Do Stars Fall? (Sequel #1)

By Maria_CarCat

4.4M 127K 32.8K

This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star... More

Do stars fall?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 37

94.9K 2.7K 337
By Maria_CarCat

Support






Ramdam ko ang panghihina at lungkot ni Frank ng sumunod na araw. Kahit anong gawin niyang ngiti sa aking harapan ay ramdam ko pa din ang bigat ng dinadala niya.

"Morning" bati niya sa akin at kaagad na humalik sa aking pisngi.

Nilingon ko siya at tipid na ngitian bago din ako humalik sa kanyang pisngi. Bago ako umayos ng pwesto ay hinabol pa niya ang labi ko para halikan din ako duon.

"Ang ganda..." malambing na bulong niya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit mula sa likuran.

Naabutan niya akong naghahanda ng breakfast at ng kanyang lunch box. Natatawa na lang kaming dalawa pag naaalala naming dalawa na sinabi naming corny ang lunch box.

"Wag mo masyadong ipressure ang sarili mo Frank, kaya mo yan" pangaral ko sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang aking ginagawa.

Nanatili siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Ilang beses kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo, sa leeg bago niya ipahinga ang baba sa aking balikat.

"Thank you" mahinang sabi niya. Bahagya ko siyang nilingon.

"Thank you kasi naniniwala kang kaya ko" dugtong niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. Marahan ko iyong hinaplos.

"Alam kong kaya mo, susuportahan kita kahit saan, Frank"

Hindi siya nagsalita, muli niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay niya sa aking dibdib.

"Frank!" suway ko sa kanya.

Nang ibaba ko ang tingin ko duon ay halos masakop ng malaki niyang kamay ang mga ito. Bahagya pang napaawang ang aking labi ng marahan niya iyong pisilin.

"Tinitingnan ko lang kung lumaki na, para mabilhan na kita ng bagong bra" natatawang sabi niya sa akin.

Sobrang init ng aking magkabilang pisngi. Kahit naman gabi gabing magkatabi ay hindi pa din nawawala ang hiya ko sa kanya. Lalo na pag ganito siya, masyado kasing intimidating si Frank. Pag nakikita ko siya, o malapit siya sa akin ay pakiramdam ko highschool student ulit ako na nakikita ang crush niya.

Kumawala ako ng yakap sa kanya para maharap siya. Magkaharap na kami ngayon pero ang kanyang mga kamay ay nakahawak pa din sa aking bewang.

"Ako na ang bibili nuon, nakakahiya" sabi ko at medyo napaiwas pa ng tingin.

Napangisi siya. Marahang hinawakan ang baba ko para paharapin ulit ako sa kanya.

"Nahihiya ka pa din sa akin hanggang ngayon? Magkakaanak na tayo" sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa kanyang dibdib para bahagyang pasadahan ang kanyang suot na long sleeve.

"Minsan, hindi pa din ako makapaniwala..." paguumpisa ko.

Nanatili siyang tahimik na nakikinig sa akin. Tingin pa lang niya ay nagiinit na ulit ang aking magkabilang pisngi.

"Para ka kasing yung stars na tinitingnan ko tuwing gabi...akala ko, hindi ko maabot" medyo natawa pang sabi ko.

"Ako dapat ang magsabi niyan" sabi niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Dahil stars ang ibig sabihin ng pangalan ko?"

Marahan siyang umiling. "Because you're too good for me. I don't deserve you, yun ang totoo. Sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng mga nagawa ko"

Pumungay ang aking mga mata. Hindi ko inakala na maging siya ay ganuon din. Na nagdodoubt din sa sarili kung deserve namin ang isa't isa. He's too good to be true for me, at nalaman kong ganuon din pala ang tingin niya sa akin.

"But, gagawin ko ang lahat to be deserving" sabi niya at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"You'll always have me Frank" madiing sabi ko. May kung anong bumara sa aking lalamunan.

