagiging feeling cook ko because of that.

"Eat more..." sabi ko kay Tathi ng lagyan ko ng meat ang pinggan niya.

Nagulat siya dahil sa aking ginawa, pero sa huli ay nagsmile pa din siya sa akin then she say thank you. Mas lalo akong natuwa, hindi ko alam pero ang sarap sa feeling nung sinabi niyang Thank you kaya naman si Cairo naman ang nilagyan ko ng meat after. Tumikhim lang siya, super sungit. Inggit ba siya dahil nilagyan ko si Tathi ng meat?

"Marunong na ba ako mag cook ng meat?" mahinang tanong ko kay Tathi.

I feel a bit sad. Medyo ramdam kong ilang siya sa akin. I just want to be friends sa kanya. But I understand, akala siguro talaga niya there's something between me and Cairo. Eh wala naman.

She smiled genuinely before she nod. My smiled go even wider. Pero nang hindi sinasadyang napatingin ako kay Eroz, nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Para bang pinapanuod niya ang lahat ng galaw ko.

Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. "Uhm...gusto mo din?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

Nanatili ang walang kaemoemosyon niyang tingin sa akin habang tamad na ngumunguya. Nanginig pa ang kamay ko ng hawakan ko ang tong at naglipat ng meat papunta sa kanyang plate. Matapos ilagay iyon ay kaagad ko ding binitawan at nagiwas ng tingin.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng  makita kong kinain din naman niya ang nilagay ko. Pero huli na ng mapansin kong medyo hilaw pa iyon.

Nagulat silang tatlo dahil sa biglaan kong pagtayo. Mabilis kong inilapit ang kamay ko sa tapat ng bibig ni Eroz. Nagulat din siya kaya naman hindi siya kaagad nakapagreact.

"Iluwa mo, it's not yet cooked" sabi ko sa kanya. Ang aking palad ay nasa tapat ng kanyang bibig. It's a bit nakakadiri kung iluluwa nga niya talaga but...it's my fault naman.

"Hayaan mo na" masungit na sabi niya ng makabawi siya. Marahan niyang inilayo ang kamay ko sa kanya.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Medyo hindi ko na control ang emosyon ko duon, masyado akong nagpadalos dalos. Late ko na ng marealize na hindi nga pala kami close para gawin ko iyon sa kanya.

My whole body become numb. Hiyang hiya ako ng bumalik sa pagkakaupo.

"Hayaan mo, hindi naman niya ikamamatay iyan" masungit na sabi ni Cairo.

Tipid akong tumingin kay Eroz. Umigting ang kanyang panga. Inisang tungga ang juice sa kanyang harapan at mabilis na nagiwas ng tingin. I'm such a...tanga ko letting that to happen.

Wala na akong imik pagkatapos nuon. Kahit din sa aming paglabas. Nasa unahan kami nina Tathi at Eroz. Ang kamay ni Cairo ay nakapulupot sa aking bewang. May laman ang kanyang mga tingin sa akin, alam ata niyang kinurot ko nanaman ang sarili ko ng itago ko ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Hihiwalay na kami. Dadaan pa kami ng coffee shop" si Cairo.

Nanatili ang tingin ni Tathi sa sahig. Nakita ko ang gulat niya ng pinadausdos ni Eroz ang kanyang kamay dito. Kaagad niyang pinagsiklop ang kanilang mga daliri. Nagtagal ang tingin ko duon. What does it feels like na hawakan ng ganuon ni Eroz?

"Mauuna na kami...Gertrude" pagkuha ni Tathi ng aking atensyon. Nakaramdam ako ng hiya. Nahuli niya atang tumagal ang tingin ko sa mga kamay nila.

"Ayaw niyong mag coffee?" tanong ko. Pwede naman silang ilbre ni Cairo. For sure ililibre niya si Tathi kung papayag itong sumama. Ako nga, palagi niyang nililibre eh.

