Bella Amor Historia: Cristina...

By wwiittyyccuuttiiee

92K 3.8K 1K

Historia#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: Novembe... More

Author's Note
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
EPILOGUE
Author's Note

Special Chapter

3.8K 128 39
By wwiittyyccuuttiiee




"Gosh! Ang taas!"

Napatawa naman ako dahil sa reaksiyon na mayroon siya.

Oo nga, ang taas nga.

"Oh my! Baka mabitawan mo ninang!"

I chuckled. "Relax Kai, hindi ko bibitawan yan. Hawak ko mabuti oh."

Manghang nakatingin naman siya sa'kin ngayon na akala mo'y isa akong superhero. Nanggigil na pinisil ko ang pisngi niya. Napaka cute talaga ng batang ito. Manang-mana sa pinagmanahan.

"Ninang! Pwedeng ako naman humawak?"

Walang patid ang ngiti ko ngayon habang tumatango ako sa kanya. "Oo naman, walang problema."

Maingat kong inabot sa kanya ang tali ng saranggola na ginawa ko  talaga para sa kanya. Hindi naman na ako nagulat pa ng mapalipad niya 'to ng maayos.

Parang kanina lang kami nagsimula pero alam na alam na niya kung paano ito papaliparin.

Ang galing talaga ng batang 'to. Manang-mana sa ninang niya.

"Look ninang! Ang galing ko diba!"

Napatawa naman ako ng mahina saka marahang hinaplos ang buhok niya. "Oo, sa sobrang galing mo hindi na kita maabot."

She just looked at me, brows furrowed. "Ahh, edi wow po."

Napahagalpak naman ako ng tawa. Kung anu-ano na talaga ang natututunan niya sa nanay niya. Jusmiyo marimar santisima.

"Diba pilot ka ninang?" She asked, still looking at her kite.

Tumango naman ako kahit na hindi niya nakikita. "Yes baby."

"Ano pong pakiramdam kapag nasa langit ka?" Curious na tanong niya.

I chuckled. "Masaya."

Sa tuwing nagpapalipad ako ng Helicopter, grabe ang sayang nadarama ko. Sa tuwing masama ang timpla ng araw ko, naggagala ako sa kalangitan na akala mo'y sampu ang buhay ko.

Ito ang naging buhay ko mula ng mawala ang lahat sa'kin.

Ito ang naging libangan ko sa loob ng mahigit na limang taon. Namuhay akong mag-isa. Mas pinili ko ang mag-isa kaysa ang makasama ang mga taong tinutulungan ako sa lahat ng bagay.

At sa pag-iisa kong iyon, tuluyan ng humilom ang sugat sa puso ko.

At alam kong ganoon din siya.

Gaya ng huling hiling niya, hindi ko na siya hinanap o sinundan pa. Ginawa ko ang gusto niya, ang sukuan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Wala narin akong balita pa sa kanya. Pero kahit ganun,  alam ko, masaya na siya.

Sana.. sana nga masaya na siya.

"Walang patid ang saya sa pakiramdam kapag nasa himpapawid ako." Nakangiting dagdag ko.

"Aren't you scared?" And now, she's looking at me.

I just shrugged. "No?" I inhaled deeply. "Sa una, nakakatakot. Pero habang tumatagal, masasanay ka rin." Napaupo naman ako sa damuhan dito lang din sa pwesto namin ng makaramdam ako ng ngalay. "Bakit Kai? Gusto mo bang maging Piloto?"

She made a face. "Ayaw ko po ninang." She paused. "I want to be a Doctor like my mama."

Napatawa naman ako ulit. Okay na. Hindi ko na siya pipilitin pa. Talo ako, idol na idol niya ang mama niya ee. "Ayaw mo bang pumasok sa showbiz like your mommy?"

Napangiwi naman siya ulit sa'kin dahilan para mas lalong lumakas ang tawa ko. Mukhang ayaw nga niya. "Ayaw ko po."

"But why?" I cleared my throat. "Maganda ka naman Kai, at mas lalo ka pang gaganda kapag lumaki kana."

She just shrugged her shoulders. "Not interested. I want a peaceful life ninang."

Napailing na lang ako. Mukhang desidido na siya sa pagiging doctor niya.

"I want to help other people like what mama Achi did." She sincerely said.

Hindi ko naman napigilan ang pagngiti ko. Talaga ngang maganda ang pagpapalaki ng kapatid kong iyon sa anak niya.

Sana all talaga.

"Okay okay, ninang will support you."

Saglit lang siyang lumingon sa'kin para bigyan ako ng matamis na ngiti bago niya ibalik ang atensiyon sa saranggolang hawak-hawak niya. 

"Alam mo ba ni-..."

"Hello po."


Halos sabay pa kami ni Kai na napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Isang batang babae lang ang bumungad sa'min ng inaanak ko.

Isang cute na batang babae.

"Ahm, hi." Alanganing tugon ko.

"What are you doing po?" Walang kapreno-prenong sagot niya.

"Hindi ba nasabi sayo ng mommy mo ang katagang don't talk to strangers?" Kai said, all of sudden.

