Before You Go (boyxboy)

By SelenoGomez

18.6K 981 10

I hate you..... but I was just kidding myself More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY SIX
CHAPTER FIFTY SEVEN
CHAPTER FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY ONE
CHAPTER SIXTY TWO
CHAPTER SIXTY THREE
CHAPTER SIXTY FOUR
CHAPTER SIXTY FIVE
CHAPTER SIXTY SIX
CHAPTER SIXTY SEVEN
CHAPTER SIXTY EIGHT
CHAPTER SIXTY NINE
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY NINE

211 15 1
By SelenoGomez

Nakaorder na kami ng kakainin namin. Sobrang mura nga ng pagkain dito kaya't maliban sa liempo ay umorder din ako ng gulay. At dahil mura nga ang kanin, dalawa na agad ang inorder ko pagkatapos kong makita na dalawa rin ang inorder ni Justin.

"Masarap 'yan kapag may toyo." Suhestiyon niya habang nilalapag ang toyo sa lamesa namin. "Softdrinks pala gusto mo?" Tanong niya.

"Anong meron dito?" Tanong ko pabalik.

"Pepsi lang pati Mountain Dew." Sagot niya.

"Okay. Mountain Dew na lang." Sagot ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang siya mismo ang kumuha ng inumin namin dahil walang nakabantay doon. Kinabahan ako dahil baka mahuli siya ng bantay kaya't tinignan ko ito nang masama. Mas ikinagulat ko na imbis na kabahan ay natawa ito sa naging reaksyon ko. Pagkalapit niya sa akin upang ilapag ang mga inumin ay kakausapin ko na sana siya ngunit muli siyang umalis. Nagtataka ko siyang tinignan na pumunta muli sa kahera at nakita kong binayaran nya ang mga inumin namin.

Nang muli siyang makalapit sa akin ay hindi pa rin niya mapigilang matawa sa naging reaksyon ko.

"Masyado kang kabado. Don't worry. Hindi ako ganoon kasama para magnakaw ng softdrinks." Natatawa pa rin nitong sabi pagkaupo niya.

"Aba malay ko ba? Nagbukas ka na lang bigla nang walang pasabi so akala ko tinatakas mo." Depensa ko rito.

Lalo siyang natawa pagkasabi ko noon. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga nga namang ang OA ng naging reaksyon ko kanina.

"Ganoon dito. Self service talaga mga inumin." Paliwanag niya nang mahimasmasan na sa kakatawa.

"Uy, magkano pala babayaran ko?" Tanong ko nang maalala ko na siya ang nagbayad ng inumin ko.

"Sira! Okay na." Sagot nito.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Naaawa ba sa akin ang mga kaibigan ko at akala nilang wala akong pera? Ilang araw na akong nililibre kaya sobrang nakakapagtaka na.

"Mukha ba akong naghihikahos sa buhay?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi naman. Bakit?" Balik nito ng tanong sa akin.

"Pansin ko lang kasi na these past few days, lagi akong nakakatanggap ng libre. Baka mukha na pala akong gusgusin sa paningin niyo kaya niyo ginagawa 'yan." Paliwanag ko kung bakit ko nasabi iyon. Hindi naman sa nagrereklamo akong nililibre ako pero ilang araw na rin kasing ganito.

"Hala siya? Kung kami ni Tristan tinutukoy mo, ganito lang talaga kami. Normal na sa amin 'to." Paliwanag nito. "Speaking of Tristan, nabasa mo ba chat niya?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Yup. Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko rito na agad ko rin namang nasagot sa isip ko.

"Pinapasabi niya sa akin just in case daw na hindi mo makita dahil nasa message requests." Sagot niya na tinanguan ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. "Good luck sa training mamaya. Stay injury-free." Pagpapaalala nito sa akin.

"Thanks! Oo naman. Ang sakit kaya kapag nagkakainjury. Buti nga hindi ako natuluyan noong nakaraan." Sagot ko rito.

"Anong hindi? Ilang araw masakit paa mo noon, 'di ba? Buti na lang sa Music ka nag-aaral kaya 'di ka apektado ng sirang elevator." Pagpapaalala nito. Ilang araw rin kasing ginawa ang elevator kaya't hindi iyon gumana. Buti na lang talaga at hindi ko kailangang lumakad ng hagdan papaakyat para lang makapag-aral.

"Buti nga eh. Malayong lakarin pa sana." Pagsang-ayon ko rito. "Oy! Akala ko ba kaya mong mag-apat na kanin?" Tanong ko rito nang mapansin kong hindi na siya umoorder uli ng kanin.

"G ka ba? Ready naman tiyan ko ngayon." Tanong nito na may halong paghahamon sa akin.

"G!"

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
99.2K 3.4K 54
Halos perpekto na ang lahat pero anong gagawin mo kapag nalaman mong ang buong pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Anong gagawin mo kapag...
288K 9.9K 77
Hindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...