Marahan itong ngumiti. Mas lalo kong naappreciate ang ganda niya. Kaya siguro gustong gusto siya ni Cairo at Eroz, kasi bukod sa mabait na. Sobrang ganda pa ni Tathi. Simple yung beauty niya, hindi nakakasawang tingnan.

"Hindi na, may meeting pa kasi si Eroz. Kailangan na naming bumalik" sabi niya sa amin.

Nakaramdam ako ng inggit. Buti pa siya, alam niya ang schedules ni Eroz. Sinasabi kaya ni Eroz iyon? Bakit?

Malungkot ako ng humiwalay kami sa dalawa. While si Cairo naman ay galit. He's not in the mood kaya naman ako na ang kusang nagsabi na wag na lang kaming tumuloy sa coffee shop.

"Anong nangyayari dito?" galit na tanong ni Cairo ng maabutan naming hinalikan ni Eroz si Tathi sa noo nito.

Mas lalong nasira ang mood ni Cairo. Feeling ko tuloy kasalanan ko. Kung tumuloy kami sa coffee shop ay hindi sana namin makikita iyon.

Tahimik lang ako habang pinagaaralan ang mga documents na pinapabasa niya sa akin ng bumalik kami sa kanyang office. Ang galit niya ay hindi madadaan sa chocolate candy or even sa ginawa kong cookies. Hindi lang naman kasi galit iyon, he's hurting too. Me too, nasasaktan din ako.

I like Eroz so much. Pero kung si Tathi talaga ang gusto niya, I'm going to be happy for him. Kung saan siya masaya. Ang kaso ay masasaktan naman si Cairo. So hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko. Kahit wag na ang feelings ko, sila na lang dahil important sila sa akin. Their happiness...before mine.

After ilang minute ay tumawag si Kenzo kay Cairo. Mas lalo siyang nagalit habang nakikinig dito. I don't know why, pero grabe ang pagkakakunot ng kanyang noo. He's always angry, tsk tsk. Kawawa naman si Cairo.

"Elevator? Si Tathi...sinong lalaki?" galit na tanong niya dito.

Napaawang ang aking bibig. Nanatili akong tahimik. Hanggang sa huli ay nagpaalam si Cairo sa akin na may hahanapin lang daw siyang empleyadong may name na Erick. Hindi na ako nag ask kung bakit, namamadali din kasi siya.

Ilang minuto pa lang ng umalis si Cairo ay nagulat ako ng bumukas ang pintuan. Mabilis naman akong napatayo ng makita kong si Abuela Pia iyon.

"Gertrude Hija..."

Sinalubong ko siya. I hug her and kiss her cheek. Mukhang masungit si Abuela, pero mabait naman siya sa akin. Nung unang meeting namin, ni hindi ko siya matingnan. Pero ng tumagal, we get along.

Pumasok ang secretary ni Cairo para maghatid ng tea para sa kanya. Matapos iyon ay hinawakan niya ang aking kamay.

"You do well with Cairo..." she said.

Tipid akong tumango. I don't know pero bigla akong kinabahan sa tono ng kanyang salita. I think, I know where is this topic going.

"Nakausap ko na ang Papa mo tungkol dito. Pumayag siya na ipagkasundo kayong dalawa..." diretsahang sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.

Hindi kaagad ako nakapagreact. Mas lalong napangiti si Abuela.

"You'll do good together. Gusto kita para kay Cairo. Siya ang magmamana ng lahat ng ito, he needs a woman like you, Gertrude" pagpapatuloy niya.

Hindi pa din ako nakasagot maya naman marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.

"You don't need to answer it now. But, umaasa ako na you'll be a...Mrs. Herrer soon"

Sobrang init ng pisngi ko after naming magusap ni Abuela. Para pa din akong nakalutang sa ere habang inaalala ang mga katagang Mrs. Herrer. Pangarap ko iyon. Honestly speaking, palagi kong idinudugtong iyon sa aking pangalan nuon. Ilang beses na nga akong nahuli ni Yaya Esme.

Gertrude Kate Montero-Herrer

"Oh, ayan na. Ultimate dream mo iyan diba?" si Yaya ng ikwento ko iyon sa kanya kinagabihan paguwi ko.

