CHAPTER FIFTY EIGHT

122 9 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay nila ay agad na tinaboy ni tita si Tristan papunta sa kanyang kwarto para raw masolo niya ako. Nagtawanan pa kami ngunit pumayag din naman si Tristan.

Dinala ako ni tita sa garden. Agad kong nakita ang photo album na nakapatong sa bench dahil doon niya ako diniretso.

"Kay Tristan po?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. Picture niya simula pagkabata." Bakas sa ngiti niyang natutuwa siyang ipakita sa akin 'yon. Binuksan niya iyon at ang unang bumungad sa akin ay ang kanyang baby picture.

"Hala ang cute." Hindi ko napigilang sabihin. Gaya ng isang normal na sanggol, mamula-mula pa ang balat nya sa picture na iyon.

"Sa dami-rami ng mga maling bagay na nangyari sa buhay ko, ito 'yung pinakatama." Emosyonal na sabi nito. Agad ko siyang naintindihan sa sinabi niyang iyon dahil alam ko ang kwento nila. "Eto tignan mo." Siya na mismo ang nagbago ng usapan nang mapansin niyang hindi ko alam ang isasagot.

Pinakita niya sa akin ang larawan ng isang matabang bata.

"Siya 'yan?" Natutuwa kong tanong. Sobrang cute niya pala kapag chubby siya.

"Mahilig kasi sa chocolates na pinapadala ng daddy niya. Buti hindi na masyado ngayon." Pagkukumpirma niya. "Eto naman 'yung first picture nila ni Justin." Pagpapakita niya sa akin. Ang sweet nilang dalawa. Magkayakapan pa. No wonder, magkapatid talaga ang turingan nila. "Natutuwa nga ako dahil magkasundo talaga silang magkapatid. Well, except noong pa-high school na sila. Nagulat na lang kami, gusto nang umalis ni Justin papuntang Saudi." Dagdag na kwento nito na ipinagtaka ko.

"Bakit po? Anong nangyari?" Interesado kong tanong. Ni isang beses, wala silang nakwento o sa aking nagkaaway sila. For Justin to leave, mukhang malalang away ang nagkaroon sila.

"Dahil sa babae. Interesting story nga, eh. Naunang magkagusto si Tristan. Lagi niyang kinukwento kay Justin. Nakakatampo nga kasi kahit kailan, hindi niya nabanggit sa akin. Nalaman ko na lang, hindi na sila okay na magkapatid kasi nagustuhan naman n'ong babae si Justin. Apparently, mutual feelings. Sinabi ni Justin kay Tristan tapos doon na nagsimulang lumayo si Tristan. Naaalala ko pa, sabi sa akin ni Justin bago siya umalis, 'Babae lang naman 'yan. Ang dami ko pang mahahanap. 'Yang kapatid ko, isa lang 'yan. Mas magandang lumayo na lang muna ako kaysa lagi niyang maramdamang kalaban ako kasi hindi. Lagi ko siyang kakampihan.'" For an unknown reason, tumulo na lang bigla ang luha ko. Ang sarap magmahal ni Justin. Sobrang selfless. Kahit gusto niya 'yong babae, lumayo na lang siya kaysa saktan si Tristan. "Kaya masaya ako kasi hindi sila magkaagaw ngayon." Dagdag pa nito.

Ang hindi niya alam, gusto ko si Justin. Gusto ko kahit pa ilang beses ko nang pinilit ang sarili kong ayawan siya. Gusto ko kahit pa ilang rason na ang binibigay niya upang tumigil na ako sa kakaasa. Gusto ko... Mahal ko. I feel so guilty for feeling this way kasi kahit matagal na, may parte pa rin sa aking umaasa.

"Buti tanggap niyo pong lalaki nagustuhan ng anak niyo? Hindi po kayo nagulat?" Hindi ko napigilang itanong para na rin malayo kay Justin ang usapan.

"Nagulat is an offensive word kasi ibig sabihin niyan, nag-expect na ako sa anak ko. I don't have any expectations. Ang gusto ko lang, maging masaya siya. And clearly, you're making him happy - kaya boto ako sa inyo."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now