Kita ko ang panginginig ng luha sa kanyang mga mata. "I will protect you, our son...I will protect this family kahit anong mangyari" paninigurado din niya sa akin kaya naman kaagad akong yumakap ng mahigpit sa kanya.

Binabawi ko na ang sinabi ko nuon na papakasal ako kay Frank kung may susunod ngang buhay. Ngayon, desidido na ako. We will fight for our love this lifetime.

Hindi man sinasabi ni Frank sa akin ang totoong nangyayari sa companya ay ramdam na ramdam ko naman ang pressure sa kanya ng mga sumunod pang araw.

"Hihiwalayan ko na yang si Sergio, wala ng time sa akin" nakabusangot na sabi ni Sandra ng magkita kami.

Tipid ko siyang nginitian. "Intindihin muna natin, kailangan nilang magtrabaho" sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humaba ang kanyang nguso.

Nang makabawi ay humalukipkip siya sa aking harapan. "Ikaw, baka napapabayaan ka na ni Frank" puna niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi pa din siya nawawalan ng oras sa akin, sa amin ni Baby" sagot ko sa kanya pero mas lalo akong natawa ng maningkit ang kanyang mga mata.

"Hindi ka magaling magsinungaling" banta niya sa akin kaya naman para itago ang pagiging guilty ay inirapan ko na lang siya.

"Naiintindihan ko naman, ang kailangan ni Frank ngayon ay ang supporta ko" pangaral ko sa kanya kaya naman napabuntong hininga na lang siya.

"Alam mo, Stella. Masyado kang mabait, nakakatakot. Gusto mong kunin ni Lord ng maaga?" pananakot niya sa akin kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Matapos iyon ay natahimik nanaman siya, hindi nagbago at mahaba pa din ang kanyang nguso.

"Miss ko na si Sergio, miss ko na siyang utusan" pagmamaktol niya. Ganyan lang siyang magsalita pero alam kong mahal niya naman talaga si Sergio.

May pasabi sabi pa siya nuon na gagamitin lang niya ito at igoghost din. Pero ang totoo ay hindi naman talaga nawala ang pagmamahal niya para dito, siguro nga ay nagkagusto siya kay Cedrick, pero iba pa din talaga ang lalim ng pagmamahal niya para kay Sergio.

Lumipat ako ng upuan para tabihan siya. Dahil sa aking ginawa ay kaagad siyang yumakap sa akin na parang bata.

"Paano bang support? Maghahanda na ba ako ng pompoms at cheerdance?" malungkot na tanong niya pero natawa ako. Ang isip talaga ng babaeng ito!

"Bakit hindi? Para naman mawala ang stress ni Sergio" natatawang pangaasar ko sa kanya.

Mas lalo niya akong nginusuan. "Ano siya, siniswerte? Sus..." inis na sabi niya pa.

Buong araw kaming magkasama ni Sandra. Naghiwalay lang kami ng makareceive siya ng message mula kay Sergio na nasa condo niya ito. Dahil sa nalaman ay kaagad din akong umuwi sa pagaakalang nanduon na din si Frank, pero nabigo ako.

"Hay naku, magoovertime pa ata!?" inis na sagot ni Sandra sa akin mula sa kabilang linya.

Nang malaman kong wala pa si Frank sa condo namin ay kaagad kong tinawagan si Sandra para magtanong kay Sergio.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya sa akin, nanatili akong tahimik ng bahagyang bumagsak ang aking magkabilang balikat.

"Ano ba yang dinadala mo, Dose? Takot maghirap itong si Frank..." sabi pa niya mula sa kabilang linya na natigil din ng marinig kong sinuway siya ni Sergio.

Hindi ko narinig ang eksaktong sinabi nito kay Sandra pero alam kong tungkol iyon sa rason kung bakit ganito kadesidido si Frank na magtrabaho. 

"Edi, sorry naman..." sabi pa nito sa kabilang linya. Tipid na lang akong napangiti ng maisip kong mahaba nanaman ang nguso niya habang sinasabi iyon.

