Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 4

82.1K 3.2K 556
By Maria_CarCat

Lipstick






Malayo pa ang court pero rinig ko na ang ingay. Napanguso ako, hindi ko din napansin na napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Eroz. Bigla akong natakot, hindi ako sanay sa madaming tao. Hindi ako sanay sa masyadong maingay.

Hinigpitan din pabalik ni Eroz ang hawak niya sa akin. Nang tingalain ko siya ay nasa iba ang kanyang tingin, kung sino sino ang bumabati sa kanya. Like everyone in this town know him. Buti pa siya maraming friends.

"Eroz, goodluck sa game" bati ng mga ito sa kanya. Karamihan duon ay girls his age.

Itinaas ko ang isa kong kamay para itap ang ilong ni Princess. Kanina pa siya nakatingin sa akin. Dahil sa aking ginawa ay nilingon ako ni Eroz.

"Iiwan kita kay Ate Xalaine mo, maglalaro ako" sabi niya sa akin kaya naman napatango ako.

Sa labas ng court ay madaming nagtitinda ng kung ano ano. Marami ding street foods and may toys pa. Bago pumasok ay napahinto ako, may nakita kasi akong bubbles, I want one.

"Bakit?" tanong ni Eroz dahil sa aking paghinto.

"Can I buy, that bubbles?" tanong ko sa kanya. Tiningnan din niya ang tinuro ko.

Umigting ang kanyang panga, pero nagawa pa din niya akong hilahin palapit duon sa nagtitinda ng laruan.

"Magkano Manong?" tanong niya dito.

"Bente" sagot sa kanya ni Manong vendor.

Tumango si Eroz. "Isa" sabi niya at kaagad na kumuha ng pera.

Nang tanungin siya nito kung anong kulay ang bibilhin ay sinabi niyang pink kaya naman napangiti ako. I was amazed, hindi naman niya ako tinanong pero napili niya ang gusto kong color. Just like when he buy princess.

"Thank you" nakangiting sabi ko sa kanya ng iabot niya sa akin iyon. Tipid lang siyang tumango bago kami nagpatuloy sa pagpasok sa may court.

May mga naglalaro na, maingay ang ibang mga nanunuod. Ilang beses pa akong nasangga ng mga dumadaan.

"Ouch!" daing ko ng may nakaapak sa aking paa. Ni hindi man lang iyon huminto para mag sorry.

Gusto ko sanang magsumbong kay Eroz pero abala nanaman siya sa mga nakakasalubong.

"Eroz, baby sitter" pangaasar sa kanya ng ilang kalalakihan.

Nginitian niya lang ang mga ito. Pero ang grupo ng mga babae sa tabi ng mga ito ay naghiyawan pa na para bang attractive iyon para sa kanila. Napanguso ako, mabigat pa ang ilalim ng aking mga mata dahil sa luha na hindi tumuloy pa sa pagtulo.

"Asaan na ba si Xalaine?" tanong ni Eroz at nagpalinga linga.

May tumunog, tanda daw na maguumpisa na ang laban. Wala siyang nagawa kundi dalhin ako sa likod ng bench nila. Bago iwanan ay lumuhod siya sa harapan ko para iabot sa akin si Princess.

"Oh, bakit ka umiiyak?" gulat na tanong niya.

Niyakap ko ng maayos ang tuta, sa aking kabilang kamay ay ang bubbles na binili niya para sa akin. Gustuhin ko mang punasan ang luha ko ay hindi ko magawa.

"Someone stepped on me" sumbong ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. Nanatili siyang nakaluhod sa aking harapan kahit nailipat na niya sa akin si Princess.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" galit na tanong niya na para bang kasalanan ko pa.

Napanguso ako. "Cause you're too busy talking to everyone" sabi ko pa.

Umigting ang kanyang panga. "Tahan, maglalaro ako. Hindi ako makakapag concentrate pag nakita kong umiiyak ka pa" suway niya sa akin.

Napatitig ako kay Eroz ng marahan niyang punasan ang luha sa aking pisngi. "Sige na, tahan na" matigas na suway niya sa akin. Eventhough it's comforting, it still feels scary. He's still looks scary. Too much for me.

