CHAPTER TWO

713 28 0
                                    

"Susunod ba sila Aya?" Tanong ko kay Del pagkalapag niya ng mga pagkaing inorder namin.

"Sus? Baka set two na ng game niyo dumating 'yung dalawang 'yon." Sagot nito na siguradong-sigurado pa dahil lagi talagang late ang dalawang kaibigan naming iyon.

"Eh bakit ang daming pagkain?" Nagtataka kong tanong dahil maliban sa order naming dalawa ay may burger at fries pang extra na nasa lamesa ngayon.

"Pagkain mo mamaya bago kayo magsimula. Ayaw ko namang mahilo ka during the game kasi sigurado akong hindi ka naman magpapaawat maglaro kahit may nararamdaman ka na." Sagot nito na nagpatunaw ng puso ko dahil naaalala niya pa pala na madali akong mahilo kapag gutom ako.

"Thank you." Pagpapasalamat ko rito at saka sinimulan na ang pagkain. "You're my life savior."

"I know, right?" Sagot nito kaya nagtawanan kaming pareho.

----------

College of Engineering ang makakalaban namin ngayon. Kahit pa sinabihan na ako ng teammates kong hindi ako dapat kabahan ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kabog sa dibdib ko dahil ito ang unang araw na maglalaro ako para sa kolehiyo namin.

"Sam! Consistency sa coverage, ha?" Paalala ni coach bago magsimula ang laban. Tumango naman ako dito bilang sagot.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang laban kaya't kahit maraming nanonood dahil sa mga gwapong players ng Engineering ay tinuon ko ang atensiyon ko sa laro.

Ngunit hindi pala madali. Bawat galaw ko'y nararamdaman kong nakaabang silang magkamali ako para muli silang makasigaw ng cheer nila para sa Engineering. Kahit mga kakolehiyo namin ay sa kanila nakasuporta ngayon. Nakakapanghina pala 'yung ganoon.

Natambakan nila kami agad kaya't tumawag ng timeout ang coach namin.

"Sam, stay focus. Nawala laro mo. Apektado rin buong team kapag hindi mo binubuhos 'yang puso mo." Pagdirekta ng coach namin sa akin. Tuwing practice, ako ang nagpapaangat ng kumpiyansa sa team namin ngunit ngayon, ako 'tong sobrang apektado sa mga tao. "Walang ginagawang espesyal 'yung kalaban. Sobrang distorted ng laro niyo kaya kayo nalamangan agad. Wala pa man lang first technical timeout nagtimeout na ako kasi ganoon kayo kakalat." Baling naman nito sa buong team. "I need you to regroup. Wag niyo nang intindihin 'yang lead na 'yan. One stop tapos kayo naman manambak sa kanila." Saktong pagkasabi noon ng coach namin ay pumito na ang referee kaya't bumalik kami sa dati naming pwesto.

Akin... Aaminin kong naapektuhan talaga ako ng mga taong sumusuporta sa kalaban lalo na't tagakolehiyo namin ang iba sa kanila.

Nagulat ako dahil biglang sumigaw si Wendell nang napakalakas. Tipong kahit maraming sumusuporta sa Engineering ay nangibabaw ang boses niya.

"LET'S GO ACCOUNTANCY!" Pagkasigaw niya noon ay parang nagising din ang diwa ng drumline namin kaya't mas malakas na silang nagcheer ngayon. Dahil sa ginawa niyang iyon ay medyo nabuhayan ako ng loob kaya't pagkaserve ng kalaban ay siniguro ko nang ako ang makakakuha ng first ball.

"Balik mo sa akin!" Sigaw ko sa setter namin nang maihatid ko iyon nang maayos sa kanya. Bumwelo na ako at nang ihagis niya na ang bola sa direksiyon ko ay sinimulan ko nang tumakbo at tumalon saka hinampas ang bola papunta sa kalaban.

Nang makuha ko ang puntos na iyon ay mas lumakas ang cheer ng kolehiyo namin kaya't maging ang mga teammates ko ay nabuhayan ng loob.

Before You Go (boyxboy) Where stories live. Discover now