My Guardian Devil

iamsograce által

11.5K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... Több

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 8 -- Fearless

417 5 0
iamsograce által


CHAPTER 8 -- FEARLESS





BRYLLE'S POV


I just finished having dinner and I'm on my way to our grand staircase when I heard the telephone ringing. It keeps on ringing and ringing. Tinatawag ko ang mga katulong pero tila nabibingi na sila at wala ni isang lumapit. Kaya ako na lang ang sumagot sa telepono. Hinayaan ko munang magsalita ang nasa kabilang linya and to my surprise, it's Venice on the other line.




"Hello, Manang Fe, ikaw ba yan?" Tanong ni Venice sa kabilang linya. Kadalsan kasi si Manang Fe ang laging nakakasagot sa mga phone calls at malapit na din siya kay Venice. Hindi pa rin ako nagsalita. Gusto kong malaman ano ang kailangan niya.




"Manang Fe, is Bryant there?" Umakyat ang dugo sa ulo ko nang malaman si Bryant ang hinahanap ni Venice. "Pakisabi naman ho sa kanya nandito na ho ako sa The Lovetier at hinihintay siya. I've been calling him on his phone, but it just keeps on ringing. I wonder what happened." Malungkot na sabi niya.



Anak ng tipaklong talaga ang kapatid kong 'yon. Bakit niya pinaghihintay si Venice? "Our call time is 7:00 and he's supposed to be here." 7:00? Eh halos 8:30 na ah. Hindi na maganda 'to. "Venice, huwag kang aalis diyan, pupuntahan kita." Then I ended the call. And hurriedly went to my tapdown at tinakasan na ang mga bodyguards ko.




There I saw Venice, so alone on the table holding her phone. Malamang hanggang ngayon pilit niya pa ring tinatawagan ang magaling kong kapatid. Hinihintay niya pa rin ito. "Venice." Sa di'ko malamang dahilan bigla na lang niya'kong niyakap ng mahigpit. Kaya niyakap ko na din siya. I've been waiting for this again.



"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin si Bryant, hindi naman siya dating ganito. He's always on time. I wonder what happen." Alalang sabi ni Venice.



"Gago talaga ang kapatid kong 'yon." Halos pabulong na sabi ko. Siya na nga ang hindi dumating sa oras, siya pa ang inaalala ni Venice. Tss! "Bakit mo pa kasi siya hinihintay? Dapat nung isang minutong late siya, iniwan mo na." Inis na sabi ko.



"I can't do that. Kahit anong mangyari hihintayin ko pa rin siya." It hurts knowing na kahit anong mangyari kahit gaano katagal ay hihintayin niya pa rin si Bryant. Alam ko naman hanggang ngayon hindi pa rin siya nililigawan ni Bryant. Pero kung makaasta sila parang sila na. Alam ko naman na kaya ayaw ligawan ni Bryant si Venice ay dahil sakin kahit obvious na gusto niya din ito.




Mga bata pa lang kami gusto ko na si Venice. Kaso mas malapit talaga sila ng kapatid ko. Although malapit din naman kami pero kakaiba ang closeness nilang dalawa. Habang tumatagal alam kong may lihim na pagtingin si Venice sa kapatid ko pero nagbulag bulagan ako. Isa 'yong dahilan kung bakit asar ako kay Bryant. At kahit alam kong gusto ni Venice si Bryant ay niligawan ko pa din siya. And luckily sinagot naman niya'ko.



On our 6 months relationship masaya naman kami, o ako lang talaga ang masaya? Hindi ko ramdam na masaya siya sa'kin, dahil mas masaya siya kapag kasama si Bryant. Hanggang dumating ang araw na iniwan niya'ko sa di niya maipaliwanag na paraan. Hindi nako nagtanong dahil alam ko na din naman ang kasagutan. Hindi ko matanggap 'yon kaya ilang months din na nagpanggap akong kami pa kahit hindi na. Ginagawa ko pa rin ang dati kong ginagawa sa kanya nung kami pa. Sinusundo ko siya at inihahatid sa bahay at niyayayang mag date. Nung una pumapayag pa siya pero kalaunan tila nagsawa na siya. Then one day nalaman ko na lang na lumalabas na pala sila ni Bryant. Gustong gusto kong suntukin si Bryant. Pero hindi ko magawa dahil alam ko magagalit si Venice at sa bandang huli ako pa rin ang may kasalanan.