Tumango na lamang ako. Napabuntong hininga siya, sandali akong tinitigan bago niya ako tinalikuran para tumakbo sa gitna ng court. Pinanuod ko siya, nang tuluyang makalayo ay inilapag ko si Princess sa aking tabi.

"Very good, Princess" sabi ko sa kanya ng kaagad siyang dumapa sa aking tabi. She looks sleepy.

"Mag play tayo ng bubbles ko when you wake up" sabi ko pa sa kanya habang patuloy kong hinihimas ang kanyang malambot na balahibo.

Nagangat ako ng tingin ng may grupo ng mga babae ang tumabi sa akin. Nakatingin sila sa akin at nagtatawanan.

"Yan yung inaalagaan ni Eroz, Bea. Alagaan mo din para kunwari anak niyo" biro sa kanya ng mga kasama.

Nanatili ang tingin ko sa morenang babae. She has a shoulder length hair, pointed nose and red lips, too red!

Napanguso siya, bumaba ang tingin niya sa aking Tuta.

"Sabi ni John bumili si Eroz ng tuta sa kanya, iyan ata..." sabi niya at kaagad na lumapit sa akin para buhatin si Princess.

Napaawang ang aking labi. Gusto kong magprotesta pero pinagkaguluhan na nila ang kawawa kong puppy.

"Matagal ko ng gustong magkaroon ng Shih tzu" sabi nung Bea.

"Magpaligaw ka na kasi kay Eroz, malay mo ibigay niya yan sayo para lang sagutin mo" pangaasar pa din ng mga kaibigan niya.

"But, Princess is mine" giit ko.

Natahimik silang lahat at napatingin sa akin. "Englisera yung bata" sabi ng isa.

"Anak iyan ni Sir Keizer Montero..."

"Eh kaya naman pala maarte" sabi nung Bea sa akin.

Sinimangutan ko siya. "I'm not maarte" laban ko.

Inirapan niya ako. Nagulat ako ng padabog niyang ibinalik si Princess sa akin. Kaagad kong niyakap ang tuta, baka nasaktan sa kanyang ginawa.

"Ayoko na din naman niyan" sabi niya sa akin.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Isusumbong ka niyan kay Eroz" pangaasar sa kanya ng mga ito.

Imbes na matakot ay nagtaas pa siya ng kilay sa akin. "Subukan lang niya..." banta niya sa akin kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin sa kanila. Umusog pa ako kaunti palayo pero tinawanan lang nila ako.

Nang mag start na ang game ay nawala na ang atensyon nila sa akin. Tulog pa din sa aking tabi si Princess, pinapanuog ko si Eroz na maglaro pero hindi ko naman iyon maintindihan kaya nilaro ko ang bubbles ko.

Napapatakip na lang ako sa aking tenga sa tuwing tumitili at sumisigaw ang mga babae sa aking tabi. Sila ang may pinakamalakas na sigaw. Parang may megaphone ang bunganga.

"Shh...natutulog ang puppy ko" suway ko sa kanila na hindi naman nila napansin dahil abala sila sa pagtatawanan at pagsigaw.

"Go Eroz!" nangingibabaw na sigaw nung Bea. Napapatayo at napapatalon pa siya.

Tumunog ang buzzer, nakita ko ang pagtakbo ni Eroz papunta sa bench nila kasama nag kanyang mga kateam. Habang kinakausap ng kanilang coach ay seryoso siyang nakikinig at nakapamewang pa. Ilang pagtango at tinanggap niya ang inaabot na gatorade sa kanya at tumungga duon.

May isinenyas siya sa nagbibigay. Maya maya ay inabutan naman siya ng tubig. Matapos kausapin ng coach at tumakbo siya palapit sa akin. Naghiyawan ang mga nasa tabi ko, nakatingin sila kay Eroz, nagpapapansin.

"Oh, baka mauhaw ka. Wag kang aalis diyan" utos niya sa akin kaya naman kaagad akong tumango.

Matapos iyon ay bumalik na siya patakbo sa may court. Nagulat ako ng bigla na lang nilang inigaw ang bottled water ko.

