PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked

Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

157 6 7
By muddy_maddie

Nagmamadaling lumabas si Claire. 
Nagkatinginan kami ni Jaki pero agad siyang umiwas. Narinig kong kumalasing yung wind chime kaya’t agad kong hinabol si Claire. Gusto ko lang na maging maayos yung pagpapaalam.

“Claire!” Tawag ko sa kanya noong nag-aabang siya ng masasakyan niya.

“Oh, bakit? Sige na pumasok ka na baka hinihintay ka na nung girlfriend mo.” Sagot niya habang nagpupunas pa ng luha.

“Sorry about that. I just want to say goodbye in proper way.”

“Hindi naman kailangan.”

“Bakit ka ba umiiyak? Baka isipin nila pinaiiyak kita.” medyo pabiro kong sabi

“Haha sorry.” Aniya mas lalo pa siyang naiyak dahil sa sinabi ko.

“Claire—“ pinutol niya yung sasabihin ko at hinarap nya ko.

“I always tried to reach for you pero nahihiya ako. Di ko alam kung paano ko pahahabain yung conversation katulad ng dati. Natatakot ako sa sasabihin mo, more on natatakot ako sa kung paano yung magiging dating sa akin ng sasabihin mo, o opinion mo.”

“Napagusapan na natin kanina ‘to di ba?”

“Pero di tayo natapos di ba?” hinintay ko na lang yung mga sasabihin niya. Hinintay ko na kumalma siya ng kaunti.

“You are still one of the greatest person I’ve ever had and ang tanga ko ang na hindi ko nagawang hawakan yung meron tayo nang matagal. Isa yun sa mga problema naming ng boyfriend ko. JM, I still love you.”

“Claire, sa boyfriend mo na lang ibuhos yung natitira mong pagmamahal para sa akin. Sinasayang mo lang pagmamahal mo para sa akin. Di na tama. Hindi mo ba naisip? Kung hindi ka iniwan ng boyfriend mo kahit marami kayong problema, sobrang mahal ka non. Please. Huwag na ko. Maaayos nyo yung relationship nyo ng boyfriend mo. Mas mahal mo naman sya di ba?”

Tumango naman sya. Sakto naman na nakapara sya ng taxi agad.

“Ingat ka.” Paalala ko sa kanya.

“Salamat. Ingat ka rin palagi.” At sinarado nya yung pintuan.

Napamasahe na lang ako ng sentido. Hindi ko alam paano tatapusin yung araw na ‘to. Masyado na maraming nangyari.

Inayos ko muna ang sarili ko maging presentable dahil may naghihintay pa akong mga kaibigan sa loob.

Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ng ngiti ni Bullet. Paano ko naman iyon hindi mararamdaman ay matagal tagal din kami hindi nagkita.
Lumapit naman ako sa pwesto nila. Katabi niya ang mommy niya, wala naman akong ibang mauupuan kundi sa tabi ni Jaki.

“Mars, ex mo ‘yon? Parang patay na patay pa sa’yo ah?”

“Mars? Kelan pa ko naging planeta, Madc?”

“Ito! Ang corny pa rin kahit kelan. Baduy mo!”

“Kumusta ka naman, Bullet? How’s your school?”

“Makatanong ka ryan, kala mo tatay na galing abroad."

Di ko na kaya ituloy yata yung usapan na ganto. Na parang walang nangyari sa labas. Mabuti na lang ay dumating na yung pagkain.

“Wow! Namiss ko ‘to tito! Di ba po favorite nyo ‘to ni Tita Jaki, nagsusubuan pa nga po kayo e. Paano nga po iyon?” This kid really change the atmosphere in here. 

Ngumiti naman si Madc na alanganin na di mo maintindihan yung pagmumukha. Nag peace sign na lang ito at sinubuan sya ng pagkain.

“Ganito yun anak, gagawin ko sa’yo” nag-aalala pa ko dahil baka mabulunan yung bata.

“Dahan-dahan naman huy!” sabi ko sabay naman ng pagtapik ni Jaki sa kamay niMadc para sawayin ito. Wala naman din kasing alam yung bata. 

“Kumusta pala Madc yung raket nyo?”

“Ah, ano matagal na kami huminto sa raket, medyo matumal na rin kasi mga fiesta kaya alam mo na, tsaka para mabantayan na rin si Bullet. Ayoko naman na lumaki ‘to tapos di ko nagagabayan.”

“E yung sa opisina nyo noon? Di ba yun yung permanent nyong work?”

“Alam mo ikaw, hanggang saan pa yung memory mo? Parang paubos na e.” 