Ang hindi ko lang alam kung bakit sinagot niya'ko kung talagang hindi naman ako ang gusto niya. Bulag ako nu'n sa katotohanan kaya hindi nako masyadong nagtanong pa sa kanya.



"Brylle, pwede bang tawagan mo si Bryant?



"Ikaw nga hindi niya sinasagot, ako pa kaya?" Inis na sabi ko. Naiinis kasi ako sa mga nangyayari.



Halos magkakalahating oras ko na siyang sinasamahan dito pero hindi pa rin dumadating ang magaling kong kapatid. Niyaya ko na siyang umalis pero bago pa siya makasagot ay dumating na din sa wakas si Bryant. Gusto ko siyang suntukin ng mga oras na 'yon pero diko magawa, hinayaan kong si Venice ang magsalita at ilabas ang sama niya ng loob.



After that commotion between the three of us, ay lumabas na kami sa loob, pero hindi pa man kami tuluyang nakaka alis ng The Lovetier ay nakita namin si transferee. Ang malditang si Helaena. Lalo akong nagtaka nung malaman naming magkasama sila ni Bryant. At siya pala itong importanteng inasikaso niya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa at wala akong balak malaman 'yon dahil wala akong pakialam sa kanila. Si Venice lang ang iniisip ko ngayon.



Lalo akong nainis nung sinampal at ininsulto ni Helaena si Venice. Kaya bago ko pa siya masaktan ay sinabi ko na kay Bryant na umalis na lang silang dalawa dahil tuluyan na ngang umiyak si Venice. At ayokong nakikita siyang umiyak. Lalo siyang napaiyak nang sinundan ni Bryant ang nag walk out na si Helaena.



Inihatid ko si Venice sa kanila. Pero ayaw niya pang bumaba ng sasakyan kaya nag stay kami sa sasakyan ko ng halos isang oras at wala siyang ginawa kundi umiyak.



"I hate Bryant and I also hate that girl. Curse them both!" Galit na sabi niya.




"Ssshhh stop it. Stop crying. Mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak." I hugged her so tight at nagpayakap naman siya. She's just sobing on my shoulders. And who's to blame? It's Bryant. Pinahid ko ang kanyang mga luha with my hands. At unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. We look at each other's eyes then I gently kissed her. So gentle and passionate that she can't resist.




"I still love you, Venice." I said between our breaths.




"I-I love you." Napangiti ako nang marinig ko kay Venice 'yon. "I love you, Bryant." I stop kissing her at nawala ang mga ngiti sa labo ko upon hearing what she said. So, akala niya ako si Bryant. Damn! I'm so stupid to believe that she love me. I should've been used to it.



Should I keep on chasing her or  give up? Should I let her go?


END OF BRYLLE'S POV






SINUNDAN ni Bryant ang nag walk out na si Helaena, buti na lang at hindi pa ito masyadong nakakalayo. "Elle."



"Hindi mo na dapat ako sinundan. Baka lalo lang magalit sa'kin ang girlfriend mo." May pagkainis na sabi ni Helaena at hindi pa rin niya binabalingan si Bryant at patuloy pa rin siya sa paglalakad.




"Girlfriend? Venice is not my girlfriend."



Napatigil sa paglalakad si Helaena nang marinig ang sinabi ni Bryan at hinarap niya ito. "Hi-hindi mo--- girlfriend-- yung--yung babaeng 'yon?" She stuttered.



Umiling si Bryant. "We're just friends, best friends rather. Since childhood."




"Pe-pero parang--parang kayo. Ewan ko, hindi ko maintindihan, naguguluhan ako sa mga nangyayari. Tapos bakit nando'n si Brylle? Anong kinalaman niya sa inyong dalawa ni Venice?"




Bumuntong hininga si Bryant. "Brylle is my younger brother."



"Ka-kapatid mo siya?" Gulat na tanong niya. Tsaka niya lang naalala yung sinabi sa kanya ni Cahli nung una silang magkita na may kapatid ding heartthrob si Brylle pero hindi sila masyadong close. At si Bryant pala 'yon.



"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Ang dami ko pa namang masasamang pinagsasabi tungkol kay Brylle sa harapan mo."




"Elle, it's okay. Wala naman sa'kin 'yon. I'm used to it. I mean, sanay nako sa mga gano'ng opinyon kay Brylle. So, you don't have to worry."