"That's mine, I'm thirsty" sabi ko sa kanila. Kagaya kanina ay hindi nila ako pinansin, tinawanan lang nila ako.

Muli siyang naghiyawan na para bang kinikilig. "Kay Eroz ito galing!" hiyaw ng kumuha ng tubig ko.

Pagod akong nagiwas ng tingin. I can't wait to grow up. I wish, I grow up fast. Para matulungan ko si Papa sa business namin. Para hindi na siya mapagod sa work.

"Tara na, Gertie" tawag ni Eroz sa akin pagkatapos ng game nila at sila ang panalo.

Sandali siyang nagpunas ng pawis gamit ang puting bimpo. Nang mahusto ay kinuha niya sa akin si Princess.

"Eroz, pupunta ka sa kainan kila Kiko?" tanong nung mga babae sa kanya. Kibit balikat lang ang sinagot niya sa mga ito kaya naman napanguso ang mga babae.

Hinawakan ni Eroz ang kamay ko para hilahin na ako palabas duon. Nakasunod pa din sa amin ang grupo nila.

"Ang cute cute ng alaga mo" pagkausap nila dito. Ginamit pa ako, eh nangaaway nga sila kanina.

"Kapatid mo?" tanong ng isa. That was a dumb question, kilala naman nila ako kanina.

"Hindi" matigas na sagot ni Eroz.

Hindi na niya muling pinansin pa ang mga babaeng iyon. Pag dating sa labas ay nay tumawag sa kanyang lalaki, wearing the same jersey.

"Pupunta ka kila Kiko? Birthday niya tapos nanalo pa tayo" sabi nito.

"Hindi pa ako sigurado" sagot ni Eroz.

Bumaba ang tingin ko sa kinakain ng kanyang kaibigan. Halos mamuwalan siya dahil sa bilis ng kain.

"Gusto mo ng hotdog?" tanong ni Eroz sa akin. Dinungaw ko ang nilulutuan. Kumunot ang aking noo.

"Is it, Tender juicy?" tanong ko. Sumama nanaman ang tingin ni Eroz sa akin. Natawa ang kanyang kaibigan.

"Masarap naman iyan, kahit hindi Tender juicy" pinaarte niya ang pagkakasabi ng mga huling salita na para bang nangaasar.

Marahan akong umiling kay Eroz. "I'm just thirsty" sabi ko. Hindi ko magawang magsumbong tungkol sa pagkuha ng mga babae ng bottled water ko. Kanina pa ako nauuhaw.

"Wag na. Baka kung ano nanamang hanapin mo...hindi ka makuntento sa kung anong meron" masungit na pangaral niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Bumagsak ang aking mata sa likod ng aking palad. Kinurot ko iyon, mariin akong napapikit ng maramdaman ko na ang sakit duon.

Kahit uhaw na uhaw na ay hindi na ako nagreklamo kay Eroz. Napatagal pa ang pagtayo namin duon ng dumami pa ang kumausap sa kanyang. Iginala ko ang aking mga mata. Mula sa entrance ng court ay nakita kong lumabas si Tathi kasama si Charlie, tumkbo kaagad sila sa isang pick up. Imbes na sa loob ay nagunahan pa silang umakyat sa likuran. Too, dangerous.

"Sumama ka na, Eroz. Minsan lang eh, panalo naman tayo" yaya sa kanya ng isa.

"May binabantayan pa ako" matigas na sagot niya sa mga ito.

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin nilang lahat sa akin na para bang ako ang hadlang sa mga plano nila.

"Isama mo na lang, kakain lang naman" sabi pa ng mga ito.

Umigting ang pang ni Eroz ng lingonin ako.  Nanatili din ang tingin ko sa kanya. Kanina ang bait niya sa akin, pero ngayon galit na siya.

Imbes na iwan ako sa kanila o iuwi sa amin ay sinama niya ako sa kainan. Pagdating duon ay siya ang kumuha ng pagkain namin. Hawak hawak ko si Princess habang naghihintay sa kanya.

Paglabas niya ay may hawak na siyang dalawang pinggan. Inilapag niya sa aking harapan iyon, Spaghetti at fried chicken.