“Matagal na kaming resigned doon!” paliwanag pa niya na medyo may gigil habang kumakain. Nahalata nya yata yung pagtataka sa mukha ko kaya nya sinabi yon.

“Gaano na katagal?” tanong ko pa

“Di ba nung ano, nung nahulog ka sa hagdan..siguro mga 2 months after non. Ito, parang ewan.”

“Excuse me, mag-ccr lang ako” Bigla naman tumayo si Jaki kaya’t nagmadali na rin ako tumayo para makadaan siya.

“Di ba nung inalagaan ka ni Jaki full time..Nagresign sya non di mo alam?” Mahina nyang paliwanag sa akin noong di pa nakakalayo-layo yung kaibigan nya.

Wala syang trabaho noon? Habang inaalagaan nya ko? Bakit ngayon ko lang nalaman.. bakit parang puro sarili ko na lang naiisip ko. Pinilit kong irecall kung may nabanggit sya pero wala. Nagstay lang sya sa tabi ko noon. Hindi ko man lang naitanong. Di ko man lang naisip ‘yon. Napabuntong hininga na lang ako. Sa dami ng nangyari ni minsan hindi talaga sumagi sa isip ko yun, napakaselfish ko.

Bumabalik na naman ako sa pag-iisip kung ano bang dapat kong gawin at maramdaman. Okay naman na ko, natatanggap ko naman na pero kapag nalalaman ko yung mga ginagawa nya para sa akin dati. Bakit parang mahal ko pa pala sya.

Di rin naman nagtagal sa cr si Jaki. Di rin naman nagtagal yung pagmemerienda naming dito. 

“Tito, next time po ulit ah? Thank you po sa libre nabusog po ako”  aba oo nga no? 

“Nakalibre ka na naman ng merienda, kahit kelan ka talaga.”

hinatid ko sila sa labas, naghihintay na makasakay.. noong dumating na yung grab na binook nila, inunahan ko na ng aya si Jaki, baka kasi sumabay kila Madc may gusto pa akong malaman

“Hmm, Jaki, may pupuntahan ka pa ba? Pwede ka ba makausap?”

“Parang wala naman.”

“Sa sasakyan na lang siguro, ako na rin maghahatid sa’yo.”

Habang papunta sa main road tinanong ko kung saan ba sya uuwi o ihahatid.

"Sa bahay mismo. Di naman kami lumipat. Sa dati pa rin" matamlay na sagot niya.

Hindi ko malaman kung paano sya kakausapin. Naroon ang pagtipa ng mga daliri ko sa manibela. Paghinga nang malalim.. lalo na't nagmamaneho ako. Masyadong magulo utak ko baka maaksidente pa kami.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagtanong siya.

"Kanina ka pa hindi mapakali. Ano ba yung gusto mong pag-usapan?" Ganon nya ba ko kakilala?

Di na ko nagpaligoy-ligoy

"Jaki bakit? Bakit mo ginawa yun kanina?" Deretso ko nang tanong sa kanya.

"Gusto ko lang makatulong."

"Jaki, okay na ko. Nag-uusap lang kami. May gusto lang siyang tapusin. Hindi mo naman kailangan gawin yun."

"Big deal ba 'yon?"

"Oo! Dahil di ko alam. Di ko maintindihan. Di ko malaman kung anong nasa isip mo."

Itinabi ko muna ang sasakyan dahil baka mabangga o makabangga pa kami.

"Sorry."

"Sorry. I didn't mean to..."

"Hindi mo kailangan magsorry."

Do i still love her?

Tahimik naming tinahak ang bahay nila.

Di pa rin nagbabago.

Ganun pa rin.

Gising pa naman sila.

"Jaki, mahal mo pa ba ko?" Nabigla rin ako sa sarili kong tanong.

"Nasasaktan pa rin ba kita?" Sagot niya sa tanong ko. Na isa rin namang tanong.

"Di ko alam. Sorry. Di ko lang talaga maintindihan."

"Gusto mo malaman lahat? Gusto mo maintindihan?"

Tanging tango lang ang naisagot ko.

Bumaba siya ng sasakyan at sinundan ko siya.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa amin ang mommy nya na may hawak na bata na bahagyang isinasayaw upang mahimbing ang tulog. Tigtig na titig siya rito at hindi nag-atubiling lumingon pa.

"Kanina ka pa hinihintay ng anak mo.." anak?

Sakto namang sumulyap ito sa amin. At naggulat pa sya na nandirito ako.

"Ako na po bahala kay Kira. Matulog na po kayo. Maguusap lang po kami ni Vice."