Hindi sumagot si Helaena. Tila nahihiya pa din siya kay Bryant tungkol sa mga pinagsasabi niya sa mga kapatid nito.



"Hey, I said it's okay." Hinawakan niya ang kamay ni Helaena. "Tara na, ihahatid na kita."



Binawi ni Helaena ang kanyang kamay kay Bryant. "Huwag na, nakakahiya sa'yo. Pagkatapos kong insultuhin ang bestfriend mong si Venice at sampalin, ihahatid mo pa'ko. Thanks na lang." She fake a smile. "And sorry din pala sa inasal ko kanina, pero hindi ako nag so-sorry dun sa ginawa ko sa bestfriend mo. I know I'm such a badass. Pero pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko at ayokong iniinsulto ako tas hindi man lang ako lalaban."



Tumango si Bryant. "I understand. Ako dapat ang humingi ng sorry. Sorry dahil sa'kin napahamak ka at nadamay kanina."


Umiling si Helaena. "It's my fault, kung sinunod ko lang 'yung sinabi mong hintayin ka at huwag lalabas ng kotse edi sana hindi nangyari 'yon. I know I'm such a hard headed and again, I'm sorry for that."



"You know what? Hind matatapos ang usapang ito kung hanggang mamaya naghihingian tayo ng sorry. Let's just forget about it and I will bring you home safely." He smile at ngumiti din si Helaena bilang ganti. Nagpahatid din naman si Helaena kay Bryant.



Duncanville University

9:00 Am


Kadadating pa lang ni Helaena sa school nang salubungin siya ni Cahli. "Helaena, tara dali, pumunta tayo sa gym." Sabay hila sa kamay nito.



"Teka, teka anong gagawin natin do'n?"



"Manonood tayo ng mga mag a-audition para sa pep aquad."



"At kailan kapa nahilig sa cheerleading?"



"Ngayon lang, kasi isa sa mga judge yung crush kong quarterback." She grinned.



"Pang ilan na naman ba 'yan sa mga crushes mo?"



"Uhm... Pang 20 siguro." Nag grin na naman si Cahli tsaka na niya hinila si Helaena sa loob ng gym kaya wala na siyang nagawa.




Umupo sila sa pinaka ibabang bleachers para daw mas makita ni Cahli ang crush niya. Nag uumpisa na ang audition nang dumating sila. Napansin ni Helaena na nakaupo din sa judges table si Venice.



Masyadong harsh si Venice sa mga nag a-audition. "Feeling perfect naman ang Venice na 'to. Akala mo naman hindi siya dumaan sa pagiging amateur. Tss!" Inis na sabi ni Helaena.



"Ganyan talaga si Venice. OC kasi siya when it comes to cheering, gusto niya perfect. Kasi nga diba siya ang cheer captain."



"Wala pa rin siyang karapatan para insultuhin yung mga nag a-audition."



Napansin na din ni Venice si Helaena sa mga audience at agad na nakaramdam siya ng inis. Tumayo siya at pinatigil yung nag a-audition. "Stop!" Sabay bagsak ng kamay niya sa table. "Simpleng routine hindi niyo pa makuha? Pwede ba sa mga susunod na mag a-audition kung alam niyo sa sarili niyo na hindi naman kayo magaling ay umalis na kayo at huwag niyo ng sayangin pa ang oras namin."



"Venice, calm down." Sabi nung isang ka squad niya.



"May be you should show them some routines para naman may ideya na sila kung anong gagawin nila at ang mga kakayahan nila." Sabi naman nung isa.



"You sounded pretty convincing to me." She smirk. "Music please." Sabi niya sa nag co-control ng music then sinenyasan niya ang kanyang ibang squad para mag sample ng isang routine.




Hindi naman maikakailang magaling talaga si Venice. Habang sumasayaw siya at tinitignan pa niya si Helaena. She smirking on her at nahalata naman 'yon ni Helaena.



Is this bitch trying to impress me? Tss! May be she's a good dancer, but not enough to impress me. Sambit ng utak ni Helaena. "Cahli, tara na. Wala naman palang kwenta ang audition na'to." Tumayo na siya at humakbang palayo.


"Helaena, sandali na lang."