"Can I have water first?" tanong ko.

Inirapan niya ako at muling pumasok sa loob bahay para kuhanan ako ng tubig. Siya ang humawak kay Princess habang kumakain kami.

"Wow, yummy ang spaghetti nila" sabi ko kay Eroz.

Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. Hindi siguro siya sanay na ganuon ako, baka akala niya ay magrereklamo nanaman ako. He think bad of me everytime.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nagulat ako ng ilipat niya ang fried chicken niya sa akin. "Hindi ba't paborito mo yan" tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

"Ubusin mo yan. Pag hindi mo inubos iiwan kita dito, maghuhugas ka ng plato" pananakot niya sa akin.

Bayolente akong napalunok kaya maman nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

Halos buong araw akong nakila Tita Elaine para alagaan si Princess. Nagulat na lamang ako isang araw na umuwi si Eroz sa kanila na kasama na si Bea.

Ni hindi man lang siya nagtapon ng tingin sa akin. Dinaana niya lang ako pati ang tuta namin.

"Ikaw pala si Bea na anak ni Mang Henry" rinig kong sabi ni Tita Elaine ng sumilip ako sa kanilang salas.

"Opo, Tita. Ako po ang tinitrain ni Papa para sa rice mill namin" sabi niya dito.

"Tamang tama, si Eroz ang tumutulong sa amin ng Tito Darren niya sa palayan. Balak din kasi naming pumasok sa rice mill business" si Tita Elaine.

Masyado silang abala sa paguusap na hindi na nila napansin ang aking presencya. Magiiwas na sana ako ng tingin ng mapabaling si Eroz sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya, hindi ko nga alam kung ngiti iyon. I don't know how to smile like its true, kung hindi naman talaga ako happy.

Nang sumunod na araw ay nanduon ulit si Bea. Palagi silang naguusap ni Eroz, tungkol daw iyon sa business. Mula sa malayo ay nakatanaw lang ako sa kanila. Bigla siyang naging nice. Nung nasa basketball court ay ang sungit niya.

I also admire her dress. I want to wear dress like that when I grow up.

Ilang beses akong nahuli ni Eroz na nanunuod sa kanila kaya naman mabilis akong nagiiwas ng tingin. Pag ganuon ay itinutuon ko na lang kay Princess ang aking atensyon.

"Eroz anak, magmirienda muna kayo" tawag ni Tita Elaine sa kanila mula sa loob ng bahay.

Dahil duon ay kaagad na tumayo si Eroz para pumasok sa loob ng bahay. Nang mawala ito ay nakita ko kung paano maglagay ng lipstick si Bea sa kanyang labi, nag pout pa siya ng ilang beses sa harapan ng maliit na salaming hawak.

Napatigil siya at kaagad na itinago ang lipstick ng makitang palapit na si Eroz. Diretso ang tingin ni Eroz sa kanilang lamesa, may hawak siyang dalawang tasa. Nang mailapag ang isa ay nagulat ako ng bigla siyang naglakad patungo sa aking direksyon.

"Oh, fresh orange juice mo. Gusto mo duon sa mesa namin?" tanong niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko kay Princess na natutulog sa aking lap. Marahan akong umiling.

"No. Busy ka, at siya...busy kayo" nautal na sabi ko pa.

Narinig ko ang kanyang pagngisi kaya naman nagangat ako ng tingin.

"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin, akala ko gusto mo duon" sabi niya sa akin.

Biglang uminit ang aking magkabilang pisngi. "That's not true..." laban ko.

Mas lalo siyang ngumisi. Tinap pa niya ako sa ulo bago siya muling bumalik sa lamesa nila ni Bea. Pagkatapos nuon ay hindi na ulit ako nagattempt na tumingin sa kanila.

"Senyorita Gertie!" tawag ni Yaya Esme sa akin kinaumagahan.

"I'm here!" sigaw ko mula sa powder room nina Mommy at Daddy.

Umupo ako sa harapan ng vanity mirror ni Mommy. Anduon pa ang mga gamit niya. Dahil duon ay mas lalo ko siyang namiss.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Yaya Esme.