My mouth shaped an 'O'. Wow lang. Ayan na, nagsusuplada na naman po siya.

"Hi, what are you doing po?" Pag-uulit na tanong naman niya sa'kin.

"Nagla-.."

"Hey! Notice me kiddo!" My niece cut me off.

At sa kauna-unahang pagkakataon, nilingon siya ng batang kausap namin ngayon. "Oh sorry, but my mommy told me, don't talk to strangers." Awit. Attitude siya sis.

Pigil ang ngiting ginagawa ko ngayon. Alam kong mali, pero nakaramdam ako ng kilig sa dalawang bubwit na 'to. Jusko.

Bago pa mapunta sa kung saan ang pagsasamaan ng tingin nila, agad na akong pumagitna. "Nagpapalipad kami ng saranggola." Nakangiting sagot ko. "Gusto mo ba subukan?"

"Oh my! Re-.."

"But ninang!" Muntik pa kong atakihin sa puso dahil sa gulat ng biglang sumigaw ang batang ito. Jusko. "Ayaw ko po ipahiram sa kanya 'tong kite ko."

"Edi don't."

Literal na umawang ang labi ko. Teka lang ah, bakit ba ang init ng ulo nila sa isa't isa?

"Wag kayo mag-away." Mahinahong pag-awat ko. "Mas-.."

"JELAN!"


Napakunot noo ako. Alam ko, alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Ramdam ko, ramdam na ramdam ko.

"Gosh Jelan. Diba sabi ko wag kang lalayo sa'kin?"

"Mommy."

Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko ng tuluyan ng makalapit sa pwesto namin ang boses na yun.

Napahinga na lang ako ng malalim para kalmahin ang sistema ko bago buong tapang na nilingon ang nagmamay-ari ng boses na yun.

And there she is, standing infront of me.

"C-cristina." I uttered.

At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang limang taon, nakita ko na ulit ang babaeng ito.

"Raven?"

Napangiti ako.

Wala parin siyang pagbabago. Sadyang napakaganda niya parin.

Mabilis naman akong napatayo para agad na makalapit sa kanya. "Wow. Long time no see."

She just chuckled at me. Shit lang. Pati ang pagtawa niya, ganun na ganun parin. "Yeah, long time no see Lieutenant." She said, smiling from ear to ear.

"Hindi ko ak-.."

"Oh my gosh! Your kite!"

Agad naman akong napalingon kay Kai ng tuluyan na ngang nawala sa balanse ang saranggola kaya ang ending, naglanding tuloy yun sa damuhan.

"Ang ingay ingay mo kasi! Ayan tuloy, nag-crash na!" Kai hissed.

"Wow? Ako pa talaga sinisi mo?" Ganti naman ng isa

"Oo, sino paba ang dapat na sisihin? Ikaw lang naman."

"It's your fault cheap. Ikaw kaya may hawak sa kite mo."

"Cheap? Ako? Napaka conyo mo."

"Teka lang! Awat na." Pumagitna na ulit ako sa dalawang 'to.

Jusko. Feeling ko sumakit ang leeg ko sa pagpapabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa.

Nagkita na ba sila noon at grabe ang galit nila sa isa't isa?

"Kukunin ko lang kite ko ninang." Paalam naman sa'kin ni Kai.

Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. At literal na nanlaki ang mata ko ng agad na tumakbo si Jelan papalapit sa inaanak ko at talagang nakipag-unahan pa sa pagkuha ng saranggola.

Wow lang.

Nabalik naman ako sa ulirat ko ng marinig ako ang mahinhing tawa nitong natitirang kasama ko.

Napa-ayos naman ako ng pagkakatayo ko. Oo nga pala, kasama ko nga pala siya.

"How's life Morales?" She started.

I smiled, a freaking genuine smile. "Great Cristina." I sighed. "I'm great."

She nodded slowly. "Me too." Her lips curved into a sweet smile. "I feel good."

Napahinga naman ako ng malalim bago tanawin ang dalawang batang nag-aagawan na ngayon sa saranggolang gawa ko.

"The pain." She paused. "It's really worth it."

Napangiti akong muli. Ganito pala kagaan sa loob kapag tuluyan mo ng natanggap ang lahat ng bagay.

Ngayon lang ako nakaramdam ng tunay na kaginhawaan sa buhay. Ngayong nagka-usap at nagkaliwanagan na kaming dalawa.

"Yeah, indeed." Pagsang-ayon ko.

Parang tanga naman kaming dalawa dito na magkakatinginan at agad ding sabay na mag-iiwas ng tingin.

Kung may makakapansin lang sa ginagawa namin ngayon, iisipin na nasisiraan na kami ng bait. Jusko.

"Ano bang sikreto mo?" Natatawang tanong ko

Her brows furrowed. "Sikreto?"

"Oo, sikreto." I chuckled again. "Hindi kasi kumukupas ang ganda mo."

At ang diyosang ito, tinawanan lang ako. Napailing na lang tuloy ako. Nakakamiss din pala. Nakakamiss din palang marinig ang tawa niya.