Inilipat naman ni tita ang pagbuhat ng bata kay Jaki at nagpunta na rin sa kwarto nila.

"Anak ko kay Tom." Sabi niya bago pa ako makapagtanong.

Di ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko. Kung nasasaktan ba ko. O nagulat lang, o parehas.. pero para matapos na 'to.. kakayanin ko.

"Ilang taon na?"

"Magbibirthday na sya sa isang Linggo." Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti nya na iyon at nakikita ko sa mata nya yung pagmamahal ng isang ina sa anak. Naghehele pa ito pa minsan minsan.

Natahimik lang akong nakaupo rito.

"Alam ni tom?" Tanong ko muli.

Marahan niyang ibinaba ang bata sa crib na maaaring iduyan.

Hindi siya humarap sa akin. Pinanood nya lang na natutulog ang bata habang idinuduyan ang crib nito.

"Naaalala mo yung araw na nagpunta sya rito, yung sabi ko may naiwan syang gamit..totoo naman din. Sinabi ko rin sakanya nung araw na yun na buntis ako. Halos patayin siya ng kapatid ko nung nalaman nila." Mahina niyang paliwanag.

"Nag-usap kami nung nagpunta sya. Gusto nya magpakasal kami. Ayaw ko. Hindi ko kaya. Inayos namin magiging pagpapalaki sa anak ko. Namin. Hindi na sya nagpumilit ng kung anong gusto niya. Yung para na lang sa bata."

Susustentuhan nya si Kira. Tapos nung nalaman nyang nanliligaw ka ulit, ginugulo nya ko. Dahil di ako pumayag na maging kami ulit noon at dahil mahal kita. Totoo yun. Sorry kung di ko agad nasabi. Ayoko mawalan ng kinikilalang tatay yung anak ko kaya't malaya si tom sa mga ginagawa nya. Hindi ko rin kaya na lumaki si Kira na nakikita nyang sirang sira yung pamilya nya dahil hindi ko kayang mahalin yung tatay nya. "

Naupo siya sa tabi ko at patuloy pa rin sa pagduyan ng crib.

"Pinagsamantalahan nya ko nung mga panahong hinihintay kita maging maayos." Nagbabadyang tumulo ang mga luha niya. Agad naman nya iyong pinunasan.

"I was calling for someone's help. Pero wala. Walang dumating. I was crying. Iyon na lang yung nagawa ko. Nagpupumiglas pero walang magawa. Mas malakas ang kalaban. "

"Lahat yun tinago ko hanggang sa naging tayo ulit..kaya hindi nagwork. Di ko na kasi kaya magsinungaling sayo kaya hinayaan kitang mawala ulit. Kaya ako bumitaw ulit. Sorry kung pinaasa kita."

"Sana sinabi mo agad sa akin.. "

"Natakot ako na baka iwan mo ko. Tapos ako pala yung mangiiwan. Gaga e. "

"Hanggang sa nagkakasakit na ko. Di na healthy pagbubuntis ko. Di ako lumalabas sa kwarto, nagpacheck up dahil nag-aalala sila mama. Depressed. Therapy..
Tapos naisip ko na paano na lang yung bata.. tinulungan ako nila mommy bumangon ulit. Para sa anak ko, yun na lang inisip ko.
Sabi nila mommy, dapat daw sabihin ko sayo yung dahilan kung bakit kita iniwan. Masyado ko naging selfish noon.
Inisip ko lang sarili ko, yung anak ko. Kung paano ako makakabawi sa mga panahong di ako naging mabuting magulang sa kanya.

After noon nagresign ako. Tinutukan ko muna yung bata. Anak ko yun e.

Kalilimutan na kita sana e. Kaso eto ka na naman. Di ko kasi alam pano ka haharapin e. Magpanggap na wala akong alam? So naisip ko na, baka pagganon lalayo ka na. Pero hindi e. Nandito ka pa rin. Nung nagtalo kami ni mommy bago ko magstay sa condo mo..pinagtalunan namin kung wala ba kong balak sabihin.

Tapos eto na sinasabi ko na. Alam mo na lahat.

Ang gusto ko lang malaman non kung mahal mo pa ba ko. Baka sakaling matanggap mo pa ko sa lahat ng mga maling desisyon ko. Pero nakamove on ka na. Okay ka na.
Ginulo lang ulit kita. Sorry."

Sandali kaming nabalot ng katahimikan..

"Tanggap ko naman kung magagalit ka. "

I just hug her.

