Mr. & Ms. Gray

De PurpleSwallow

393K 14.5K 1K

"I need a child not a husband." - Grayzyl Simone Mais

TEASER
PART 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
CHAP. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
PAALALA

Chap. 10

8.1K 619 13
De PurpleSwallow

Chap. 10

AN : ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LANG. 

Sa loob ng ilang araw, dahan dahang inasikaso ni Grayzyl ang mga bagay bagay na dapat gawin. Alam n'yang matatagalan s'ya na sasamahan si Neneng. Kaya...

"Hello, Sisters.."

"Himala at naalala mo kaming dalawin dito. Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito, Bunso." Sabi ng kanyang nakakatandang kapatid na si Gladys.

"Ate, meron kasi akong sadya sa inyo. "

"Anong drama mo?" Tanong ni Antonette. Ang pangalawang nakakatandang kapatid.

"I'm sure..may kabalbalan ka na namang ginawa." Hinulaan kaagad ni Brenda; ang pangatlong nakakatandang kapatid.

"Ate, alam ba ninyo meron pa akong mamanahin kina Lolo't Lola ?"

Nangkatinginan ang tatlo at sabay na sinabing...

"Wala."

"Alam ba ninyong may utang si PapaNG sa anak ng kanyang Kompadre?"

"Hindi." Sabay sagot ng tatlo.

"Alam ba ninyo na ako ang kapalit ng perang inutang ni Papang? Papakasalan ko ang anak ng kompadre ni Papang na si Troy Maxillian. Nagmamay-ari s'ya ng isang Textile Manufacturing Company at nagmamay-ari din ng isang malawak na cotton farm. Pero, wala akong balak mag-asawa."

"Let me guess, balak mong magmadre? Saang kumbento ka papasok?"

-Gladys

"Kung tatanggapin kang maging Madre." Sabay tawa ni Antonette.

"Naku Bunso, h'wag mong gagawin 'yan. Hindi papayag si Papang." Dagdag ni Brenda.

"Ate, hindi sa pagmamadre ang POINT ko dito."

"Eh ano?" Sabay tanong ng tatlo.

"Ate, malaki ang utang ni Papang. May mamanahin ako kina Lolo't Lola; aabot ng 35 Million ang pera. Hindi ko makukuha ang perang 'yon ng basta basta dahil may kondisyong iniwan sina Lolo. Ang masaklap pa..SI GRAYDELLE ANG KARIBAL KO."

"No way!" Sabay sabi ng tatlo.

"Anong kondisyon? At anong gagawin mo sa pera?"

"Ate, I need that money to pay the debt. Nakipag-areglo na rin ako kay Troy. Na kung sakaling hindi ko matupad ang mga kondisyon ni Lolo. Magpapakasal ako sa kanya. Dahil mahahati ang mana sa amin ni Graydelle."

"Naku, malabo na magpapatalo sa 'yo si Graydelle. Alam mo naman 'yon, parating insecure sa 'yo. Tsaka, ganid sa pera 'yon."

"May naisip ka na bang paraan?" Tanong ni Gladys.

"Meron..." Tipid na sagot ni Grayzyl.

Agad lumapit sabay sabay ang 3 nakakatandang kapatid ni Grayzyl.

" I made a decision..naging EGG CELL DONOR AKO SA ISANG LALAKI NA GUSTONG MAGKAANAK."

Napanganga ang mga kapatid nito.

"My God! Anong kalokohan ang pumasok sa utak mo?!" Singhal ni Gladys.

"Calm down! Kilala ko ang lalaking pinagbigyan ko. Kilala ko ang surrogate mother na nagdala ng punla. Nagmula sa isang kilalang pamilya ang lalaking 'yon. Ate..kailangan tulungan n'yo ako. Kailangang masagip ang ASUKARERA AT ANG BAHAY NATIN. Kahit pag-isahin ang pera natin..hindi kakayaning maabot ang perang nautang ni Papang."

Napatigil ang magkakapatid.

