Chapter XXVIII

1.9K 88 18
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS





"Hoy! Tulala kana naman dyan!"

Nabalik naman ako sa ulirat ko at saka mabilis na napa-ayos ng pagkakaupo ko. Nakalimutan kong kasama ko pa pala ang bwisit na 'to.

"Parang ewan Ate Helen. Tulala kana nga, nakangiti ka pa." She paused and staring at me intently. "Sabihin mo nga sa'kin, nagda-drugs ka ba?"

My eyes widened. What the hell? Mukha ba kong addict? Sa sobrang gigil ko, tinampal ko siya sa noo niya. Nakakagigil ee.

"Ouch! Para saan naman 'yun?" She hissed.

I just rolled my eyes at her. "Feeling close kana ah. Baka nakakalimutan mo, may nagawa kanag kasalanan sa'kin." Ano akala niya sa'kin? Kakalimutan na lang basta-basta yung panggagago niya, nila? Aba, baka siya'y nahehelo.

Alanganin naman siyang ngumiti sa'kin kasabay ng pagkamot ng ulo niya."Sorry na nga Ate Helen. Hindi ko naman ginusto na mapasama sa plano ng asawa mo 'no."

"Ex-wife." Pagtatama ko.

Kahit nasa ganito kaming eksena, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsupil ng pag ngisi sa labi niya. Wala sa sariling nag-iwas ako ng tingin.

Ano bang problema niya? Ang issue niya sa'kin masyado ah.

"Ex-wife ba talaga?"

I raised my brow to her just to hid the awkwardness that I felt. Nakaka bwisit talaga. "Alam mo, lumayas ka na nga dito. Nabubwisit lang ako sayo."

Pero ang bruha ko, tila walang narinig at prente pang nahiga sa sofa.  Napailing na lang tuloy ako. "Nasaan pala si baby Ilog?"

Napangiwi naman ako. Bakit ba ang hilig nilang tawagin sa ganong pangalan ang anak ko. Ang sagwa kaya pakinggan. Eww.

"Hiniram ni Raven."

Mabilis naman siyang napalingon sa'kin at talagang nagmadali pa siya sa pagbangon para lang matingnan ako ng maayos.

Ito na. Umaandar na naman pagka-chismosa niya. 

"Okay na kayong dalawa?"

Napairap naman ako. "Okay naman talaga kami ah."

Her brows furrowed. "What I mean is, nagkabalikan na ba kayo?"

Bahagya namang  umawang ang labi ko dahil sa narinig mula sa kanya. Parang tanga talaga ang babaeng ito. "Hindi 'no. Yang bibig mo, napaka pasmado."

She just made a face. "Pero gusto naman niyang magkabalikan sila."

Sa sobrang gigil ko sa kanya, naihampas ko sa kanya itong unan na hawak ko.  "Isa Guinevere ah, kapag ako napuno sayo, kakaladkarin talaga kita papalabas ng bahay ko." Kautas siya. Jusko

"Ang pabebe mo naman cous." Irap niyang sagot sa'kin.

Napailing na lang talaga ako. Kung anu-ano na namang kalokohan ang naiisip niya. Hay nako. 

"Oo nga pala. Bago ko makalimutan, nakita pala kita  kagabi na hinatid ka ni Raven dito." Saad niya.  "Saan kayo galing?" Tanong niya pa sa'kin.

Sunod-sunod naman na paglunok ang nagawa ko. Ito na. Magtatanong na siya. Napaka chismosa talaga ng babaeng ito. Grabe.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Maingat kong sagot sa kanya.

Oo, maingat talaga. Delikado kasi kapag nagkamali ako ng isasagot sa kanya. Alam niyo naman ang babaeng ito, grabe kung makapag-isip ng kung anu-ano.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now