Napahinto ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi. Hindi ako nakagalaw, bigla akong natakot.

"Ikaw na bata ka, bakit ka naglilipstick?" tanong niya sa akin. Kaagad akong napadaing ng kumuha siya ng tissue at pinunasan ang aking labi.

"Just a little, Yaya" nakangusong sabi ko.

Marahan siyang umiling. "Bata ka pa. May crush ka na?" tanong niya nanlalaki ang mga mata.

Marahan akong umiling. "I just want to grow up fast" sabi ko sa kanya. Napasinghap si Yaya Esme at kaagad akong niyakap.

"Wag kang magmadali Senyorita..." marahang sabi niya sa akin.

Sa huli ay pinagaan niya ang aking loob. Pinayagan niya akong maglagay ng light na lipstick na bumagay sa suot kong pink dress.

Ngiting ngiti ako pagdating namin kina Tita Elaine. Nang bitawan ako ni Yaya Esme ay kaagad akong tumakbo patungo kay Princess.

"Wala pala si Ma'm Elaine, ok lang bang iwan si Gertie dito?" rinig kong tanong ni Yaya Esme kay Eroz.

"Sige po, dito lang naman po ako" sagot niya dito.

Mula sa pagkakaluhod at tumayo ako para magpaalam na kay Yaya Esme. Nginitian ko si Eroz pero nakakunot na kaagad ang noo niya ng tumingin sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin.

"Bye, Yaya" palaam ko dito.

Nang umalis si Yaya ay kaagad kong binuhat si Princess at dinala sa loob ng bahay. Nag angat ako ng tingin ng umupo si Eroz sa katapat kong upuan, matalim pa din ang tingin sa akin.

"Ano yang nasa labi mo?" tanong niya.

Kaagad kong itinakip ang palad ko sa aking bibig. "Nothing" sagot ko.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Tanggalin mo iyan, hindi ka pa dapat naglalagay ng ganyan" masungit na sabi niya sa akin.

Magrereklamo pa sana ako ng kaagad kaming makarinig ng katok mula sa pintuan. Mabilis na tumayo si Eroz para lumapit duon.

"Wala tayong meeting ngayon, diba?" tanong niya sa bisita.

"Oo nga, kaso may hindi ako maintindihan eh" nahihiyang sabi ni Bea.

She is wearing a white lacey dress, it's a bit revealing, and too short. Nagiwas ako ng tingin ng umupo silang dalawa sa katapat kong upuan.

"Andito pala si Gertie" nakangiting puna niya pero nagiwas din kaagad ng tingin at itinuon ang buong atensyon kay Eroz.

Abala kaagad si Eroz sa mga papers na dala ni Bea. Binuhat ko si Princess.

"Lalabas kami..." palaam ko.

Kaagad na nagangat si Eroz ng tingin sa akin. "Stay there, sandali lang ito" suway niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang umupo pabalik. Bumaba ang tingin ko sa chocolate drink na inilapag niya sa harapan ko kanina. Maingat akong uminom duon para hindi matanggal ang aking lipstick.

Maya maya ay napatigil kami ng tumunog ang telephone nila, sandaling nagpaalam si Eroz na aalis kaya naman naiwan kami ni Bea.

"Aba aba, naglilipstick ka na ah" puna niya sa akin. Tumayo pa talaga siya para lapitan ako.

Hindi ako nakagalaw, napasandal ako sa upuan ng humilig siya sa akin para tingnan ng mabuti ang aking labi. Dahil sa kanyang ginawa ay mabilis kong itinakip ang aking palad duon.

"Stay away..." marahang sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo. Nagulat ako ng sinubukan niyang hawakan ako, kaagad ko siyang tinulak.

"You're bad" akusa ko sa kanya ng makatayo na ako. Nanatili akong nakatingala sa kanya.

Masungit siyang humalukipkip sa aking harapan. "Napaka epal mong bata ka, bakit hindi ka na lang magkulong sa bahay niyo?"

Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Hanggang sa magulat ako ng kuhanin niya ang pink ribbon sa aking buhok.

"Give it back!" utos ko.