"Buntis na ang surrogate mother. Kailangan kong masubaybayan ang pagbubuntis nito. At pagnaisilang ang bata; magpapakilala ako sa lalaking 'yon na ako ang donor. Labag man sa kontrata, pero alam kong mauunawaan ng taong 'yon kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Kailangan ko ang batang 'yon upang makakuha ako ng parte sa mamanahin; Sapat na ang perang makukuha upang mabayaran ang utang ni Papang. At hindi ako maipapakasal kay Troy."

"Bakit ba ayaw mong mag-asawa? Nasa tamang edad ka na."

"Ate, pwede ba h'wag n'yo na akong kulitin sa bagay na 'to."

"Anong gusto mong gawin namin?" - Antonette

"Mawawala ako dito ng mahigit isang taon. Kayo na muna ang titingin sa mga properties ko. Magtulungan tayong mabayaran ang interes ng utang ni Papang."

"Paano kung hahanapin ka ni Papang?"

"Sabihin ninyong, naghahanap ako ng paraan na mabayaran ang utang n'ya kay Troy."

"Ipapahanap ka parin ni Papang."

"Itikum lang ninyo ang bibig ninyo." - Grayzyl

"Kaninong lalaki mo ibinigay ang egg cells mo?" Interesadong malaman ng 3.

"Kay...GRAYSON CASPIAN."

"What! GYAAHHHHHHH...!" Gulat si Grayzyl sa pagtili ng 3.

"My God! Hihimatayin ako..!" - Gladys

" Juice colored!" - Antonette

" Bunso...GOOD CHOICE!!" Sabay ng malakas na halakhak ni Brenda.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Grayzyl.

" Go sister, we will support you. Ang galing mong mamili." Sabay tili ni Gladys.

"Kilala n'yo si Grayson?"

Sabay tango ng 3.

"PUSH mo 'yan sis." - Brenda

"Tama, lakas loob mong harapin si Grayson. At sabihin mong ikaw ng ina. Naku, sis...hindi ko na maimagine ang magiging anak n'yo...ANG CUTE!"

"MISMO. BINAGO MO ANG LAHI NATIN."

"Kabog!" Sabay palakpak ng tatlo.

"Eh teka, papano 'yan kung hindi n'ya pahihiramin ang bata sa 'yo o di kaya ayaw n'yang mainvolve ang bata sa mga isyu ng buhay mo."

"Ate, sapat na malaman n'ya na ako ng nanay. At sapat na sa akin na s'ya lang ang ama ng MAGIGING MGA ANAK KO."

"Hep! Anong sabi mo? MAGIGING AMA NG MGA ANAK MO?"

"Syempre, kumuha ako ng sariling embryos ko..SHARE KO SA FROZEN EMBRYOS N'YA."

"Ha ha ha ha ha...walastik!" Sabay tawanan ng mga kapatid.

"Pero..sekreto natin ito. Dapat walang makakalam lalong lalo na si Graydelle. Ginawa ko lang ito para merong options ako kung sakali."

Napatango ang 3.

----------------------------------------------

Sa pamamahay ni Grayson..

"Sir Gray, may itatanong sana ako sa inyo?"

"Ano?"

"Sir, kayo po ba interesadong makilala ang Donor ng magiging anak ninyo?"

"Mmmmm..Oo naman. Importante. Bakit mo naman natanong?"

"Eh, kasi po napapaisip po ako; kung sakaling hindi n'yo kilala ang tunay na ina ng inyong anak..paano n'yo maipapaliwanag sa sa bata kung sino ang kanyang ina?"

"Alam kong mangyayari 'yan Neng. Kaya habang maliit pa ang bata kailangan makapag-asawa ako. Kung merong darating para sa akin."

"Sir, basta kung mag-aasawa kayo; ipapaalam n'yo sa akin. Wala mang akong koneksyon sa bata pero..mapapalapit ang loob ko sa magiging anak n'yo."

"Alam ko 'yon Neng. Pasalamat nga ako sa 'yo eh. Tsaka, ipapaalam ko talaga sa 'yo."

Sabay silang nag-hi-five.

Umalis sandali si Grayson..Lihim na tumawag si Neneng kay Grayzyl.

"Besty, alam mo ba kinausap ko Sir. Tinanong ko kung interesado s'yang makilala ang Donor. SABI N'YA INTERESADO NGA DAW S'YA. Naku, Yzyl ikaw ba may lakas loob ng harapin s'ya?"