"Piliin mo lang ang maging masaya palagi." She inhaled deeply. "Thank you Raven."

Sobrang sakit na ng panga ko ngayon dahil sa walang tigil na pagngiti ko. "Salamat din sayo."

Salamat dahil kahit sa sandaling panahon, naramdaman ko rin ang pagmamahal mo. Salamat dahil nakilala kita.

"Nabalitaan ko, wala ka pang anak."

I shooked my head in disbelief. "Asawa nga wala ako, anak pa kaya."

Pero ang babaeng ito, tinawanan lang ako ng malakas na akala mo'y nakakatuwa ang sinabi ko. "Mamamatay ka ng single Raven."

Napairap naman ako. "Hindi 'no." I paused. "Maliban na lang kung papayag kang maging asawa ko." Pahirit lang. Hehe. "Muli."

"Ulol" natatawang sagot naman siya sa'kin.

Pati din tuloy ako napatawa din dahil sa kalokohan ko. Pinagpatuloy lang naming dalawa ang panonood sa dalawang bata na nagpapalipad na ngayon.

Pustahan, tahimik na nag-aaway yang dalawang yan.

Agad naman akong napalingon dito sa kasama ko ng may maalala akong itanong.

"Si Jelan, anak mo siya?"

"Yes" she simply said.

I nodded slowly. "Nasaan ang asawa mo?"

"I adopt her Raven."

My jaw dropped. Ibig sabihin, wala siyang asawa?

Sandali lang natahimik ang pagitan naming dalawa ng magsalita na akong muli. "Pwedeng magpa-ampon?"

Her brows furrowed. "Why? Wala kabang mama?" Barumbadong tanong niya.

"Magpapa-ampon sana ako sayo." I smirked. "Bilang asawa mo."

At katulad kanina, malakas na tawa lang ang tinugon niya sa'kin. "Ayaw ko sa sundalo."

Burn. "Engineer ako."

"Ekis din sa Engineer."  At ngayon nga po, ang lakas na ng loob niyang ngisian ako.

Napairap tuloy ako. Siya kaya humiling na kunin ko yung course na yun. Hmp. "Piloto, ayaw mo din sa piloto?"

"Hmm?" She looked up, acted like she was thinking.  "Ayaw ko din."

Napailing na lang ako. "Ano ba gusto mo?"

Pero ang babaeng ito, iniwan lang ako dito para mapuntahan niya ang dalawang bata. Napailing na lang tuloy ako.

Wala parin talaga siyang pagbabago, pabebe parin.

"Hoy Cristina! Ampunin mo ko!"


Baka lang naman makalusot. Hehe.

"Cristina!"

Saglit lang naman niya kong nilingon para ngisian ulit.

Ang babaeng yun, saksakan ng pilya. Hmp.

"Sige, aampunin kita. Taga alaga kay Jelan."

Napamaang ako. Taga alaga ang pota. Ano yun? Baby sitter? "Ee ikaw? Hindi kaba papaalaga?"

"No need." She smirked at me. "I'm strong independent woman."

Napailing na lang ako. Oh edi sana all.

Totoo pala yung laging sinasabi sa'kin ni Ate. Na sa pagdating ng panahon magkikita kaming muli para tuluyang palayain ang isa't isa at para narin tuluyang matanggap ang nangyari sa aming dalawa.

Masaya ako..

Masaya ako na makita siyang masaya.

Hindi man kami ang nagkatuluyang bandang huli, okay lang,  malugod kong tinatanggap ang kapalarang mayroon kami ngayon.


Basta ang mahalaga, masaya na kami kung nasaan man kami ngayon.

Pero isa lang ang sigurado ako...


Siya parin ang mahal ko.




"Cristina!"







____________________

Continue Reading

You'll Also Like

43.3K 2.9K 19
Fall in love with my best friends brother? CHECK That's it. That's all I've got. I'm seriously stupid, how could this clichรฉ happen to me. Kooper is...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
23.6K 525 25
"Oh, yeah I'm a female clone" One day the creators of the clones found a single female clone in a batch of all-male clones, they didn't know what to...
209K 8.8K 24
"๐‘๐‘™๐‘Ž๐‘๐‘˜ ๐‘™๐‘’๐‘Ž๐‘กโ„Ž๐‘’๐‘Ÿ ๐‘๐‘œ๐‘œ๐‘ก๐‘  ๐‘ ๐‘๐‘–๐‘ก-๐‘ โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘’๐‘‘ ๐‘ ๐‘œ ๐‘๐‘Ÿ๐‘–๐‘”โ„Ž๐‘ก ๐‘กโ„Ž๐‘’๐‘ฆ ๐‘๐‘ข๐‘ก ๐‘œ๐‘“๐‘“ ๐‘š๐‘ฆ โ„Ž๐‘Ž๐‘–๐‘Ÿ ๐‘๐‘ข๐‘ก ๐‘–๐‘ก ๐‘™๐‘œ๐‘œ๐‘˜๐‘  ๐‘Ž๐‘™๐‘Ÿ๐‘–๐‘”โ„Ž๐‘ก ๐‘ค...