CHAPTER NINETEEN

230 15 0
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkadating namin sa venue. Marami ng mga tao. Walang nakatingin sa amin pero pakiramdam ko'y maraming mata ang nakatutok sa akin ngayon.

"Mababait sila. 'Wag kang kabahan." Mahinang sabi ni Tristan.

But I am not comforted. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Hold my hand." Pag-alok nito ng kamay niya.

Nakakailang man ngunit tinanggap ko pa rin iyon dahil sobrang kinakabahan talaga ako ngayon.

"Where do you want to sit?" Tanong nito.

Maraming bakanteng lamesa ngayon. Marahil ay marami pang hinihintay kaya't tinuro ko sa kanya ang lamesang malapit lang sa amin para malayo kami sa unahan.

Inalalayan ako ni Tristan hanggang sa makarating kami doon. I felt secured but in an awkward manner. Hindi ko talaga maintindihan kung anong mali.

"Juice or softdrink?" Tanong nito nang makaupo na kami.

"Milk tea." Sagot ng kararating lang na si Justin habang nilalapag ang milk tea sa lamesa ko.

"Nasaan akin?" Tanong ni Tristan dito dahil sa harapan ko lang nilapag ang milk tea.

"Buy one take one lang. Sayang naman. Naisip kong mahilig din si Sam sa milk tea so naisip kong kanya na lang 'yung isa." Sagot ni Justin dito.

"Uy! Kung gusto mo, iyo na lang. Kukuha na lang ako ng akin doon." Sabi ko kay Tristan.

"I was just kidding. Besides, sa 'yo naman talaga 'yan." Sagot nito sa akin.

"May nakaupo rito?" Tanong ni Justin habang tinuturo ang upuan sa tabi ko.

"Kakarating lang din namin. Wala pa namang nakaupo diyan." Sagot ko rito.

"Dito na lang kami nila Albert." Sambit nito.

Tumayo saglit si Tristan upang kumuha ng maiinom niya.

"Salamat pala." Sambit ko rito habang inaangat ang milk tea na binigay niya.

"Sorry. Hindi na kita nasundo. Nagpilit kasi si Tristan, eh." Pag-iiba nito ng usapan.

"Sira! Ayos lang nga kasi kahit ako lang mag-isang pumunta rito." Sagot ko.

Mas maganda nga yata kung ako na lang mag-isa dahil sobrang awkward sa pakiramdam kapag alam kong kami lang ni Tristan ang magkasama. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pakiramdam ko sa kanya. Ayaw ko ba sa kanya? Bakit?

"Ready ka na bang magperform?" Tanong nito kaya't pinandilatan ko siya.

"Anong perform sinasabi mo? Akala ko ba assembly 'to?" Tanong ko rito na may halong pagkontra.

"Assembly nga. The aim of this assembly is for us to know each other better. Para sa mga bagong members, this assembly aims to boost your confidence in performing in large crowd." Paliwanag niya.

Kung kanina'y kinakabahan na ako ay mas lalong dumagdag pa ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi? Kung alam ko lang hindi na sana ako pumunta ngayon."

"Ayan. Kasi alam kong baka hindi ka pumunta pag sinabi ko."

Tinignan ko na lang siya nang masama dahil doon. Wala naman na akong magagawa ngayon dahil nandito na ako.

"No worries. Nandito naman ako. Tutulungan ulit kita gaya noong nagaudition ka." Pakonswelo nito.

"I'm here too." Sambit ni Tristan na kakabalik lang. "Ano ba 'yon?"

"Magpeperform mamaya. G ka?" Tanong ni Justin dito.

"Sure! Basta kasama ko si Sam, why not?"

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now