( Kaya nga sasamahan kita, upang masanay ako sa kanya. Tsaka, mabuti nang ganun para kung sakaling magkaalaman man..mas madaling maipaliwanag sa kanyang ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yon. Neng, sa tingin mo ba matutuwa kaya si Grayson kung makilala n'ya ako?"

"Naku, hindi lang matuwa..sigurado akong hindi ka n'ya pakakawalan. DYOZA ANG BYUTI MO."

( 'Yan ang hindi mangyayari...TATAKAS AKO SA KANYA! )

"Kung makakatakas ka!"

( Waaaa...nakalimutan mo na ba, EXPERT AKO SA PAGTAKAS. )

"Ay Oo nga pala, dakila kang SPIDERWOMAN..Naalala ko tuloy tuwing tumatakas ka sa skul..dumadaan ka sa puno ng mangga; tapos lulundag sa pader. O di ba? Ikaw na yata ang lider ng AKYAT BAHAY GANG!"

( Mismo. )

"Besty, hindi ka ba kinakabahan sa mga pinanggagawa mo?"

( Neng, kapit na sa patalim ito...ALALAHANIN MO MILYONES ANG NAKATAYA DITO..HINDI LANG THOUSAND..35 MILLION! )

"OMG! "

( Kaya dapat maging matagumpay ako. Hindi ko man makuha ng buo ng 35 Million at least may parte ako sa mamanahin. )

"Sabagay."

( Tsaka, dalawang option ang pinaghahawakan ko ngayon; isa man ang mapalpak..may natitirang pag-asa sa akin. )

"Teka, ano 'yong isang option mo?"

(Nakipag-usap na ako sa PAKAKASALAN KO..kailangan mabayaran ko ang utang sa loob ng mahigit isang taon. Kung hindi tuloy ang pagpapakasal ko. At kung sakali mangyari ang kasalan; mahahati parin ang mana..dahil may asawa ako. )

"Hindi ba nakasaad sa kasulatan na dapat BIOLOGICAL FATHER ang pakakasalan mo?"

(Wala. Mabuti nalang rin. Batid din kasi nina Lolo at Lola noon, na ayaw kong mag-asawa. Siguro ginawa nila ang ganung kondisyon para mapilitan akong mag-asawa. Ayaw kasi nina Lolo at Lola na tatanda akong mag-isa. )

"Eh, tama naman sila..AYAW NILANG WALA KANG KASAMA HANGGANG SA PAGTANDA."

(Neng, buo ang desisyon ko. Kesa mag-aasawa ako at sakit lang ng ulo ang ihahatid sa akin..baka MABUNTAL ko pa. )

"Eh, papano kung kabaliktaran ang mangyari?"

( Isa ka pang naniniwala sa Happy Ending! Halow, hindi lahat ng story happy ending...merong TRAGEDY. That's life..that's reality. )

"Wat eber! Basta, bilis bilisan mo pumunta dito."

( Okay. Babooos! )

---------------------------------------------------

KRINGGGGG KRINGGGGG....

"Hello. Ano nakikita mo ba si Grayzyl d'yan?"

( Opo, Maam. Wala naman po akong nakikitang kahinahinalang kilos n'ya. Mukhang normal lang naman sa kanya ang lahat. )

"H'wag kang magpakasigurado. Malakas ang pakiramdam n'yan. Alam n'yang minamanmanan s'ya. Kaya maging alerto ka. "

( Hindi naman po s'ya pumupunta sa Klinika. )

"Kahit na. Sigurado akong naghahanap s'ya ng paraan na malusutan ang kondisyon sa mamanahin."

( Sige po Maam..babantayan ko s'ya. )

Ibinaba si Graydelle ang telepono.

GRAYDELLE'S POV

"Hindi kaya walang alam si Grazyl na si Grayson Caspian ang pinagbigyan n'ya ng egg cells? Imposible rin naman na hindi aalamin ni Grayzyl kung sino ang recipient. At alam ko kung bakit ginawa 'yon ni Grayzyl ay dahil sa mamanahin. Kung si Grayson Caspian ang naging recipient..posibleng hahanap ng paraan si Grayson na alamin ang pangalan ng donor..AT KUNG MAGKATAON NA MAGKAKILALA SILA. MADALING MAIPALIWANAG NI GRAYZYL KAY GRAYSON ANG TUNGKOL SA MAMANAHIN. DAHIL S'YA ANG INA NG MAGIGING ANAK NI GRAYSON..MAARI S'YANG TULONGAN NITO O DI KAYA PAKAKASALAN PA.