Matapos kong tawagan si Sandra ay inabala ko na lamang ang sarili ko na magluto ng dinner. Siguro naman ay uuwi siya bago mag six. Ganuon kasi kami palaging kumakain ng dinner, at bago mag six ay nandito na siya palagi.

Napahikab ako at napatingin sa orasan. Nagulat ako at napatayo ng makita kong lagpas alasais na. Mabilis akong lumapit sa telepono para tumawag sa office ni Frank. Ang secretary niya ang unang kumausap sa akin. Maya maya ay inilapat na ako sa kanya.

"I'm sorry, I can't make it this dinner. May tinatapos pa ako" pagod na sabi ni Frank mula sa kabilang linya.

Napatingin ako sa mga pagkaing inihanda ko sa itaas ng lamesa. "Ok lang naman, pero gusto mo bang dalhan na lang kita diyan?" tanong ko sa kanya.

Ilang pagbuntong hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya bago siya nakasagot sa akin.

"I'm sorry. Wait for me, pauwi na ako" sabi niya kaagad.

Mabigat ang dibdib ko ng lumapit ako sa mga pagkain para initin. Hindi mabigat dahil nagtatampo ako kay Frank, mabigat dahil alam kong nahihirapan siya. Dahil alam ko ang pakiramdam ng pinipressure, sobrang nakakadrain iyon.

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin pagkauwi niya. Hindi naman ako nagdalawang isip na gantihan iyon. Ramdam ko sa yakap ni Frank ang pagod, sa higpit ng yakap niya ay para bang duon na lang siya kumukuha ng lakas.

"Take it slow, you got this" pagpapagaan ko sa kanyang loob.

Nang gabing iyon ay sa kwarto namin siya nagtrabaho. Nagpresinta akong tumulong pero hindi niya ako hinayaan. Bago magumpisa ay siya pa mismo ang naghatid sa akin pahiga sa may kama.

"Ikaw, anong oras ka matutulog?" tanong ko sa kanya. Sandali siyang nanatili sa gilid ng kama para haplusin ang aking ulo.

"Pag natapos ko na yung ginagawa ko" marahang sagot niya sa akin.

Hindi na ako nakaimik pa at tumango na lang. Imbes tuloy na makatulog ay nanatili ang tingin ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkakakunot ng kanyang noo, ilang beses ding napahikab si Frank. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na talaga ako.

Nagangat siya ng tingin sa akin. Nagulat din dahil sa aking biglaang pagbangon.

"Ititimpla kita ng kape" sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nakapagprotesta pa ng nagtuloy tuloy ako ng lakad palabas ng kwarto. Hindi din naman ako nagtagal at bumalik din kaagad sa kanya.

"Inaantok ka na eh" sabi ko at inilapag ang kape sa may center table.

Sandali akong tiningnan ni Frank hanggang sa maglahad siya ng kamay. "Come here..."

Kaagad akong lumapit sa kanya, iginaya niya ako paupo sa kanyang hita. Nang makaayos na ako ng upo ay kaagad siyang yumakap sa akin.

"What would I do, without you?" marahang tanong niya. Hindi na ako nakaimik pa. Basta ang importante ay maiparamdam ko kay Frank na hindi siya nagiisa.

Imbes tuloy na bumalik ako sa kama ay duon ako natulog sa may sofa malapit sa kanya. Bago ako tuluyang kainin ng antok ay nararamdaman ko pa ang paminsan minsan niyang paghaplos sa aking buhok dahilan kung bakit hindi ko na napigilan ang sarili kong makatulog.

"Stella..." paggising ni Frank sa akin kinaumagahan.

Dahan dahan akong dumilat. Nagulat ako ng makita kong nakahiga na ako sa kama. Kagabi ay nasa sofa pa ako.

"Anong oras na Frank?" tanong ko, umayos kaagad ako ng upo.

Nabigla ako ng makita kong nakaligo na siya at nakabihis na din. Handa ng umalis.

"8, kailangan ko ng umalis. May meeting kami ngayon"

Mabilis akong bumangon kahit medyo hirap dahil sa aking malaking tiyan.