Wala naman akong magawa. She's the only one I got. She is like my walking diary. Alam ni Yaya ang lahat ng secrets ko. Kahot minsan ayaw kong magshare sa kanya, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.

"But, Yaya. May ibang gusto si Cairo. And he'll be sad for that. Si Tathi ang gusto niya...at iba din naman ang gusto ko" medyo nahiya pa ako sa last part.

Mas lalo akong napanguso ng pinandilatan ako ng mata ni Yaya Esme na para bang pagod na siya sa akin sa parteng iyon. Na para bang sawa na siyang mag preach sa akin about kay Eroz and my undying feelings for him.

"Sabi ko sayo. Duon ka na lang kay Hobbes. Gusto ka nuon...duon ka na lang" giit niya sa akin.

Mas lalong humaba ang aking nguso. "I like Hobbes...as a friend"

Umirap si Yaya Esme. Halos mawala ang itim sa kanyang mga mata dahil sa ginawa.

"Diyan din naman yan nagsisimula. Senyorita Gertie, trust me...just give it a try" pamimilit niya sa akin. Hindi na lang ako nagrespond, hindi ko din naman alam ang gagawin ko.

Itinuon ko ang buong attention ko sa family picture namin. It was taken when I was 7 bago kami iniwan ni Mama. Miss na miss ko na siya. Sana ay nandito pa siya para sa amin ni Papa.

"Pero, kung gusto mo talaga si Mr. Sungit everyday. At gusto mong sumaya si Sir Cairo...tumanggi ka" Sabi ni Yaya after ng ilang minuto naming pananahimik.

Napaawang ang aking labi. Nakuha ko ang gusto niyang sabihin, pero hindi ata kayang iproseso ng aking utak. It feels like, that plan is bad.

"Why should I make tanggi?" tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga si Yaya. Pagod siyang umupo sa aking kama.

"Kay Cairo na si Tathi...sayo na si Eroz. And happy ever after na"

Napatitig ako kay Yaya Esme. She has a point, but still...may magbebenifit sa plan at may matatalo. At kung tatanggi ako that means, si Eroz ang masasaktan. What should I do?

"O gusto mo si Hobbes?" pangaasar niya.

"Yaya..."

Napanguso siya. "Edi sa akin na lang si Hobbes..." kinikilig na sabi pa niya.

Hindi ko na nagawa pang asarin si Yaya Esme. Nagulat ako, sa isang iglap ay parang nasa akin na ang desisyon. I don't want to be here in this kind of situation na may kailangang masaktan para sumaya ang isa. Masakit iyon, I know how it feels.

One day bago kami umuwi ng bulacan para sa preparation ng kasal nina Ate Xalaine at Kuya Rafael ay mas naging busy si Cairo. May mga meeting siya na kasama ako, pero pag sobrang tagal ay hinahayaan na lang niya ako a office niya. Alam kasi niyang medyo mainipin ako.

Nang mapagod ako kakaupo ay tumayo naman ako at naglakad lakad sa buong office ni Cairo. Tuwang tuwa nanaman ako sa tuwing naririnig ang tunog ng aking takong. Pag ganito talaga ang suot ko, hindi talaga ako mapapagod maglakad. Nakakatuwa.

Saglit akong napatigil sa paglalakad ng bumukas ang pinto. Buong akala ko ay si Cairo na iyon. Mabilis na nanlaki ang aking mga mata ng maprocess ng utak ko kung sino iyon. Si Eroz.

Dahil sa gulat, kaba at pagkataranta ay naout of balance ako.

"Ouch..." daing ko ng matapilok ako. Ano ba naman yan Gertie, you're so lampa. Sa harapan pa talaga ni Eroz.

I tried to stand kaagad. Nakakahiya kasi, but hindi ko kaya. Napapangiwi ako sa tuwing sinusubukan kong tumayo. Napaangat ako ng tingin ng mapansin ko ang paglapit niya sa akin. Malalaking hakbang ang kanyang ginawa, matalim ang tingin niya na para bang kasalanan ko pa iyon. Yes, it's my fault but hindi ko naman iyon ginusto.