Mas lalo siyang natawa ng makita ang aking frustration. Dahil wala akong laban ay kaagad kong kinuha ang chocolate drink ko at itinapon iyon sa kanyang puting dress.

Kasabay ng sigaw ni Bea ay narinig ko ang matigas na tawag ni Eroz sa akin.

"Gertrude!"

Matapos niya akong tingnan ng masama ay kaagad siyang lumapit kay Bea para tulungan ito.

"Ayos lang, ayos lang" sabi niya dito.

"Pasencya ka na" sabi ni Eroz sa kanya. Kumalat ang chocolate drink sa kanyang puting dress.

"Ayos lang talaga. Ganyan talaga ang mga bata, papansin" nakangiting sabi niya.

Umigting ang panga ni Eroz at muling bumalik ang tingin sa akin. "Mag sorry ka" utos niya sa akin.

Namuo ang luha sa aking mga mata at wala akong takot na umiling.

"I won't! Nagpapanggap lang siyang good girl. She's bad" laban ko kay Eroz.

Napaayos siya ng tayo. "Isa..." banta niya sa akin.

Patuloy ako sa pagiling. Tumulo ang luha sa aking mga mata. "Hindi siya good girl, she's a liar, trust me" pamimilit ko kay Eroz.

"Gertie...ayaw mo ba sa akin?" malungkot na tanong ni Bea sa akin.

Sumama ang tingin ko sa kanya. "Ayaw ko sayo, bad ka!"

"Tumigil ka na Gertrude, kung hindi mo gusto yung tao hindi mo pa din dapat ginawa iyon. Sa tingin mo ba hindi ka Bad sa ginawa mo?" seryosong sabi ni Eroz sa akin.

Mas lalong tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata.

"Bisita ka dito, bisita si Bea dito. You should be nice..." patuloy na pangaral niya.

"Siguro next time sa office na lang tayo magkita...para hindi na magalit si Gertie sa akin" malungkot pa ding sabi ni Bea. Liar!

Hindi nila ako pinansin na dalawa, nagpatuloy si Eroz sa pagaasikaso sa nadumihan niyang dress. Malungkot akong tumalikod at kaagad na niyakap si Princess.

"I'm going to miss you..." malambing na pagkausap ko sa kanya.

Matapos iyon ay hindi na ako napigilan ni Eroz na lumabas. Nanatili akong nakaupo sa may ilalim ng puno. Yakap yakap ko ang tuta. Naiwan silang dalawa sa loob, at ayoko na duon. Kung pwede lang umuwi na sa amin, pero wala pa si Yaya Esme para sunduin ako.

"Ikaw na lang ang mag visit sa akin sa bahay namin..." pagkausap ko dito.

Napatigil ako sa paghaplos sa balahibo nito ng marinig ko ang yapak ng paparating na si Eroz. Galing siya sa may gate, siguro ay hinatid na palabas ang kanyang bisita.

"Pumasok ka na sa loob" matigas na utos niya sa akin.

"Ayaw ko. Hihintayin ko si Yaya, uuwi na ako" sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang tahimik na nakatayo sa aking harapan.

"Sa tingin mo bakit kita pinagalitan?" matigas na tanong niya sa akin.

"Cause you don't like me" sagot ko kaagad.

"Hindi. Kasi mali ang ginawa mo kay Bea" pagtatama niya pero umiling lang ako.

"I'm always naman mali for you. Kahit gumagawa ako ng Good, bad pa din ako. Kahit nag smile na ako...hindi pa din ako nice" naiiyak ulit na sabi ko.

"Ikaw, mabait ka sa other people. Sa akin hindi ka mabait...Sana other people na lang din ako" nakangusong sabi ko.

Maya maya ay lumuhod siya sa aking harapan. Nilingon ko siya, nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha.

"Alagaan mong mabuti si Princess, hindi na ako babalik dito" sabi ko pa.

Bahagyang napaawang ang labi niya. "At bakit hindi?" tanong niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin. "Hindi na ako babalik..." paguulit ko pa.















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

574K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...
2.8M 74.2K 42
AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mula sa perpektong grado hanggang sa perpek...
92K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...