 Hindi ako makakapayag. Malaking posibilidad ang pwedeng mangyari. Kailangang mapigilan sa madaling panahon. Kailangan muli kaming magkita ni Grayson."

------------------------------------------------------

Naisipan ni Grayson na bumalik ng Santa Catalina. Dinalaw n'ya si Oliver.

"Gray, gusto mong sumama mamaya sa gimik namin? Pupunta kami nina Blue sa isang bagong bukas ng Jazz Bar dito. Merong Live band doon. Isasama namin sina Chai at Gaston. Wala akong partner kaya tayong dalawa nalang."

Hindi magawang magtanggi ni Grayson kay Oliver. Alam n'yang magtatampo ito sa kanya. Kaya..

"Oo na. Pero h'wag kang maging OA sa akin. Oli, ayaw kong tamaan ng kidlat."

"Tse! Pasalamat ka nga at may DYOSA kang kasama." Sabay irap ni Oliver.

"O sige na nga..ikaw na ang DYOSA NG MGA GLAMAZON.."

"Pasalamat ka at isa akong BAYOTIFUL."

( AN : Para sa hindi alam ang Glamazon :

GLAmour + aMAZON = GLAMAZON

BAYOTIFUL :

BAYot + beauTIFUL = BAYOTIFUL

( bading )

----------------------------------------------------------

Sumama si Grayson kina Oliver. Pumunta sila sa Jazz Bar.

Minsanan lang talagang sumasama si Grayson sa ganitong lakaran. Kumuha ng isang mesa sina Blue. Masaya silang nag-uusap. Nang...

"Grayson.." Napalingon ang lahat sa tawag ng isang babae. Muling tumaas ang kilay ni Oliver.

"Ay may umepal sa eksena ko." Bulong ni Oliver kay Red.

"Totoong babae 'yan..ikaw hilaw. H'wag kang kontrabida." Bulong ni Red.

"Sino 'yan?" tanong ni Blue dahil agad na tumayo ang kapatid n'ya at nilapitan ang babae.

"Ahh..kakilala ni Grayson. Isa sa mga kliyente mo. Graydelle Simone ang pangalan." Nagsimulang hindi maipinta ang mukha ni Oliver.

"Ahhh...s'ya pala 'yong parati kong naririnig sa mga empleyado ko..madalas daw 'yang bumibili ng mga alahas. Mostly, binibili n'ya 'yong mga latest designs ko."

"Mmmm..'yong mata mo Blue, tutusukin ko na 'yan. Umandar na naman ang pagkababaero mo. Binabalaan kita,,NAKASALALAY ANG BUHAY MO SA AKIN." Taas kilay namang pinagsabihan ng asawa.

"Mahal, ikaw lang naman ang Reyna ko. H'wag ka namang magselos." Biro ni Blue sa asawa. Sabay hagod nito sa balikat.

"Gaston, isa ka pa. Ang mata mo gagawin ko na 'yang fish ball." Saway ni Chai sa asawa.

"Babe, takot akong ilagay mo ko sa recycling machine..ikaw lang ang true love ko..pramis." Sabay taas ni Gaston ng kamay.

"Dapat lang..isasama kita sa mga basura na irirecycle." Sabay pitik ni Chai sa noo ng asawa.

"Ewwwww! Nilanggam ako dito." - Oliver

"MANIGAS KA!" Sagot nila kay Oliver.

"Hi." Bati ni Graydelle sa lahat matapos yayain ni Grayson na sumali sa kanila.

"Guys, this is Graydelle Simone." Pakilala ng binata.

"Hello." Sagot naman ng mga kasama ni Grayson,

" Ikaw ba 'yong model ng bagong Men's Magazine?" Tanong ni Oliver.