"Ano bang pinaggagagawa mo?" masungit na tanong niya sa akin.

Bahagya akong napahiyaw ng magulat ako. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. Kaagad akong napakapit sa kanyang leeg. I almost forgot to breathe because of his tight grip in my waist and thigh.

Naiilang akong tumingin sa kanya. Sa tangkad niya ay hanggang bandang leeg niya lang ang inabot ko kahit karga niya ako. Diretso ang tingin ni Eroz sa kung saan. Nakadepina ang kanyang panga on a straight grim.

Marahan niya akong ibinaba sa may sofa. Napanguso ako ng medyo tumagal pa ang kapit ko sa kanyang leeg. Umigting lang ang kanyang panga kaya naman bumitaw na ako bago pa siya may masabi.

"Uhm...thank you" mahinang sabi ko.

Nanatili ang pagiging masungit ng kanyang mukha. Napairap siya, pagkatapos ay tumayo at hinubad sa aking harapan ang kayang coat. Napaawang ang labi ko ng ilapag niya iyon sa aking binti to cover my legs. Bahagya kasing umakyat ang suot kong dress dahil sa pagkakaupo.

"Bakit ka nagsusuot ng ganito kung hindi mo naman pala kaya" masungit na sabi niya sa akin ng muli siyang lumuhod sa aking harapan.

Sobrang init ng aking magkabilang pisngi ng maramdaman ko ang init ng palad ni Eroz sa aking ankle. He carefully massage my swollen ankle.

"Kaya ko. It's just that...I'm shocked, nung pumasok ka" paliwanag ko medyo nahihiya pa.

Hindi niya ako tiningnan. Nanatili ang kanyang mga mata sa aking paa. Tsaka lang siya bahagyang napaangat ng tingin sa akin ng may lumabas na mahinang daing sa aking bibig dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking pagiging clumsy.

Muling umigting ang kanyang panga. Bahagyang kumunot ang noo at tsaka nagiwas ng tingin sa akin. Napakagat na lamang ako sa aking lower lip, para hindi na iyon maulit pa.

Hinubad ni Eroz ang suot kong high heels. Hindi ko maiwas mapagmasdan siya. After all this years, ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito. Ngayon lang ulit kami nagkalapit ng ganito. And because of that, yung feelings ko for him. Naconfirm kong nanduon pa din, I still like Eroz. Hindi naman nawala iyon.

"Miss mo na si Princess?" tanong ko. Bigla na lang iyong lumabas sa aking bibig. I lose control, sabik talaga akong makausap siya.

Tipid siyang tumango sa akin bilang sagot. My heart skipped a bit. Super happy ko, kahit sa simpleng ganuon ay sobrang saya ko na.

"I also miss, You and Princess" pag amin ko.

Iyon naman ang truth. Nung nasa US kami, kahit medyo galit ako sa kanya dahil sa pagkamatay ni Princess, miss ko pa din silang dalawa.

Napabuntong hininga siya at nagangat ng tingin sa akin. Napanguso ako, palihim kong pinagsiklop ang aking mga kamay para madali kong maabot ang likod ng aking palad kung kinakailangan.

"Did you also miss me? Just like Princess?" matapang na tanong ko sa kanya.

Wala naman akong nakikitang mali sa tanong ko. Kasi in the first place, wala naman akong problem with him. Siya itong may problem sa akin. Siya itong galit at may ayaw sa akin kahit wala naman akong ginagawa.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Kahit matagal ng wala si Princess, kahit masyado pa akong bata nuon. Totoong mahal ko ang tuta namin. It's our first puppy.

"Wala na si Princess" seryosong sabi niya sa akin.

Bahagya akong napanguso. Kaya nga mas miss ko si Princess eh. Dapat ba pag wala lang tsaka mo pwedeng imiss?

"Still, miss ko kayo both. Kahit ikaw buhay ka pa..." kinakabahang sabi ko.