"Bahala ka, basta ako aalis na." Naglakad na siya. Nabigla na lang siya nang biglang sumulpot sa harapan niya ang nag stunt na si Venice.


"How do you like that, Helaena?" Naka smirk pang sabi ni Venice.



"Quite good. But not enough to impress everyone including me." Sarkastikong sagot ni Helaena.



"You're a good liar. I know you've been impressed, ayaw mo lang aminin sa sarili mo." Mayabang na sabi nito. "So, are you here for an audition? But the moment you saw our routine, eh umatras kana. Kasi alam mo hindi mo kaya. You're not good." Pang iinsultong sabi ni Venice. "You can go now."



Hindi man lang nakaramdam ng pagka insulto si Helaena. "Joining your squad would be the worst nightmare I'd ever imagine. I won't and never will audition. Ayoko ngang mapasali sa walang kwentang squad mo." Mayabang din na pang iinsulto ni Helaena kay Venice. "You know what makes it sucks? Kasi ikaw ang cheer captain. Kawawang squad." She smirk.



Nanggigil na si Venice sa kaharap. Nakukuyom na nga ang mga kamao nito at gusto ng sampalin ang kaharap. They are causing a scene. Lahat ng nandoon ay nanonood na sa kanila. Lalo tuloy naiinis si Venice, hindi pwedeng matalo siya kay Helaena sa harapan ng maraming estudyante. "You bitch, watch your word or I'll shut you up?"




"Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit galit na galit ka sa'kin, eh wala naman akong natatandaang ginawang masama sa'yo. Ah siguro dahil mas pinili akong makasama ni Bryant kagabi kesa sa pumunta sa date niyong dalawa." She smirk again. Ikinagulat naman ng mga estudyanteng nandoon ang naging pahayag niya, na magkasama sila ni Bryant kagabi. "Am I right or Am I right?" Patuloy na pang iinsulto ni Helaena kay Venice. Alam niyang umuusok na ito sa sobrang galit.




"You, filthy whore! You don't have the right to insult me. You don't know me."



"Yeah right, I don't know you and I'm not interested in knowing you, Angelic face with a satanic mind!" Napansin ni Helaena na malapit nang mag angat ang kamay ni Venice at anuman oras ay sasampalin siya nito. "Don't you dare to land your fist on my face, dahil baka mas maunang mag landas ang paa ko diyan sa pagmumukha mo." Inis na sabi ni Helaena.



"I can kick your ass out of this University with your vulgar and dirty words and even this threatening."



"Oh, who's talking to who? In that case, our assess will be kick out of this University as well. Swallow your words, you said it first and I'm just defending myself."




Ang ibang mga nanonood ay humahanga kay Helaena ang iba naman ay naiinis dahil mas kampi sila kay Venice. Nag umpisa na rin silang mabulungan patungkol sa mga pahayag ni Helaena tungkol sa mga nangyari kagabi sa kanila nina Bryant.



"Huwag mong kimkimin yan, okay lang namang umiyak at magsisigaw kung talagang galit na galit kana. Sige ka kapag hindi mo inilabas yan baka mabaliw ka. I will just then visit you on the mental." She smirk at tinalikuran na niya ang galit na galit at walang masabi na si Venice.



 Venice gritted her teeth and clench his fist habang tinatanaw ng masama ang papalayong si Helaena. Hindi man lang niya nakuhang ipag tanggol ang kanyang sarili laban sa mga pang iinsulto ni Helaena.


----





NASA isang bakanteng room na ngayon  si Venice kasama si Bryant matapos ang audition kanina. At hanggang ngayon galit na galit pa rin si Venice kay Helaena dahil sa nangyri kanina sa gym.



Nagka ayos na din pala sila ni Bryant kanina. Hindi rin naman kasi matiis nitong si Venice si Bryant kaya siya ang unang lumapit dito at agad na niyakap at nag sorry. Siya pa talaga ang nag sorry.



"Kung alam mo lang ang mga pang iinsultong sinabi niya sakin kanina. I could almost cried in so much shame. Ang daming tao kanina sa gym." Inis na sumbong ni Venice kay Bryant.



Hindi nagsalita si Bryant tila inaalisa niya ang mga sinasabi ni Venice.



"Pahiyang pahiya ako kanina, ni hindi ko maipag tanggol ang sarili ko. Alam mo ba ang pakiramdam ko kanina? Para niya 'kong unti-unting tinatapakan at kinakain."



