CHAPTER FORTY

160 12 0
                                    

Pagkatapos naming maglaro ng volleyball ay agad silang umuwi sa mga bahay nila upang magpahinga maliban kay Justin. Niyaya ko siya papasok ng bahay pero gusto niyang tumambay na lang sa kubo sa labas ng bahay namin.

Sobrang romantic ng eksena. Nasakto pang nandito ang gitara ni Papa dahil tinugtog nila lolo kagabi habang nag-iinuman.

"Kaya naman pala music lover ka." Sabi nito at pagkatapos ay pinaglaruan na ang gitara.

"Tagapakinig lang. Never naman ako natuto tumugtog kasi ang sakit sa daliri." Pagtatama ko rito.

"Hindi mo naman kailangang matuto. Marami diyan, matutuwang tumugtog para sa 'yo kasi ang galing mong vocalist. Count me in." Another day of him flattering me with all those praises.

"Magaling ka rin namang vocalist. Mga tao noong recruitment fair, kilig na kilig sa 'yo." Pagbalik ko ng puri sa kanya. Halata naman noong recruitment fair na si Justin talaga ang pinapanood ng mga tao. Kung pwede lang siguro akong hilahin pababa, baka ginawa na nila.

"Eh sa 'yo, nananahimik silang lahat kasi inaappreciate nila talent mo. Solid nga, eh. Ang perfect ng balance natin. Ang saya siguro kung madadagdag ka sa banda namin." Imagine liking someone who usually say things that gives you butterflies. Grabe. Magsasalita na sana ako pero muli siyang nagsalita. "Pero gets ko naman. Hashtag priorities. Tapos nasama ka pa sa volleyball so hindi ka talaga makakasali sa banda. Okay lang naman. Masaya na ako basta kasama kita sa org."

He said those words like he read what's on my mind. Tama naman siya. I can't commit to anything more than the volleyball team and my studies. Baka kapag ginawa ko 'yon, mawindang nang sobra ang mundo ko.

My heart is so happy na feeling ko, kapag hindi ko pa binago ang topic, mahahalata niyang kinikilig ako sa sinabi niya.

"Ang weird na same tayo ng sinuot ngayon." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nagulat nga ako, eh. Akala ko sa volleyball match mo pa susuotin 'yang regalo ko sa 'yo." Sambit nito. "Tapos matchy pa 'yung damit natin. Friendship goals." Dagdag nito. Friendship goals. Hindi ko alam bakit parang nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon kahit totoo namang magkaibigan lang kami.

"Kaya nga, eh. Sana pala mamayang gabi ko na lang 'to sinuot." Sagot ko sa kanya.

"Pupunta ka sa court? May sayawan daw, ah?" Tanong nito - muli ay parang nabasa ang nasa isip ko.

"Oo naman. Kami ng mga pinsan ko. Sama ka?" Yaya ko sa kanya.

"Sure. Wala rin naman akong gagawin dito." Sagot niya. "Baka dumating pa si Austin, at least nandoon ako, 'di ba?"

"Sus? Hindi na lalapit 'yon. Ilang beses ko nang sinungitan." Sagot ko rito. Wala na rin naman akong pake sa kanya. Kung may nararamdaman ako ngayon, siguro, puro galit na lang 'yon.

"Ang strong naman pala." Biro nito sa akin.

"I have to. Hindi naman pwedeng lagi lang akong umiiwas sa kanya kasi nasasaktan ako." Sagot ko.

"Agree. Besides, wala naman siya sa hashtag priorities mo. Basta, nandito lang ako palagi sa tabi mo."

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now