"Im sorry..Di ko alam. Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Di ko alam isasagot. Kasi nasaktan din ako. Para sayo at para sa sarili ko. Na ang dami mong tinago at di sinabi pero hindi mo kailangan magsorry. Naiintindihan ko."

"Baka mas okay kung kalimutan na lang natin yung pagmamahal na meron tayo." Sabi niya..

"Kasi puro sakit na lang yung nararamdaman natin."

"Nakakapagod na. Sorry."

"Hindi na ba natin pwedeng ayusin?" Tanong ko. Baka kasi pwede pa. Baka kaya pa.

Pinunasan nya ang pisngi ko.

Umiiyak pala ako.

"Kaya pa naman natin di ba?" Pangungumbinsi ko.

"Di ko na kaya, Vice. I'm sorry. Lumayo ka na."

"Jaki. Kahit bilang kaibigan na lang?"

Umiling siya.

Susuko na ba ko?

Binuksan nya ang pinto.

"Mag-iingat ka. Kailangan, kahit mahal na mahal kita."

Sa huling pagkakataon. Hinalikan ko siya.

Siya rin ang unang bumitiw.

"I love you too. Sabihan mo lang ako pag nagbago pa ang isip mo."

Yun yung mga huling katagang sinabi ko sa kanya.

Paglabas ko ng pinto ay muli akong humarap sa kanya.

Ngumiti at kumaway.
Umaasa na baka bukas o sa makalawa ay may pag-asa pa.

Di ako makatulog pag-uwi.

Nakahiga lang sa kama at nakatulala sa kisame.

Bakit ngayon lang. Bakit hindi ko agad nalaman. Baka siguro naagapan pa sana.

Tanggap ko naman yung bata. Tanggap ko naman lahat sa kanya. Sana hindi pa huli.



Maghihintay ako.


Isang linggo, isang buwan, isang taon ang lumipas.


Yun pa rin yung huli naming pag-uusap.

That was sad and complicated. Sinubukan kong gawin ang mga bagay na dapat kong gawin. Mga trabaho..pinipilit kong huwag iyon maapektuhan sa mga nangyari sa buhay ko.

Ngayon..may hinihintay pa ba ko?



Baka panahon na rin para palayain ko yung sarili ko.

Hindi naman ako nagsisisi. Naghintay lang ako hanggang sa kung saan ko kayanin.

Kaibigan ko pa rin ang mga kaibigan niya.

Nagtatrabaho pa rin sa akin si Troy.

Nakikita ko yung saya nilang pamilya.

Nakakataba ng puso na makita silang masaya.

"So paano Troy? Ikaw muna bahala rito." Bilin ko sa kanila

"Toper, huwag magbabasag ulo sa bar. Ako babasag ng ulo mo pag nabalitaan kong nagkagulo sa taas."

"Kami bahala rito boss. Basta sapatos namin ha? Size 9"

"Siraulo. Magbabakasyon ako hindi mamimili. Sige na baka malate ako sa flight. Ingat kayo."

"Uwi lang e."

"Oo na ako bahala. May heals ba o wala?" Biro ko.

"Wow. Nag-abala pa. Umalis ka na nga boss. Paalam." Inis pa nyang sabi.



Its apparent to me now that sometimes.. giving up doesnt mean you dont really love someone. Sometimes.. its the only thing that will make you both find the peace that you're looking for.

Hindi man iyon yung sagot na gusto natin marinig, pero minsan.. dinadala tayo nito sa kung anong sagot yung mas kinakailangan mo.

Baka hindi nga siguro kami para sa isa't isa. Baka pinaramdam lang sa amin kung paano mahalin at magmahal nang pansamantala.

Makakaahon din ako. Malaya ka na.

El Fin.

******
Happy New Year.
Pasensya na natagalan.
Salamat sa inyong lahat.
Salamat.

- Maddie

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 53 7
A CaitBea short story! This is purely fanfiction only! I read this story on one of the sites of fanfics, and I was inspired to do a story, but this...
56.8K 1.7K 21
© ᵐˡˡᵏᵇʳᵉᵃᵈ . ᵗʰᵒʳ ˣ ᶠᵉᵐ ʳᵉᵃᵈᵉʳ . ˡᵒʷᵉʳᶜᵃˢᵉ ᶦⁿᵗᵉⁿᵈᵉᵈ ❝𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈𝐅 𝐈 𝐒𝐍𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐎 𝐓𝐎𝐎 𝐅𝐀𝐑?❞ ----╾↠ 𝗜𝗡 𝗪...
154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...
11.4K 269 27
This is the Love Story of CaitBea. Please continue to support This is a Fictional Story. CaitBea hanggang dulo