"Knowing you, Venice, kayang kaya mong ipag tanggol ang sarili mo. Pero bakit-----




"So, it looks like na mas kinakampihan mo pa ang babaeng 'yon? How dare you? You're supposed to be on my side, not on the side of that--that badass!."



"Hindi ko alam ang buong pangyayari, kaya ayokong mag take sides."



"Ano bang meron dun sa babaeng 'yon at bakit parang mas kinakampihan mo pa talaga siya over me? Hindi ka naman dating ganyan ah. Did she manipulated or brainwashed you or what? Kakikilala mo pa lang sa kanya and I heard she's just a transferee, how come you've been so close to her on that short period of time?"




"Huwag na natin 'tong pag awayan, okay?"


"Then stay away from that girl."



"What?" Gulat na tanong ni Bryant.



"Stay away from her. Avoid her. Unfriend her."



"I'm sorry, I can't do that. Hindi ko pwedeng gawin 'yon nang walang sapat na dahilan. Mabait siya Venice, just give her a chance if you want to."



"No, no, no way!" Galit na sigaw ni Venice.



"Then fine wala akong magagawa. Magalit kana, pero hindi ko siya iiwasan." I'm sorry, Venice. Kailangan ko pa siyang protektahan kay Brylle. At isa pa, maling iwasan ang isang taong wala naman ginagawang masama sa'yo. Naglakad na siya palabas ng room.



"Do you like her?" Prangkang tanong ni Venice.



Napatigil sa paglalakad si Bryant pero hindi niya binalingan si Vence. "I'm just being friendly and I hope you too." Then he walks out the room and left  Venice alone.





"Psst Helaena totoo ba yung mga sinabi mo kanina kay Venice?" Bulong ni Cahli sa kaibigan habang nag ka-klase sila sa room 205.



"Lahat ng 'yon totoo." Pabulong na sagot ni Helaena.



"Totoo na magkasama kayo ni Pretty Boy Bryant kagabi? At ininjan niya ang date nila ni Venice dahil sa'yo?" Halos mapanganga siya.




"Yes and yes."




"Oh my gracious gosh! Ang haba ng hair mo, girl. Hindi mo ba alam na bukod kay Venice ikaw pa lang ang dinate ni Bryant sa buong Duncanville?"



Well I hope it's a date, but it's not. How pathetic I am. Ngumiti na lang si Helaena kay Cahli.



"Ang swerte mo naman. Isang prinsipe sa Duncanville ang nabingwit mo. Pero teka hindi ba sila ni Venice?'



"Na-ah. They are just bestfriends."


Biglang sumulpot sa harapan nila ang kanilang Professor na ikinagulat nilang dalawa. "Mind to share on class on what you girls are talking about?" Sarkastikong sabi nung Professor nila.



"Miss La Torre, bakit pa po kami nag bulungan kung sasabihin din namin sa buong klase, diba?" Sarkastikong sagot din naman ni Helaena. Nagtawanan naman ang buong klase sa sagot niya.



"Oh, your thoughts are welcome on detention. Mind to share that on your detention mates?"



"Huwag kana lang sumagot. Baka ma detention ka ulit." Bulong ni Cahli sa kaibigan. Kaya tumahimik na lang si Helaena.




Ma de-detention ako dahil lang sa pag ri-reason out? I can't believe it. Eh yung tatlong mokong ngang 'yon na nasa harap ni hindi man lang nakikinig sa class. Gumagamit pa ng mga gadgets, hindi na de-detention. Haist! That's how money and power works. Inis na sambit ni Helaena sa kanyang utak.



"Helaena mauna na'kong umuwi ha? May pupuntahan pa kasi ako." Paalam ni Cahli sa kaibigan nang matapos ang klase nila.




"Bye. Ingat, Cahli." She smile at umalis na si Cahli.




Tumayo na rin si Helaena para sana umalis nang harangin siya ni Brylle. "Ano na naman bang kailangan mo ngayon?" Inis na tanong ni Helaena.



"Anong kinalaman mo kay Bryant?"




"Wala kang pakialam. Tabi ka nga." Pilit siyang dumadaan pero nakaharang parin si Brylle at ayaw siyang padaanin. "Ano bang problema mo?"



"Problema ko ikaw. Naiinis ako sa tuwing nakikita kita."