Nakita ko kung paano nag twist ang lips niya na para bang he was about to smile pero napigilan niya lang.

"Always..."

Kumunot ang noo ko ng hindi ko nakuha ng maayos ang kanyang sagot. Magtatanong sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Cairo.

"Ano nanamang nangyayari dito?" galit na tanong niya. Parang narinig ko iyon sa kanya nung mahuli din niyang hinalikan ni Eroz si Tathi sa pisngi.

Pagod na tumayo si Eroz at hinarap ang pinsan. Sayang, I still want to talk to him pa sana.

"I need you to sign something" si Eroz.

Pareho silang naging seryoso. Kahit may problem silang dalawa na personal ay naisasantabi pa din nila iyon pag dating sa business.

Habang nakatayo si Eroz sa tapat ng table ni Cairo ay tahimik ko silang pinanuod. Bahagyang kumunot ang noo ni Cairo ng bumaba ang tingin niya sa suot ni Eroz, pagkatapos nuon ay lumipat ang tingin niya sa akin at bumaba naman iyon sa coat na nakatakip sa aking binti. Matapos iyon ay inirapan niya ako.

Pinagalitan niya ako pagkalabas ni Eroz. Kahit pa pinapagalitan ako ni Cairo ay halos yakapin ko naman ang coat na iniwan ni Eroz sa akin. Hindi na niya iyon binawi sa akin, can I own it? Remembrance?

"Nakikinig ka ba sa akin, Gertrude?" galit na tanong niya.

Napansin niya atang masyado akong focus sa hawak kong coat ni Eroz. Amoy na amoy ko siya dahil duon, para lang siyang katabi ko.

Dahil sa inis ni Cairo sa pagiging preoccupied ko sa nangyari ay dinoble niya ang babasahin ko. Pero mas lalo naman siyang nainis dahil kahit pa ganuon ay ngiting ngiti pa ako. I never imagine that to happen. Kailangan pa ba talagang masaktan ako?

"Ano nanaman!?" frustrated na singhal ni Cairo.

Nagangat ako ng tingin. Duon ko lang nakita ang pagdating ni Hobbes. May dala siyang iced coffee and a small box, sliced cake ata.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito" nakangising sabi niya kay Cairo.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Ngiting ngiti siya kaya naman nag smile ako pabalik. He bought me a iced coffee and a chocolate sliced cake.

"Tamang tama, may reason ako para ihatid ka sa inyo. Hindi ka makakalakad diba?" pilyong sabi niya.

"I can walk" giit ko sa kanya.

He pouted cutely. Pero unti unti iyong nawala ng magsalita si Cairo to pissed him off.

"Makakalakad na yan si Gertrude, hinilot na ni Eroz ang paa niyan" tamad na kwento niya dito habang sa mga documents nakatingin.

Nang lingonin ko si Hobbes ay nakita kong bumaba ang tingin niya sa coat ni Eroz na nasa aking hita.

"Kahit na. Hahatid ko pa din..." si Hobbes.

"Lumabas ka na nga lang. Maaga kaming uuwi ng Bulacan bukas" galit na sabi ni Cairo sa kanya.

Nanatili ang tingin ni Hobbes sa akin. Nakangiti pa din siya na para bang ang pag tingin niya sa akin ay nakakasaya.

Nagulat ako ng maglahad siya ng kamay sa akin. "Bayad mo sa coffee at cake?"

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. May pang bayad naman ako nakakagulat nga lang dahil hindi naman ako nagorder sa kanya.

Mas lalo siyang napangisi ng makita ang pagiging gulat ko at walang imik. Hmp, nagtagumpay namaman siya to make me look wala sa sarili.

"Ihahatid kita mamaya, Miss. Yun ang bayad"















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 74.2K 42
AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mula sa perpektong grado hanggang sa perpek...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
2.3K 97 38
Teenagers. Young. Juvenile. Free. Madalas kapag sa murang edad nagsisimula lahat ang buhay natin. At a young age, we tend to explore. We make some co...