"Mag luluto ako ng breakfast, wait lang...ang lunch box mo" natatarantang sabi ko.

Bago pa man ako tuluyang makapaglakad palayo ay hinila na niya ako at niyakap.

"Nagcoffee na ako, ikaw...papahatiran kita ng pagkan dito, ano bang gusto mo?" malambing na tanong niya sa akin.

Biglang bumigat ang aking dibdib. Bakit kasi ang late kong nagising? Bakit hindi ako nakapagluto ng breakfast?

"Shh...ok lang iyon. Baby, love pa din kita kahit hindi ka nakapagluto ng breakfast" pangaasar niya sa akin.

Nanatiling mahaba ang aking nguso. Muli siyang natawa at niyakap ako.

"Bukas, maaga akong gigising" paninigurado ko sa kanya.

Nang umalis si Frank ay sandali akong naglinis ng condo, pagkatapos kong maligo ay inasikaso ko naman ang lunch box niya. Ihahatid ko na lang ito sa office niya.

Bago mag tanghalian ay nanduon na ako. Pagkalabas ko ng elevator sa tamang palapag ay nakita ko kaagad ang lamesa ng kanyang secretary, may kausap ito. Sa sobrang abala nila ay hindi nila napansin ang aking paglapit.

"Kinuha ni Sir yung project sa may laguna? Diba delikado daw yun?" rinig kong sabi ng isa.

"Oo, makakatulong daw kasi iyon sa companya. Makakabawi kaagad kung kukuhanin iyon" ang secretary niya.

Nang tuluyan akong makalapit ay ipinatong ko kaagad ang lunch box sa itaas ng lamesa dahilan para makuha ko ang kanilang mga atensyon.

Nang makita ako ay kaagad na napatayo ang secretary ni Frank. Kung dati ay masungit siya sa akin ay iba na ngayon.

"Good morning po, Ma'm"

Tipid ko na lamang siyang nginitian. "Pupuntahan ko sana si Frank" sabi ko sa kanya.

Kita ko ang biglang paglaki ng kanyang mga mata.

"Ay, Ma'm kasi ano po...may kausap po si sir Frank sa loob. Bawal pong istorbohin" sabi niya sa akin.

Napatango na lamang ako. "Ok lang kung hintayin ko na lang matapos ang meeting nila?"

Alanganin siyang tumango at ngumiti sa akin. Tahimik na lamang akong umupo sa may waiting area. Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa mga magazine, nang makaramdam ng pagkaihi ay tumayo ako para mag banyo sandali.

"Diba siya kakain ng lunch?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin ng banyo.

Pagkalabas ay kaagad akong dumiretso sa pwesto ko kanina. Umaasa akong tapos na ang meeting ni Frank para naman makapasok na ako sa office niya.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko siyang kausap ang kanyang secretary, kaagad akong napaatras ng makita kong may babaeng nakahawak sa kanyang braso. Napatago ako ng maramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang mata dahil sa nagbabadyang pagiyak.

Si Maggie ang kasama niya. Bakit sila magkasama? Dahil ba sabi nanaman ito ng Daddy niya?

"Gusto mo duon sa kinainan natin kahapon? Or try tayo ng iba?" rinig kong tanong ni Maggie ng dumaan sila sa aking gawi.

"Ikaw ang bahala" tamad na sagot ni Frank.

Imbes na umuwi sa condo ay kaagad akong dumiretso kay Sandra. Wala siya sa kanyang condo kaya naman sa office niya ako pinapunta.

"Stella, bakit?" tanong ni Alfred sa akin.

Siya kaagad ang nakita ko sa labas ng office ni Sandra, isa sa mga nagbabantay.

"Anong nangyari?" nagaalalang tanong niya sa akin. Marahan lamang akong umiling, hindi ako makapagsalita.

Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Mabilis na lumapit si Sandra sa amin para kuhanin ako kay Alfred.

"Inunahan mo pa ako Alfred, nakakainis ka. Isusumbong kita kay Ate" pananakot ni Sandra dito.