"Yeah. I'm a professional model. "

"Talaga, e di rumarampa ka sa mga designer's clothes like; Chanel, Dior, Marc Jacob..o di kaya kasali ka sa Haute Couture." -Oliver

"Yeah."

Napansin naman ng 2 babae na tila napadilat ang mga mata ng kanilang mga asawa kaya...

"AWW!" - Blue

"Aray.." - Gaston

Simpleng kurot ang nakuha ng dalawa sa kanilang asawa.

Napangiti ng simple si Graydelle sa mga kasama ni Grayson.

"Gray,hindi ako pwedeng tumagal. Kailangan ko nang umuwi ng bahay. Kasi baka nag-aalala na ang mga magulang ko."

"Ah, ganun ba.. sige. Pwede ba kitang matawagan?"

"Oo, naman. Gusto ko ngang makipag-usap sa 'yo eh."

"Okay," Napapangiti ng husto si Grayson.

Agad nagpaalam ang dalaga.

"Ane be yen! Grayson, tapatin mo nga ako..crush mo ba ang babaeng 'yon?"

"Nagseselos ka?"

"Hindi..slight lang." - Oliver

PAK

"aray!"

"Ambisyosa ka talaga. Imbes tulungan mo si Gray na makahanap ng mapapangasawa..umiepal ka pa." Saway ni Chai.

"Hindi ko s'ya feel para kay Gray. Kung pwede nga lang hanapin ko ang DONOR ni Gray..gagawin ko."

Napaisip si Grayson sa sinabi ni Oliver.

"Oo nga, dapat makilala ko ang donor..sana maisipan n'yang kilalanin din ako."

- Grayson

GRAYDELLE'S POV

Ganito muna ang takbo ng pagkikita natin Grayson. Kailangan maging magkalapit tayo. Sisiguraduhin kong mahuhulog ang loob mo sa akin, bago mo matuklasan o makilala si Grayzyl.

-------------------------------------------------------------------

Kinabukasan habang nagmamaneho si Grayson..muling nagkaroon ng traffic..gamit ni Grayson ang isang convertible car. Mabagal ang daloy ng trapiko.

KRINGGGGG KRINGGGGGG...

"Hello."

( Grayson Caspian..)

Narinig ni Grayson ang boses ng isang babae.

"Yes."

( Hi...napag-utusan po ako ng amo ko na tawagan kayo. Congratulation po daw dahil magiging ama na kayo. )

"Sino 'to?"

( Ahmmm...Sir, Ano kasi, gustong ipaalam ni Maam sa inyo na s'ya raw ho ang egg cells donor n'yo. )

"Pwede ko ba s'yang makausap o makilala?"

( Eh, di po ba Anonymous dapat ang donor? Hindi po pwede. )

"Bakit hindi? Karapatan kong makilala s'ya. Ina s'ya ng magiging anak ko."

( Eh, Sir makikilala n'yo rin ho daw s'ya balang araw. Hindi po daw muna ngayon. Ingatan n'yo po daw ang surrogate mother. )

"Gusto ko s'ya makilala..pakisabi sa kanya."

(Sir, sorry ho. Good Luck na lang po daw. Tatawag na lang po daw kami ulit. )

"Wait! Let me talk to her."

Maya maya..nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya...at..

"Grayson..."

Pigil hininga si Grayson nang marinig ang boses ng babae. Nang biglang...

TOOOT TOOOT TOOO...

Naputol ang linya..

"Hello?! Hello?! "

Ang di n'ya alam..nakamasid sa di kalayuan sina Grayzyl at Nancy. Tanaw nila si Grayson mula sa isang Bakeshop. Nakita nilang pinipilit nitong mag-redial. Ngunit tinanggal na ni Grayzyl ang battery ng cell phone na ginamit.

"Naku, Maam mukhang interesadong makilala kayo."

"Darating din kami d'yan. Makikilala ko rin ang tunay na Grayson Caspian."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN : Thank you sa mga nagbabasa nitong story.

Continue lendo

Você também vai gostar

418K 6.9K 58
"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isan...
758K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
153K 5.9K 87
Your typical CEO - Cinderella romance. Aera is just an ordinary college girl juggling work and studies in a foreign country. But she got the biggest...
197K 10.6K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.