Ang sama talaga ng ugali ng devil na 'to. "Edi mag blindfold ka nang hindi mo'ko nakikita. Tanga kaba?" Tsaka niya tinapos si Brylle, pero hindi parin ito natinag sa kinatatayuan nito.



"You know what? I can leave you breathless in just few seconds without you even realizing it. Because the moment you knew it, you're already burning down on hell!" Pagbabanta ni Brylle sa kaharap.



Para yatang namutla si Helaena sa pananakot sa kanya ni Brylle. 'Ni hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Pero ayaw niyang magpatalo kahit pa natatakot siya. Ayaw niyang isipin ni Brylle na kayang kaya siya nitong manipulahin kaya lalaban at lalaban siya.




"And the moment you also knew it, you're already on hell with me, ah no, with Satan rather. Because you just been electricuted on killing me. Of course with the help of these bunch of witnessess." At tinuro niya ang mga kaklase niyang nasa loob pa ng class room. "Now, kill me!"



"Bakit ba ang lakas ng loob mong kalabanin ako?" Inis na tanong ni Brylle.



"Para malaman mong hindi lahat ng tao takot sa'yo, hindi lahat ng tao kaya mong pag malupitan. Hindi kita aatrasan, Samaniego. Lalabanan kita kung 'yan ang gusto mo." Buong pwersa niyang tinulak si Brylle.



Sa kasamaang palad hinawakan ni Brylle ang kamay niya at sabay silang natumba na dalawa sa sahig. Nadaganan tuloy ni Brylle si Helaena. At lahat ng estudyanteng nasa loob nakatingin sa kanila.


Napatakbo sa loob ng classroom sina Thunder at Beebop nang marinig ang malakas na pagbagsak ng dalawa. Natatawa tulyo sila nang makita ang itsura ng dalawa ngayon.




Pagmulat ni Helaena mukha agad ni Brylle ang tumambad sa kanya. Sa sobrang lapit, kulang na lang at mag halikan silang dalawa. Pulang pula tuloy ang pisngi niya. Kahit si Brylle ay nabigla sa pangyayati lalo na sa pwesto nila ngayon.




Ang lakas-lakas ng tibok ng dibdib ni Helaena. Sa sobrang lakas parang sasabog na. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Dapat nga mainis siya pero bakit kakaiba sa pakiramdam niya.




Lintik na puso na'to bakit ang bilis-bilis ng tibok niya? May karera ba? Paunahan? Oh God gracious, bakit ang gwapo ng demonyong 'tong nasa harapan ko? Dapat mainis ako sa kanya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kakaiba? Nababaliw na ba ako o abnormal na ang tibok ng puso ko? Sambit ng utak ni Helaena.



Nakatitig lang sila sa mata ng isa-t-isa.



"Bro, parang komportable kana sa posisyon mong yan ah." Asar ni Thunder kay Brylle at nagtawanan silang dalawa ni Beebop.




Napatayo tuloy si Brylle nang marinig ang sinabi ni Thunder. Para siyang natauhan. "Mga ungas!" Inis na sabi niya sa dalawa.



Tumayo na din si Helaena at hanggang ngayon pulang pula pa rin ang pisngi niya. Ni hindi siya makatingin ng diretso kay Brylle.




"Hey, oh-so-astig na Helaena, bakit pulang pula 'yang pisngi mo? Nag ba-blush ka." Panunukso ng nakatawang si Beebop.



"I'm not blushing because of this devil. It's part of the nervous system who's responsible for automatic reaction, you jerk!" Pagtatanggol niya sa kanyang sarili. Buti na lang at naka isip agad siya ng isasagot sa sinabi ni Beebop.



"May be it's some kind of romantic stimulation, love struck!" Tudyo pa ni Beebop sa dalawa.



"Shut up!" Halos sabay pa na sabi nina Helaena at Brylle na ikinabigla ni Beebop.



Mabilis na nilisan ni Helaena ang lugar na 'yon bago pa sumabog ang dibdib niya sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Hindi siya sanay sa gano'ng pangyayari, lalo na kapag si Brylle ang nasa harapan niya.



-----

READ

VOTE

COMMENT

AND BE A FAN :))



THANKS, THANKS, THANKS. SPREAD THE GOOD NEWS 'VRYONE.


.....

Olvasás folytatása

You'll Also Like

13.2K 326 22
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...