Kaagad niya akong niyakap at dinala sa loob ng kanyang office. Isa siya sa nagmamanage sa real estate company ng kanilang pamilya. Pati na din sa farm nila sa Bicol.

"Aba't tangina. Asaan ang hayop na yan?" nangagalaiting sabi ni Sandra ng sabihin ko sa kanya ang nakita ko.

Patuloy lang ako sa pagiyak. Mas gigil pa si Sandra sa aking harapan ngayon. Napanguso tuloy ako, inabala ko pa siya sa kanyang trabaho.

"Asaan ka? Halika rito ay may itatanong kami sayo. Dalian mo ha!" sabi ni Sandra sa kausap niya sa phone, kung hindi ako nagkakamali ay si Sergio iyon.

Matapos iyon ay hindi pa siya kaagad umupo sa aking tabi. May kung anong inutos pa siya sa kanyang secretary.

"Tahan na, alam ko pag labas ni Baby siguradong kung hindi nakasimangot ay umiiyak yan" pangaral niya sa akin.

Tumabi siya sa akin, umupo na akala mo ay nasa bahay lang nila. "Iiyak naman talaga ang Baby paglumabas, hindi pwedeng hindi" laban ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"Gaga ka!" sabi niya at muli akong niyakap.

Maya maya ay pumasok ang kanyang secretary na may dalang cake at frappe mula sa isang sikat na coffee shop. May nakita akong ganuon sa ilalim nitong tower nila kanina.

"Alam kong gusto mo ng chocolate cake, sige na kumain ka..."

Inasikaso ako ni Sandra. Maging siya ay kumain din kasama ko. Napahinto kami ng bumukas ang pinto at pumasok si Sergio.

"Anong nangyari?" tanong niya sa aming dalawa.

Hindi man lang tumayo si Sandra para salubungin siya ng halik o yakap. Napanguso na lamang si Sergio, siya na ang lumapit dito para halikan iyon.

"Hmp, galit din ako sayo kasi kaibigan mo si Frank" sabi ni Sandra. Napatigil tuloy ako sa aking pagsubo.

"Palagi mo na lang akong dinadamay. Wala naman akong ginagawa" si Sergio.

Kita ko ang pamumungay ng mga mata nito habang nakatingin sa aking kaibigan. Sa tingin pa lang niya kay Sandra alam ko ng mahal niya talaga ang kaibigan ko.

"Kasi nga diba, tell me who your friends are, and I'll tell you who my friends are...para barkada!" giit ni Sandra.

Hindi ko na napigilang matawa, maging si Sergio ay mariing napapikit habang nakangisi.

"Oh diba, napatawa ko si Stella. Ayang kaibigan mong si Frank palaging pinapaiyak ang kaibigan ko. Super gago niyo" si Sandra.

Hindi na napigilan ni Sergio ang sarili at kaagad na hinila ang kaibigan ko patayo para mayakap ito. "Talino talaga ng girlfriend ko" Nakangising sabi ni Serhio dito.

Napanguso na lamang ako at nagiwas ng tingin. Nang mapansin nila ang pagkailang ko ay kaagad na itinulak ni Sandra si Sergio palayo, at nagumpisa na sa pagtatanong na parang hindi naglandian sa harapan ko.

"Kasama ni Frank si Maggie dahil gusto ng Daddy niyang maginvest sa companya" sagot niya sa tanong namin kung bakit kasama siya ni Frank.

"Si Maggie ang representative ng companya nila kaya tuwing wala si Mr. Narvaez ay siya ang kameeting ni Frank"

Napatingin si Sergio sa akin. "That's a pure bussiness, Stella. Trust me, alam ko kung gaano ka kamahal ni Frank...hinding hindi ka niya lolokohin" paninigurado niya.

Bumagsak tuloy ang tingin ko sa aking mga mata. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil pinagdudahan ko kaagad si Frank. Masyado akong nagpadala sa aking emosyon.

Nakiusap ako kay Sergio na wag na lang sabihin kay Frank ang nangyari, ayoko na ding dagdagan pa ang problema niya.

"Andyan na ako bago matapos ang linggong ito, sa Sta. Maria ako tutuloy" si Mommy ng tumawag siya sa akin kinagabihan para ibalitang babalik na siya ng Manila.

"Wala pa bang balita sa kasal niyo? Akala ko ba..." pahabol pa niya.

"Medyo busy pa po si Frank, Mommy. Siguro po, pagkatapos nito"

Mas naramdaman ko ang pagiging abala ni Frank sa companya. Masyado niyang pinapagod ang sarili niya para lang patunayan sa Daddy niya na mali siya sa iniisip niya dito. Nagaalala ako para sa kanya.

"Frank, may check up tayo bukas" paalala ko sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang noo. "Can we move it? May meeting ako bukas"

"Uhm...ok lang naman kung ako na lang muna" sabi ko sa kanya.

"I'm so sorry, babawi ako...I promise"

Magisa akong pumunta sa hospital nila Sera kinaumagahan para magpacheck up. Sa Doctor na kaibigan ni Kenzo niya ako nirefer kung saan din siya.

Sa labas palang ng waiting area ay nakaramdam na ako ng inggit sa ibang nagpapacheck up din. May mga kasama kasi silang mga asawa, pero naiintindihan ko din naman si Frank. Kailangan ko siyang suportahan dito, kailangan ko siyang suportahan sa ipinaglalaban niya.

Sa aking paghihintay ay nagulat ako ng makita ko ang pag daan ni Mr. Del Prado, nakasuot ito ng white coat at may stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg.

Walang pagdadalawang isip akong tumayo at sumunod sa kanya.

"Mr. Del Prado...Sir" tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung anong tamang itawag.

Masungit siyang lumingon sa akin. Unang bumaba ang tingin niya sa aking sinapupunan, pagkatapos ay tumingin siya sa paligid, alam kong hinahanap niya si Frank. Alam kong kahit papaano ay nangungilila siya sa kanyang anak.

"Anong kailangan mo?" matigas na tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na mahal na mahal kayo ni Frank. Sana po ay dumating ang araw na matanggap niyo ulit siya...kahit siya na lang po"

Umigting ang kanyang panga. "Tanggap ko si Frank, ang hindi ko matanggap ay ang mga desisyon niya" giit niya sa akin.

Napayuko ako. "I'm sorry po. Sorry po kung isa kami sa tingin niyong maling desisyon ni Frank..." paguumpisa ko.

Natahimik siya. Natahimik din ako, hanggang sa medyo nakaramdam ako ng hilo.

"Mauuna na po ako" paalam ko sa kanya. Ayokong sa harapan niya ako manghina.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng kaagad niyang akong tawagin.

"Stella..."

Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may dugo ang aking suot na dress. Bigla akong natakot para sa Baby ko.

"Stay Calm" utos ni Mr. Del prado sa akin.

Hindi niya ako iniwan hanggang sa madala ako sa isang private room. Isang Doctor kaagad ang tumingin sa akin, kinausap niya ito.

"Ang Baby ko po" pakuha ko ng atensyon nilang dalawa.

"Normal lang po ang spotting pag buntis, ang kaso ay kailangan pa ring magingat. Minsan ay dala iyan ng sobrang stress..." sabi sa akin ng babaeng Doctor na kasama niya.

Napahawak ako sa aking sinapupunan, nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong seryosong nakatingin si Mr. Del Prado sa akin.

Nakatulog ako pagkatapos bigyan ng gamot ng Doctor. Naalimpungatan na lamang ako ng makarinig ako ng sigawan mula sa labas ng aking kwarto. Boses pa lang ay alam ko na kaagad na si Frank iyon.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero alam kong galit siya. Napaiktad ako ng marinig ko ang pagsuntok niya sa pintuan ng kwarto.

"Tangina, ang dami dami kong ng problema!" frustrated na sabi pa niya.















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

133K 3.2K 43
[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for...
122K 9K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.3M 18.4K 41
Dice and Madisson
864K 39.5K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.